Kabanata 4

119 7 0
                                    

Comfort With You

"Ouch," daing ko nang madampian ng alcohol ang sugat ko sa kamay.

"Ano'ng nangyari at ganito kalala na naman ang mga sugat mo?" tanong ni Jude habang nagtiiim ang bagang.

"Aw! Dahan-dahan naman. May nakakita kasi sa ating naghahalikan kaya nakarating kay papa. Hindi na raw siya magtataka kung maaga akong mabuntis dahil sa kalandian ko," sagot ko sa kanya. "Kaya, Jude, huwag mo muna akong hahalikan baka magkatotoo ang sinabi ni papa."

"Tsk, hindi naman kita mabubuntis sa halik lang, t'saka gusto ko kasal na tayo kapag nagkaanak tayo. Wala ka bang tiwala sa akin? Iniisip mo ba na may gagawin ako sa iyong hindi mo gusto?" Bumuntonghininga siya at nilagyan na ng bandaid ang sugat ko mula sa palo ng aking ama. "Kahit naman hinahayaan mo ako sa mga paghawak at paghalik ko sa iyo, labis-labis ang respeto ko sa 'yo, Cha. Hindi ako gagawa ng hindi mo gusto."

Umiling ako. "Hindi ko naman iniisip iyon. Wala akong tiwala sa sarili ko Jude, baka bumigay na lang akong bigla dahil sa kagustuhang lumayo sa tatay ko."

Hinaplos ni Jude ang mukha ko at pinunasan ang luhang pumatak. "Konting tiis na lang, Cha. Gagalingan kong magtrabaho at mag-ipon, gagalingan ko ring mag-aral para hindi ka na magtitiis nang matagal."

"Salamat, Jude." Ngumiti ako at napadako sa suot kong bracelet na bigay niya. "Siya nga pala, nakita ni mama 'tong bracelet ko. Sabi niya ang ganda raw at tinanong niya kung sino ang nagbigay. Sinagot ko na ikaw, natuwa siya, Jude. Gusto ka niyang makita."

"Sige, pagkatapos nating mamasyal mamaya, pupunta ako sa bahay niyo." Tumango siya.

"Kaso, baka maabutan ka ni papa roon. Baka saktan ka niya," nangangambang usal. "Saka na lang siguro kapag alam kong hindi siya uuwi.'

"Kahit bugbugin pa niya ako ay wala akong pakialam, sanay na ako sa bugbog." Pinakita niya sa akin ang muscles niya sa braso. "Kita mo 'to? Kaya na kitang ipagtanggol."

Humalakhak ako at tinampal ang matigas niyang braso. "Tumigil ka! Ayaw pa rin kitang masaktan."

Half-day lang kami sa school nang araw na iyon dahil may seminars ang lahat ng mga teacher. Naisipan namin ni Jude na pumasyal bayan para raw gumaan ang pakiramdam ko. Masakit pa kasi ang katawan ko dahil sinalo ko lahat ng hampas ni papa. Kung sino man ang nagsabi sa kanya ng ginawa namin ni Jude, sana ay maging masaya siya sa nangyari sa akin. Puro latay na naman ang mga hita ko at ang likod, hindi na nawalan ng sugat.

"Kaya mong maglakad nang malayo?" tanong ni Jude habang kinuha ko ang bag ko para siya ang magdala.

"Kaya ko. Hindi naman na masyadong lamog, mahapdi na lang." Gusto ko sanang humawak sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko dahil nasa loob pa kami ng school, baka ma-issue kami.

Sa rami ng nagkakagusto kay Jude ngayon lalo pa at lagi na siyang nakadikit kina Gael at Zeno na mga feeling campus crush ng school, hindi ko maiwasang hindi ma-insecure sa sarili ko. Ang lakas ng hatak ng awra niya sa mga babae at kahit mga nasa higher year ay napapalingon sa kanya, hindi pa naman halata sa height niya ang edad niya. Malapit na siyang maging 6 footer!

"Ano ang iniisip mo at kanina ka pa nakatingin sa akin?" tanong niya na ikinagulat ko.

Napakurap ako at napatingin sa paligid namin, nasa labas na pala kami ng school. "Wala, naiisip ko lang kung kailan ka magsasawa sa akin. Hindi ba at ganoon iyon? Kapag lagi mong kasama, minsan nagsasawa ka na." Nagkibit-balikat siya.

Keeping The Clouds (After School Series #2)Where stories live. Discover now