Chapter 115

2K 94 12
                                    

Chapter 115 : TBSP

Aeros' POV

“I'm sorry. . .”

Iminulat ko ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Riz. Bumungad sa akin ang puting kisame, nang ilibot ko ang paningin ko sa kwarto ay wala akong ibang nakita kundi ako lang mag isa.

Nang bumukas ang pinto ay iniluwa no'n si Chea, napangiti kaagad ito nang makita ako.

Thank's God you're awake! Hindi mo ba alam na sobrang nag aalala ako sa'yo?! Please, Jeisz! Palagi ka namang mag ingat!”

Napangiti ako sa kaniya at akmang yayakapin siya nang bigla namang kumirot ang braso ko kung saan ako tinamaan ng bala.

“Huwag ka munang gumalaw!” sigaw niya sa'kin

“Chea, ayos lang ako.”

“You're not okay, Jeisz. Out and. . .inside.”

Napatitig ako sa kaniya na para bang tinatanong kung anong ibig niyang sabihin pero nang titigan niya ako ng may pag aalala ay lumambot ang tingin ko sa kaniya.

“Hoy.”

Parehas kaming napabaling sa pinto at nakita roon si Riz. Nakasuot lang ito ng itim na hoodie at may maong na short at nakasuot pa ng rubber shoes.

“Saan ka galing?” takang tanong ko rito

“Sa langit, pero ngayon bumaba ako ng impyerno para bisitahin ka. Ang bait ko 'no?”

Hindi na talaga siya nag bago. Hindi ko maintindihan kung bakit may parte sa puso ko na nasisiyahang makita siya ngayon at dahil na rin binisita niya ko.

Namewang ito sa harap ko at matiim akong tinitigan An'yari sa iyo? Pangalawang beses ka ng sumalo ng bala ah. Anong akala mo sa sarili mo? Bulletproof?”

“I can't lose our mom.”

Your mom. Matagal ko ng itinatak sa sarili ko na wala akong pamilya.”

Kahit pa anong tapang niyang sabihin sa akin iyon at ang walang emosyon niyang mukha ay sa mga mata niya halatang nasasaktan siya.

Wala ako gaanong alam tungkol sa nangyari sa kaniya sa loob ng mga taon na hindi ko siya kasama.

“Riz. . .”

Napaiwas ng tingin si Riz Pumunta lang ako rito para sabihing panalo ako. Ako ang first 'di ba? Second ka lang.” she said while smirking

There's a thing that didn't change at all, it's her childishness.

Kahit siguro gumuho na ang mundo ay mayroon pa rin siyang pagka isip bata. At iyon ang gustong-gusto ko sa kaniya.

“I'm still the best.” pang aasar ko rito “Hindi ako nag review, but at least I am rank 2. Unlike you, balita ko kasi halos napuyat ka na raw sa kakareview.”

Sinungaling ka, hindi ako nag puyat para lang doon 'no! If you're the best, then I'm the great.” umirap pa ito sa akin na bibihira niya lang gawin kaya inirapan ko rin siya pabalik

Natigil lang ang pag iirapan namin nang marinig namin mala-anghel na tawa ni Chea.

“Bakit?” halos sabay na tanong namin ni Riz sa kaniya

“Wala. Ang cute niyo lang tingnan.”

Cute?

Nagka-tinginan kami ni Riz at parehas nandiri sa sinabi ni Chea.

The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]Where stories live. Discover now