13 | Gusto

317 8 1
                                    

13 | Gusto

___________

She placed her forefinger on her lips before her eyes went to the door.

"Si Ate Janette po? Nakita ko po siya kanina sa library, e," I heard a girl say outside.

"Gano'n ba? P'wede bang kapag nakita mo ulit siya, sabihin mong hinahanap ko siya?" It was probably Janette's creditor.

"Ay, sige po. Ano pong number niyo para makontak ko kayo?"

Nagtagal pa nang kaunti ang pag-uusap hanggang sa nagpaalam iyong babae na aalis na dahil may klase pa. When silence was finally restored, Janette sighed her relief and leaned on the wall. I was just there, confused and awed.

"He's that guy, right?" I asked her when I could no longer bear her nonchalance.

Mabagal siyang tumango. "Hindi ko alam na pupunta siya rito."

Gusto kong tanungin kung bakit niya ako hinila kasama niya. But seeing her lost in thought, I kept it to myself.

It wasn't a big deal, anyway.

"Are you still indebted to him?" mahina kong tanong, takot na ma-offend siya.

She turned to me, eyes void. "Oo."

I didn't know what to say.

Makalipas ang ilang minutong katahimikan ay malakas siyang bumuntong-hininga at tumayo nang maayos. "Pasensya nga pala kung dinala kita rito. Hindi na ako nakapag-isip. Baka kasi makita ka niya at kung anong gawin. Medyo gago pa naman 'yon."

Gago. Kinagat ko ang ibabang labi at yumuko nang kaunti.

This was the first time she uttered that word. She must be really pissed.

Tahimik naming nilisan ang classroom. May ilang estudyante ang nakaabang sa may pinto kaya nang lumabas kaming dalawa ay kakaiba ang mga tingin nila. Awkward akong ngumiti at umiling-iling.

I wouldn't care much if it was only me.

"Pasensya ka na ulit," Janette said when we were finally in the hallway. "Kung makita mo ulit siya, mas mabuti kung iwasan mo siya." Tumikhim siya at tinalikuran ako. "Mauna na 'ko."

"Wait."

She immediately halted.

Shit. Bahala na!

"H-how much do you owe him?"

Dahan-dahan siyang umikot at tinagpo ang tingin ko. Napalunok ako, hindi maiwas ang mga mata sa kanya.

"I mean," napahawak ako sa batok, "I-I can lend you money . . . if you want."

Hindi naman siguro aabot sa milyon ang kailangan niyang bayaran. Kung ganoon, puwedeng-puwede ko siyang pautangin. That guy seemed dangerous. Mabuti nang mabayaran niya iyon para hindi na siya istorbohin pa.

Waiting for her response was pure agony especially when her gaze held a lot of questions. Bigla ay gusto kong bawiin ang sinabi.

What was I even thinking?

"Salamat pero ayoko," prangkang sabi niya, sa wakas. "Kaunti na lang naman 'yon. Kailangan ko lang ng isa pang part-time job, matatapos na rin ang problema ko sa kanya."

I pursed my lips and let it go. Of course, she would say that. Kahit siguro magugunaw na ang mundo at ako lang ang makakapitan niya, hinding-hindi niya tatanggapin ang tulong ko.

Pero bakit ba ayaw na ayaw niya sa akin?

Lumipas ang araw at namalagi sa utak ko iyong problema niya. Hindi ako mapakali. The fact that the guy would go in our school to look for her was already alarming. He wouldn't stop until she paid.

If I Have To (Book 3 of If I Trilogy, Villaraza Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon