Chapter 8: Friends

4.7K 222 21
                                    

Niks' POV

Almost 30 minutes ang naging byahe ko. Past 7PM na nga, baka kanina pa s'ya naghihintay sa'kin.

Pagpasok ko sa hotel ay natanaw ko agad s'ya sa lobby. When she saw me, she immediately stood up and walked, signaling me to follow her.

Sumunod naman ako sa kanya. She enter the elevator kaya pumasok din ako. S'ya na rin ang pumindot kung saang floor ba niya ako dadalhin.

Nasa magkabilang dulo kami ng elevator. Ayokong dumikit sa kanya, pakiramdam ko sasabog ako. I can see her through peripheral vision. She's wearing a tan colored dress and a light make up.

Napatingin tuloy ako sa suot ko. Oversized longsleeve and loose pants. Para akong sasayaw ng hiphop, habang s'ya sasayaw sa prom night n'ya.

May date ba kami? Nagsayang s'ya ng limang milyon para lang i-date ako? Tapos dito pa sa hotel? Gano'n na ba 'ko kapogi?

Nang bumukas ang elevator ay nauna s'yang lumabas. Para lang akong aso na sunod nang sunod sa kanya. Nang nasa tapat na kami ng isang pinto ay ginamit n'ya ang keycard n'ya to open it.

Pagpasok ay natanaw ko agad ang naka-set up na table sa veranda nito dahil glassdoor lang ang pagitan sa kwarto. May mga red candles sa table and red petals sa paligid nito. Ang romantic gago.

"I told them to set up a table for dinner meeting, not a dinner date," dismayadong sabi n'ya habang umiiling-iling pa. Ouch, meeting pala, akala ko date.

"Meeting, para saan?" tanong ko. Nang maglakad s'ya papunta sa veranda ay inunahan ko s'ya para i-slide ang glass door.

Hindi s'ya sumagot, bagkus ay naupo lang s'ya sa isang silya. Ang ganda rito, tanaw ang mga makukulay na gusali ng city.

"Have a seat, please." she formally said. Gaya ng sabi n'ya ay naupo ako sa tapat n'yang silya. Tinanggal n'ya ang stainless na takip ng mga pagkain, she also lit the candle on the table, scented candle, ang bango.

"What's this for?" tanong ko nanaman. Dinner meeting pa, hindi nalang diretsuhin kung gusto n'ya akong i-date, 'di naman ako aangal e.

"I want you to work as my assistant." she handed a paper, binasa ko, kontrata?

Sumulyap ako sa kanya.

"Kaya ba may cheke para 'di na ako makatanggi dito?" sarkastikong tanong ko. 'Di ko alam pero naiinis nanaman ako. "Ibabalik ko nalang yung cheke mo-"

"No, the check is for the auction, and this contract is for your job. Don't you want a decent job?" may halong pagtataray ang boses n'ya.

Nilapag ko sa mesa ang papel. Seryoso akong tumingin sa kanya. Gano'n din ang ginawa n'ya, we didn't break eye contact.

"My job is decent, ma'am." I said firmly, "look, I don't know what's your intention, kasi mukhang binibili mo na 'ko, pasensya na ha, 'di ko kailangan ng pera mo." matapang na sabi ko pa, taas noo.

"How dare you say that?" Her voice grew louder, pati ang kilay n'ya ay magkasalubong na. Hindi yata s'ya natuwa sa sinabi ko, well, hindi rin ako natutuwa sa ginagawa n'ya.

Natahimik ako, hindi dahil wala akong masabi sa tanong n'ya, kundi dahil ayokong sabihin ang gusto ko. It will just make the situation more confusing.

"So you prefer to work at that bar, selling yourself at some bullshit auction." her expression was now blank. Napatitig nalang ako sa kanya. What did she say? Bullshit auction?

"May nagsabi ba sa'yong mag-offer ka ng limang milyon sa auction na 'yon?" Tiim-bagang na tanong ko. Ano bang problema n'ya? Pagulo sya nang pagulo. "Ikaw itong namilit na tanggapin ko yung pera-"

𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]Where stories live. Discover now