Kabanata 8

167 7 0
                                    

Kabanata 8


"Ihahatid na kita."

Nangunot ang noo ko at bahagyang lumayo sa kaniya at napalunok ng laway.

"Ayaw ko," pagtanggi ko.

Nangunot ang noo niya at hindi nagpatalo." Hindi puwede, baka mapaano kapa sa daan." Pagpupumilit niya habang hindi pa rin makatingin sa 'kin.

Kumalabog ang dibdib ko bigla dahil sa sinabi niya.

Tumaas baba pa ang adam's apple niya at bahagyang umawang ang labi. "At... N-nakikita ko ang kulay ng bra m-mo..." Malat ang boses na sinabi niya. At tila ba nahihirapan.

Nanlaki ang mata ko at mabilis na tinakpan ang bandang dibdib ng aking mga braso. Nag init ang magkabila kong pisngi dahil sa hiya. At lalaki pa talaga ang nakakita! Paano na lang kung makita ng ibang lalaki ang kulay ng bra ko? At baka mabastos pa ako.

Napatingin ako kay Adonis ng biglang tanggalin nito ang polo niya at sando na lang ang natitira sa kaniya. Mabilis akong nag iwas ng tingin ng dumako ang mga mata ko sa katawan nito.

Inilahad niya sa 'kin ang polo niya at nilingon pa ako. Tumikhim ako at tila may nakabarang kong ano sa lalamunan ko.

"Kunin mo at itakip mo sa dibdib mo."

Hindi na ako nag inarte pa at kinuha ang polo nito para sana iharang ang polo sa basa kong dibdib ng may maalala.

Tiningnan ko si Adonis na nakatingin pala sa 'kin. Hindi ako kaagad nakapag iwas ng tingin. "A-ano... M-mababasa ang polo m-mo..." Nakakapanghina talaga ang mga mata niya.

"Ayos lang. Kaysa naman sa mabastos ka. "

Nag iwas ako ng tingin at nilagay na lang ang polo sa dibdib ko. Hindi ko masiyadong idinikit ang polo dahil baka kapag nabasa 'yon ay baka makita pa rin ang kulay ng bra ko. Pero makapal naman ang polo kaya mukhang malabong mangyari iyon.

Pumara na si Adonis ng trycicle. Pinauna pa niya akong pumasok sa loob, hindi na ako nag inarte dahil nakakaramdam na ako ng lamig.

"Manong sa Rizal po kami." Narinig ko pang sinabi ni Adonis sa driver.


Nagulat pa ako nang lingunin ako nito. At diko inaasahan iyon kaya nasalo ko ang tingin niya. Ibig sabihin non ay alam na niyang nakatitig ako sa kaniya!

Tumikhim siya."May damit si Ate doon, pwede ka niyang pahiramin kung ayos lang sayo..." May pag aalangan pa sa boses niya.

Nag iwas ako ng tingin, iniisip pa rin niya na maarte ako.


"Ayos lang sa akin, hindi naman ako mapili," matamaan kong sinabi at ibinaling ang tingin sa labas ng trycicle. Ramdam ko pa ang pagtitig sa akin ni Adonis at ang guilty niya.

Mahina na lang ang patak ng ulan at basa ang daan. Ang ibang lugar pa ay binaha na, mula sa di kalayuan ay nakikita ko ang mga taong nagmamadaling sumilong kahit pa man ay ambon-ambon na lang. Pero mas na agaw ang atensyon ko sa mga batang naglalaro ng bangkang papel sa baha.

Imbis na mandiri ay natawa ako ng mahina. Naalala ko bigla na maging iyon ay hindi ko rin naranasan no'ng kabataan ko.

Dahil wala akong ibang ginawa kundi ang mag aral at bawal akong lumabas, lalabas lang ako kapag papasok sa school. At pag uwian na ay uwi na kaagad sa bahay, hindi na pupunta sa kong saan-saan pa. At wala rin akong kaibigan. Tanging si Faith lang, ang pinsan ko.

Naalala ko pa dati na sobrang inggit na inggit ako sa mga bata na hinahayaan ng mga magulang nila na maligo ng ulan, makipaglaro ng tumbang preso sa kapwa nila mga bata. Gusto kong maranasan ang lahat ng iyon, kaso hindi naman na ako bumabata pa.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon