Wakas

237 11 1
                                    

Where We Keep The Clouds

Jude

She's finally home with her mother. Somehow, I feel happy 'cause all of her suffering has now ended. She won't feel pain anymore. All of her scars have been healed, she's at peace now.

Mas ginusto kong ilibing siya sa isang private cemetery kaysa doon sa plano ng lolo niyang sa lupain nila ilibing si Cha. Kilala ko ang asawa ko, mas gusto niya rito, mas gusto niyang nasa labas at nakikita ang palagid. Hinaplos ko ang katawan ni Susan na nakahiga lang sa sa tabi ng lapida ng mommy niya.

"Do you miss her already? Me too, baby. Tayong dalawa na lang ngayon, huwag mo akong iiwan, ha?" kausap ko sa kanya.

Nakatingin lang siya sa akin at kalaunan ay nagpakandong na. Binuhat ko siya at sa huling pagkakataon sa araw na iyon, sinulyapan ko ang lapida ng asawa ko.

"Babalik ako araw-araw, mahal ko. Ayaw man kitang iwan, hindi naman iyon pwede, hindi ba? Gusto mo naman akong umuwi, 'no? Paalam, Cha. I'll see you soon." Tinalikuran ko na siya at mabigat ang loob na naglakad patungo sa kung saan nag-aabang ang sasakyan ko pauwi.

Si Zeno ang nagpresinta na maghintay at maghatid sa akin sa bahay. Siguro ay bumabawi sa kasalanan. Hindi naman ganoon kadali iyon kung 'yon ang inaakala niya. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto dahil nahihirapan na ako sa pagkarga kay Susan na ang laki na ng nilaki.

"Salamat sa paghihintay," sabi ko pagkatapos ikabit ang seatbelt. Sinilip ko si Susan nasa backseat at kumakain ng dog treats na binigay ko.

"Wala 'yon. Hindi ko naman naiisip na makakabawi ako sa inyo kapag ginawa ko ito, gusto ko lang talagang maiwan, naiirita ako sa Zach na 'yon." Bumuntonghininga siya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala kang karapatan."

Tipid siyang ngumiti. "Alam ko naman, hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. Ako kasi dati 'yon, eh."

Binuhay niya ang makina ng sasakyan niya at saka nagsimula nang magmaneho. Wala akong pakialam sa problema niya ngayon, kamamatay lang ng asawa ko at kailangan kong isiping mabuti kung paano na tatakbo ang buhay ko. Mag-isa na lang ako ngayon, wala na ang dahilan kung bakit ako nagpapatuloy. I feel like I am a broken compass.

"Babalik kami bukas, Jude. May mga hinanda na kaming pagkain, huwag kang magpapagutom," bilin ni Tita Charmie na siya na lang ang naiwan na kasama ko sa bahay pagkatapos naming maglinis.

"Salamat, tita." Hinatid ko siya sa labas at nang makaalis na ang sasakyan niya ay pumasok na rin kaagad ako sa loob.

Gabi na rin naman at gusto ko na ring magpahinga. Tinatawag na ng kama ang katawan ko pero nagutom naman ako bigla nang makita ko ang pagkain sa mesa. Kahit wala akong gana ay naubos ko iyon, nakakapanibago lang sa akin ang katahimikan. Kahit pala tanggap ko na na wala na ang asawa ko, umaasa pa rin ako nandito siya at yayakapin ako. Hindi na siya nagpakita sa akin kahit sa paniginip. Siguro wala na siya rito.

Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang Cloud Room, ngayon lang ako nagkalakas ng loob na buksan ito. Napahinto ako dahil sa gulat sa nakita ko sa kwartong ito. Halos matakpan na ang disenyo sa pader dahil sa mga nakapakat na mga papel, ang iba ay mga nasa sahig na nga dahil nawalan na siguro ng pakat.

Kinuha ko ang isang papel na nasa paanan ko lang. It broke my heart when I read what was written in that small paper.

March 26, Jude brought me a chicken but Susan ate it before I can taste it. Lagot tayo sa daddy mo, Susan...

Keeping The Clouds (After School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon