Scylla 16: Calamity

49 4 0
                                    








"Greetings, Princess Thalia!" The door swung open, I saw Sovanna hurriedly rush towards my direction with a warm smile plastered on her face. I heard how she slightly giggled while fixing the strands of her hair and tuck it behind her ears. She's beautiful to watch.

"Scylla!" She said with glee, I nod my head to acknowledge her greet. Ngayong araw matutuloy ang expedition na naudlot no'ng isang araw. Nagbabasta na kami sa pag-alis at gaya ng napagusapan, sasama si Sovanna sa'min.

"Are you sure we will let the Princess to tag along, Captain?" Tanong sa'kin ni Anais sa mahinang boses, nakatayo lamang ito sa'kin gilid habang tinitignan ang ibang knight na abalang magbasta ng kaniya-kaniyang sarili.

"Yes, I don't mind her coming at all and it's our duty to protect the Princess," I simply said and walk towards my white wolf, Kali. He growls when I patted his head.

Sumakay na ako sa likod ni Kali at pumunta nasa harapan, lumingon ako sa paligid at hinahanap si Sovanna kung nasaan. Nakita ko naman itong nakasakay na at ala-alalay ni Anais and when everything is settled, I whistle using my two fingers to signal the Lunar knights to position.

"If ever you encounter a monster along the way don't hesitate to send us a signal if you need a back up. That's all, keep safe everyone!"

"Yes, Captain!" They said in unison. At nagsimula na kaming tahakin ang nagye-yelong bundok ng West. I split the knights into three groups, para rin mapabilis ang expedition na gagawin namin. We're here to check and eliminate every monster roaming around. Kasama ko si Anais at Sovanna, tahimik naming binabaybay ang daan.

"Scylla, we're already in the westbridge," Mahinang saad sa'kin ni Sovanna. I sigh, pinalibot ko ang aking mga mata at pinagmasdan kung may kakaiba ba. Bumaba ako sa pagkakasakay at pinagpag ang ilang nyebe sa buhok ko.

"Let's stop here, go and check the premises and report it to me. Be back at 1:30," Utos ko sa kanila na mabilis naman nilang sinunod. Nagpatuloy ako sa paglalakad at ramdam ko ang dalawang bulto na nakasunod sa'kin.

I look up to the sky when I hear the thunder rolling from the distance, there's grey clouds starting to form above. It looks like there will be a storm coming, we need to end the expedition in quick.

"Let's take this route," I said to Anais and Sovanna. Sinenyasan ko rin na lumapit sa'kin si Sovanna upang makita ko siya, mabilis naman itong tumabi sa'kin.

"We're heading to the Shollow Caves, that was once the nest of monsters here in West. What's your plan there, Scylla?" She asked. Nagkibit balikat lang ako at pinapagtuloy ang paglalakad, dahil sa totoo lang wala naman talaga akong plano. I just want to check that place. And if ever something happens, I am confident that I can protect Anais and Sovanna.

I saw how Sovanna slightly flinch when the heaven suddenly rumble, sobrang lakas ng kulog kaya't kuno't noo kong pinagmamasdan ang kalangitan.

Something is off, my intuition is sending me a warning. I close my eyes and connect myself with the nature because I believe energy never lies. A violent gust of wind blew my hair, and it brings coldness that runs down through my spine. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at napakagat sa'king labi.

Humarap ako kayla Anais at bago kopa masabi ang sasabihin ko bigla na lang kami nakarinig ng malakas na pagsabog sa 'di kalayuan. Rumehistro ang gulat sa'king mukha at pinagmasdan ang malaking usok sa itaas.

"Anais, protect the Princess! Keep her safe and far, I'll go check what happened there!" Mabilis kong utos at tumakbo sa direksyon ng sinabugan. Rinig kopa ang malakas na pagtawag sa'kin ni Anais at Sovanna ngunit hindi kona sila pinansin at tuloy-tuloy ang pagtakbo, nakita kong nag-aabang na sa'kin si Kali kaya walang atubiling sumakay ako dito at mabilis na pinapunta doon.

ScyllaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon