Kabanata 10

195 9 0
                                    

Kabanata 10







Paano ba umarte na parang walang pakialam sa isang tao? Ang artista lang ba ang marunong umarte?

Pero bakit kailangan kong gawin iyon? Una pa lang ay alam ko naman na wala talaga akong pakialam kay Adonis. Pero bakit may kakaiba?

Hindi ko talaga alam kong bakit sinabi iyon ni Adonis. Pero doon ko lang naalala na hindi pala siya nakikisalamuha sa mga mayayaman. Lalo na sa angkan namin, hindi ko alam kong bakit. Pero kong ano man iyon ay gusto kong malaman, pero para saan pa? At galit kami sa isa't isa. Ayon na iyon.

Dapat galit ako, hindi dapat maging magaan ang loob ko kasi galit ako.

"Sa tingin mo maayos na ito? " ang boses ni Faith ang nagpabalik sa huwisyo ko.

Napalalim pa yata ang iniisip ko. Nilingon ko ang gawa niya, gumuguhit siya. Gumuhit siya ng kalangitan na unti unting nagkukulay kahel dahil sa paglubog ng araw. At sa ibaba non ay ang malawak na palayan na kung saan ay may mga magsasaka.

Tumango ako. Bata pa lang si Faith ay marunong na talaga siyang gumuhit. "Ang ganda... " namamangha kong sinabi.

Napangiti si Faith ngunit hindi aabot sa mga mata nito. "Bukas kasi... Ay sasali ako sa contest. " nag aalangan pa sa unang sabi niya.

Bahagyang nanlaki ang mata ko ngunit nauwi din iyon sa pag ngiti. "Ah. Ganun ba? Goodluck sayo! " nginitian niya lang ako at hindi na muling nag salita.

At tumanaw sa ibang bahagi ng lugar. Katahimikan, iyon ang namamagitan sa aming dalawa matapos kong mag salita.

Lumalabas-labas na si Faith sa kuwarto niya. Pero hindi siya laging nag sasalita, parang kinaiinisan na niya ang pagsasalita. At alam ko kong bakit, dahil sa tuwing mag sasalita siya nanginginig ang boses niya at halatang nanghihina at alam kong ayaw niyang ipahalata kayna Mama La iyon, lalo na kay Tita Maureen.

Napayuko ako at hinayaan ang hangin na tangayin ang buhok ko.

Bumuntong-hininga ako. "Akala ko ba kapag mahal mo ang isang tao ay iintindihin mo siya? " bigla kong sinabi.

Natigilan si Faith ng bahagya ngunit nanatili padin siyang gano'n ang puwesto. Matagal niya itong sinagot, akala ko nung una ay hindi na siya sasagot.

"Akala ko din... P-pero hindi pala, dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay iintindihan mo pa din siya... B-bitaw n-na k-kapag m-masakit n-na, " bahagya ding nanginig ang boses ni Faith kaya ako naman ngayon ang natigilan.

Para akong nabuhusan ng malamig at parang pinipiga ang puso ko habang nakatingin sa pinsan ko na ngayon ay nasasaktan. At nagsisi sa pagtatanong.

Yumuko siya at pinahid ang luhang nalaglag sa pisngi niya. At inangat ang mukha para mag salitang muli.

"Hindi mamahalin ng isang tao ang taong hindi naman niya gusto. Miriam, " mahinang sinabi niya.

Hindiako nakapagsalita, pero ang totoo niyan ay gusto kong sabihin kay Faith ang nakita ko matapos siyang umalis sa library. Na umiyak si Abraham.

Kaya nagpatuloy si Faith sa pagsasalita habang ako ay nakatingin padin sa kaniya.

Umusbong ang malungkot na ngiti sa mga labi ni Faith. "Una palang hindi naman na talaga sa akin si Abraham... May nauna na kasi, Miriam. Eh, m-may nauna n-na... " ang boses nito ay nababalutan ng sakit.

Nagbaba ako ng tingin. Pero bakit nakita kong umiiyak si Abraham? At isa lang ang ibig sabihin non, umiiyak siya dahil mahal niya si Faith. Umiiyak ang tao dahil nasasaktan sila, dahil nag mahal sila kahit alam nilang mali. At umiiyak si Abraham dahil nararamdaman niya ang gano'ng klase ng emosiyon.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon