Kabanata 9

159 8 0
                                    

Kabanata 9



Inabutan ako ni Tita Rose ng isang damit na may kasamang pajama at underwear.

Ngumiwi ako. Bakit hindi ko naisip iyon? Dapat pala bago ako naligo ng ulan ay inisip ko muna na wala akong masusuot na underwear kapag sa oras na nabasa ako ng ulan.

Tumango ako at nagpasalamat pagkatapos tanggapin ang damit.

Itinuro din sa akin ni Tita Rose ang palikuran nila at lalabas ka pa pala ng bahay para lang mapuntahan ang palikuran nila.

At sa bandang kaliwa ay nakita ko ang palikuran nila na simentado at ang pintuan ay kahoy. Na hindi pa tapos ayusin.

"Maiwan na muna kita, hija. May gagawin pa kasi ako sa itaas." Paalam ng ginang sa akin bago umalis.

Tumango ako at nagpasalamat muli sa ginang at pumasok na sa loob.

Maliit ang loob ng banyo nila pero malinis naman. Binilisan ko lang ang pagligo ko at sinout ang pajama na kulay pink tapos tshirt na kulay pink din at may print pang mukha ng pusa sa gitna.

Matapos kong mag bihis ay umakyat na ako, kahit pa man nasa hagdan pa lang ako ay nakita ko na ang ginagawa nila.

Dahil matatanaw mo na ang loob ng bahay nila kahit pa sa pintuan ka pa lang, dahil wala namang bagay ang nakakapagpaharang sa hapag nila. Inaayos ni Tita Rose ang mga plato at baso habang si Adonis naman ay ganun din ang ginagawa.

Mukhang napansin niya ang presensiya ko kaya lumingon siya sa direksyon ko ng hindi ko inaasahan. Kaya nagkasalubong kami ng tingin.

Umayos siya ng tayo at bumaling sa hapag bago sa akin. Habang ako naman ay napatingin sa hapag nila at doon ko nakita ang mga pagkaing nakalagay doon.

Paksiw na bangus, mga hiwang kamatis na nasa platito at may kasama pang toyo at tuyo. Alam ko ang mga pangalan nila pero hindi ako kumakain niyan, nakikita ko lang iyang mga iyan kayna Mama La kasi sa amin ay sila lang ang kumakain ng ganyan. Pero gusto kong subukan. Pero hindi ibig sabihin non ay umaarte ako kay Adonis na parang hindi maarte.

Inaamin ko naman na maarte ako pag dating sa pagkain. Pero may mga pagkain din naman ako na gusto kong matikman.

Nilapitan ako ni Adonis at nakita ko ang pagiging seryoso ng mukha nito.

"Tara, kain na..." Nag aalangan pa sa unang yaya niya. Baka iniisip niya na hindi ako kumakain ng ulam nila. Pero ayaw kong isipin niya iyon, kakain ako.

Sumunod ako sa kaniya at naupo sa bakanteng upuan na nasa tabi niya.

Nakaupo na sina Tita Rose at napatingin pa nga sa akin, ginawaran niya ako ng isang matamis na ngiti at gano'n din ang ginawa ko. Habang dumako naman ang aking tingin kay Adonis na ngayon ay sinasandukan ako.

Hindi ko maiwasang 'di mailang, dahil parang kanina lang ay nag away kami pero ngayon sinasandukan na niya ako. At ang nakakahiya pa ay nakatinakatingin sa amin ang mapanuksong tingin ng mga magulang niya.

Hinawakan ko ang kamay ni Adonis ng wala sa sarili para sana pigilan siyang paglingkuran ako ngunit ako pa yata ang natigilan.

Nagtataka akong nilingon ni Adonis, napalunok ako. Pakiramdam ko may nakabarang kong anong bagay sa lalamunan ko na siyang dahilan kong bakit ako nahihirapang mag salita.

"U-uhm. A-ano a-ako na ang m-magsasandok ng a-akin..." Halos tampalin ko na ang sarili kong noo dahil sa pagkautal. Halatang tensiyunado ako.

Hindi nag tagal ang tingin ko sa kaniya dahil sa pagkailang at alam kong pinamumulahan na ako kaya lalo akong nakaramdam ng hiya, baka napaghahalataan na ako!

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon