CHAPTER 14

1 0 0
                                    


-------MAVERY--------

THIS night is supposed to be my rest time but unfortunately something came up in the middle of the night. Yes I'm a pureblood and sa gabi dapat kami gising but since namumuhay ako bilang tao sa mundong to ng matagal nasanay na ako na nagpapahinga sa gabi

Anyway, nagising ako dahil kinausap na naman ako ni Granny dahil may naramdaman na naman daw siyang hindi magandang mangyayari

Wala pang paltos yung informer ko nayun pag dating sa ganto kaya alam ko na importante talaga na pumunta ako, and ngayon nasa city ako naglilibot sa paligid, 10: 28 na ng gabi at bukas pa din ang mga establishment sa mga oras na to

Nasa park lang ako at naglalakad lakad hindi rin kalayuan dito ang isang mall na hanggang ngayon ay bukas padin at labas pasok padin ang mga tao, at mula dito amoy na amoy ko ang isang half breed na bampira

Kalahating tao at kalahating bampira...

Bakit ba hindi sila maubos ubos? Im just really confused, sa pagkakaalam ko ako lang ang nag iisang may alam ng lugar kung saan makakatawid papunta sa mundo namin hawak ko ang susi at tanging ako lang ang makakapag bukas nun

Ang tanong lang, san sila tumatawid papunta dito at sino ang tumutulong sakanila para makatawid papunta sa mundo nato?

"Tulong?!! Pakiusap tulungan niyo ko!!"

Dinig ko ang sigaw ng isang babae sa isang madilim na iskinita malapit sa kinaruruonan ko, wala na akong sinayang na oras pa kaya agad ko ng pinuntahan ang lugar na yun

Madilim at masikip na sa lugar na yun at saktong sakto itong lugar para sa kung sino mang gagawa ng krimen

"Pakiusap tulungan niyo ako! No please I'm begging you wag mo akong sasaktan!" pagsusumamo ng ginang sa isang half breed na kaharap niya

He was about to bite her neck kaya pinigilan ko agad siya gamit ang isang punyal na itinarak ko sa puso niya, "Hindi ka dapat nandito" huling bulong ko sakanya bago siya maglaho at maging abo

Gulat na gulat ang ginang na tila hindi makapaniwala sa nakita niya, wala akong kahit na anong suot para takpan ang mukha ko kaya alam kong makikilala ako ng ginang.

Uunahin ko pa ba naman iyun kesa iligtas siya di ba..

"A-anong? Anong nang-yari sakanya?!" nangangatug siya sa takot ng itayo ko siya at inalalayan palabas sa iskinita na yun

"He's a vampire" sagot ko lang sakanya, alam ko naguguluhan siya sa sinabi ko tila hindi makapaniwala sa mga sinabi ko

"I-sa ka ba sakanya?!" bumitaw ito sa pagkakahawak ko sakanya at takot na umiwas sakin, bumuntong hininga lang ako dahil nabasa ko ang iniisip niya

Natatakot siya sakin "Don't worry ma'am wala po akong balak saktan kayo, I'm just here to help" sabi ko sakanya

Kahit kunti ay nabawasan naman ang takot nito "Are you one of them?" tanong ulit niya sakin at inanalisa ako sa pamamagitan ng pag tingin sakin mula ulo hanggang paa

"Yes" sagot ko "We should go, hindi po safe sa lugar na ito, ihahatid ko na po kayo" alok ko sakanya

"Thank You sa pagligtas mo sakin iha, ano nga palang pangalan mo?" tanong niya

"Im Mavery Smith po"

"Celeste Hendrix nice meeting you iha" at nakipag kamay sakanya

Hendrix? So siya pala ang mommy ni Austin, that explains why they have the same scent of blood.
Don't get me wrong naamoy ko lang talaga ang dugo niya, of course I'm a vampire remember

VAMPIRE HUNTERWhere stories live. Discover now