11 // LUCKY

5.3K 306 80
                                    


No edit guys. Tamad ako. 😅

-----------------------------

Gail POV

Napakunot noo ako ng pagbukas ko sa locker ko ay may nabungaran akong maliit na paperbag doon.

"Ayieee... May gift nanaman siya. Kaninong admirer naman kaya to galing this time?" Janiah said na pinakiusapan kong samahan ako dahil may kukunin akong gamit sa aking locker. "Ang taray ng admirer Cha--- w-wait!" Biglang napahinto ito sa pagsasalita, matapos ay nagmamadaling ito na mismo ang nag abot niyon sa locker ko at agad na binusisi.

Nakatingin lamang ako sa kaibigan habang nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa inilabas nito sa loob ng paperbag.

"Chanel Grand Extrait??!" Hindi makapaniwalang tanong nito bago tumingin sakin, "Sinong nagbigay sayo nito jojowain ko na ngayon!"

Nagtataka din akong nakatingin sa hawak na pabango nito. Hindi basta pabango kung hindi isa sa pinaka mahal na edisyon ng pabango sa kasalukuyan.

"Gail, it's a limited edition... Sinong students naman ang baliw na magreregalo ng ganto kamahal na perfume? Unless patay na patay sayo yun at gustong gusto ka ma impress!"

Nanatili akong hindi sumasagot at napapaisip din kung sino ang posibleng maglagay nun dun at higit sa lahat ay paanong nailagay yun doon gayong hindi ko kailanman iniwan ng bukas ang locker ko.

So how come???

"Wala bang note to?" Muling wika nito na patuloy na binusisi pa ang laman ng paperbag at ang box ng mismong perfume.

I helped her do it dahil baka nga meron pagkakakilanlan ang nag bigay nun.

"Kuya magpakilala ka kung sino ka man. Kung ayaw sayo ni Gail sakin ka nalang." She continue whispering while looking for a note.

Ngunit wala!

"Haaayyyy... Kelan kaya may magbibigay din sakin ng ganyan?" Anito pa matapos ay iniabot na sa akin ang paperbag.

Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa Garden kung saan naroroon ang iba namin kaibigan.

"Sagutin mo na si Ivan kahit ten pa na ganto mabibilan ka nun." Banggit ko sa isa sa pinaka makulit na manliligaw nito.

"Hmmm.... Ayoko." Parang batang sagot nito, napangiti na lamang ako dito.

Nang makarating kami sa garden ay agad naming natanaw ang mga kaibigan namin at napatigil pa ako when I saw someone standing infront of our friends who is now sitting at the long bench. Nakikipag usap ito kay Marlan.

Natutulalang nakatitig lang ako sa naka sideview niyang imahe at nang hindi parin ako gumagalaw ay naramdaman ko nalang ang paghatak sakin ni Janiah upang tuluyan na kaming makalapit sa mga kaibigan namin.

"Hi Miss Semiraaa..."

Nakuha pang bati ni Janiah habang naglalakad na kami palapit sa mga ito kaya naman napalingon ito sa amin.

My heart skipped a beat when our eyes met. Nakatitig ito sa akin ng mataman ngunit nanatiling blangko ang emosyon, she's just looking at me intently na tumagal ng ilang segundo bago iyon bumaba sa kamay kong may hawak na paperbag matapos ay muling umangat ang mata nito sa akin before she turned her head to Marlan.

"I have to go now Marlan, call you later." She said and bid her Goodbye to Aliyah too and to my other friends.....

except me!

Buti nalang ay hindi na iyon napansin ng mga kaibigan ko.

Nasundan ko nalamang ito ng tingin hanggang sa makalayo na sa amin.

CHASING MY FLING'S EX GIRLFRIEND!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon