My First Love ☆ Part 8

38 2 0
                                    

Kanina pa masama ang pakiramdam ni Keanna.Kaya naupo na lamang siya habang binabantayan si Kyla na payapang natutulog.
"Dada si Jullie tinulak ni Shena sa pool."ani ni Jeanna sabay talon sa tubig para sagipin ang kapatid.
Naunang nasagip ni Anthony si Jullianna.Pero si Jeanna huli ng sagipin ni Keanna talaga.Nahimatay ang dalawang bata at sina Jane at Keanna di tumigil sa pagbigay ng CPR kina Jeanna at Jullianna.Buti na lang huminga ang dalawang bata mayamaya pa at sumuka ng maraming nainom na tubig sa may pool.
"Andrean papatayin ng ampon ninyo ang mga anak ko.Gagu ikaw na lang patayin ko.!"suntok at sipa ang inabot ni Andrean kay Anthony.
"Sana di na lang tayo pumunta dito Jane.Diba ayaw ni Jeanna sana.!"hagulgol ni Keanna at Jane.Dalawa sanang bata pinaglamayan nila sa birthday mismo ng ampon ni Steffy.
"Tang ina ka Dianna sinabing disiplinahin ninyo ang ampon ninyo."sinaksak talaga ng mother ng gunting si Dianna buti braso na lang natamaan.
"Steffy itigil mo na ang lintek na party na ito.Yang ampon ninyo wag nyo ng iuwi sa pamamahay ko.!Bumukod kayo ni Andrean.Mga apo ko din sina Jeanna at Jullianna.Pinaglamayan na sana kung di sila naisalba ngayon."yong mga mesa tinaob talaga ni Ramon dela Torre.
Nanginig sa takot si Steffy yakap yakap ang dalawang ampon.Yong bonggang celebration sana nauwi sa disaster na naman.Dahil sa kamalditahan ng ampon niya.Mga anak ni Anthony ang nalunod sana dalawa pa.
"Mommy help nahimatay si Mommy namin."sigaw ni Kyle ng mawalan ng malay si Keanna.Pinangko agad iyon ni Andrean kahit pa nagkapasa na siya dahil di siya umilag sa mga tadyak ni Anthony kanina lang.Dumating ang ambulance dinala ang dalawang bata sa ospital.At si Andrean na ang nagdala kay Keanna sa ospital.
"Ok na ang dalawang bata buti na lang marunong mag CPR sila.Baka dead on arrival sila.Yong mother buntis siya 3 weeks na.May badnews man pero congrats kung sino man ang ama ng baby."ani ng doctor at nilipat na ng ward ang tatlong pasyente.
"Dad Mom ako ang ama ng dinadala ni Keanna.May nangyari sa amin ni Keanna 3 weeks ago."pag amin agad ni Andrean sa parents niya.
"Talaga anak ok lang nasugatan pala ako.May apo na tayo Ramon sa wakas.Di ko na din tanggap yong ampon ninyo Andrean.Simula ngayon magpukos ka na sa anak ninyo ni Keanna.Gagawa ako ng paraan maannulled lang kayo ni Steffy.!"masayang ani ni Dianna.
"Teka paano ang mga apo namin aber.?Di kami papayag sa gusto ninyong mangyari Dianna.!"kontra ang mother ni Andrew at Anthony.
"Tang ina ninyo gagawin lang ninyo tagapag alaga pala ng bata si Keanna namin.Hoy Donna sino ka ba para kumontra kung alagaan ni Andrean ang anak namin ni Governor aber.?Alagaan mo ang mga apo ninyo dahil buntis na si Keanna ngayon.Nagtatalo kayo kapwa wala naman kayong kwenta lahat."galit ang second mother ni Keanna dahil walang obligasyon ang anak nila sa mga dela Torre.
Natahimik ang both parents kasi nakakahiya nga ang ginagawa ni Andrew at Andrean kay Keanna.
"Jane gusto ko maamoy si Anthony pahiram ng asawa mo fren."buti na lang si Anthony ang pinaglilihian ni Keanna ngayon hindi si Andrean mismo.
"Sure lipat tayo sa kabila girl.Pwede mo ngang yapusin buong araw si Anthony."inalalayan ni Jane ang kaibigan.
Natatawa si Anthony na siya pinaglilihian ni Keanna pala.Hagikgik na ang dalawang anak nila na nakadextrose pa.Pinicturan pa ni Jane ang dalawa.Katuwaan sa IG ang kabit daw ni Anthony dela Torre.Kay kulit din mga pamilya Ocampo.Pwede daw magshare na lang sila Jane at Keanna ng mister.Dahil kay Anthony di makuhang magalit sa mga dela Torre ang pamilya Ocampo.Kasi sobrang bait nito kina Jeanna at Keanna.Inako pa ang responsibilidad ni Andrean na magiging ama ni Jeanna.
"Andrean wag mo kami iwan ng mga anak mo.Di ko kakayanin na alagaan sina Shena at Sello.!"pigil ni Steffy kay Andrean gusto na lamang ng pamilya niya na umuwi siya doon sa America.Wala daw bayag si Andrean at ang katotohanan na di anak nito ang inampon ni Steffy.Tapos may kasalanan din ang mga Jones dahil nilihim nila ang totoo na unfertile ang anak nila.Kumbaga pinikot nila si Andrean dahil sa kabuhayan lang sana nito.Ngayon tila humina na ang sales ng company ng dela Torre di na sila bilib kay Andrean daw.Ngunit ayaw ni Steffy isuko ang natitirang kapit niya kay Andrean.Siya ang legal wife nito pero di niya makakasuhan ng adultery si Andrean dahil deretso devorce sila talaga.Di pala pinasa ni Andrean sa city hall sa Pinas ang marriage certificate nila.Kinasal sila Steffy at Andrean sa London.Kaya madali lang devorce doon.
"Di ko mga anak sila Steffy.Kamuntikan nang mapatay ni Shena sina Jeanna at Jullianna.Kaya ayoko patayin mo muli ang second baby namin ni Keanna.Ibubuwis ko buhay ko Steffy maprotektahan lang mag ina ko ngayon.Ayoko maulit ang nangyari noon.Ngayon ok na sa pamilya ni Keanna na alagaan ko siya.Gagamitin ko na ang opportunity na ito.Gusto ko mapalapit ulit kay Keanna.!"matatag na deklara na ni Andrean kahit may matindi pang trauma ang ampon nilang si Shena nawalan na siya ng gana pa sa bata.Dahil bata pa ito di magawang pagalitan nina Jane at Anthony si Shena.Kaya sinalo niya bawat tadyak at suntok ni Anthony.Di biro ang ginawa ng ampon nila ni Steffy.Buhay nina Jeanna at Julliana ang nanganganib sa mismong  birthday pa nito.Siya nag imbita sa mga bata na dumalo.Kaya they can blame him tatanggapin ni Andrean iyon.Kahit buong buhay pa siya sumbatan ni Anthony tatanggapin niya iyon.
"Andrean kung iiwan mo ako ngayon.Magsuicide na lang ako at kawawa sina Shena at Sello diba.?"nawalan na ng alibi si Steffy wag lang umalis si Andrean.
"Much better isuli ko sila sa orphanage uli Steffy.Sasabihin ko na di ko kayang alagaan ang dalawang inampon mo kung namatay ka na.!"di na madadala si Andrean sa acting ni Steffy nauto na siya nito once.Ayaw na niyang mauto twice ika nga.
"Andrean please dont leave me.!"hiyaw na lang ni Steffy dahil tuluyan na siyang iniwan ni Andrean.Hinatid lang pala sila sa bagong condo na wala pang laman.At iniwan siya ni Andrean doon kapiling lamang nila ang ampon niya na umiiyak pa ngayon.Ngunit di siya uuwi ng America na talunan.Pilit siyang babangon.Dapat full force sila ni Olivia para makaganti kay Keanna Ocampo.
May mga bodyguard ng nakabantay kina Keanna at Jane.Pati sa mga bata kaya mahihirapan sina Olivia at Steffy makalapit sa kanila.
"Why you are here na naman.?"mataray na tanong ni Jeanna kay Andrean na bumibisita lage kay Keanna.
"Dinalhan ko lang kayo ng flowers ni Jullie."tatlo ang bouquet na dinala na ni Andrean dahil mahilig daw sa bulaklak mga anak ni Anthony.
"Come inside but tomorrow dont come here ulit po."tuwang tuwa sina Jeanna at Jullianna sa magandang bulaklak na dala ni Andrean.
"Dude halika dapat matuto kang magpalit ng diapers ng baby.Tingnan mo marunong na si Kyle kesa sayo."likas na mabait si Anthony kaya bati na sila ni Andrean.Nakakaawa din daw kasi sobrang maeffort ito.
"Dapat hinihilot pa yong legs nila mahal para maganda hubog like Jeanna at Jullianna diba.?"pinakita pa ni Jane ang massage daw sa mga babies na gusto din ng mga ito.
"Nag exercise sila pala lage."tuwang tuwa si Andrean dami siya matutunan kay Anthony pala.
"Healthy concious misis ko.At gusto nila diba dahan dahan lang yong stretching kamo."ani ni Anthony.
"Jane may libreng salon pala dito.Maganda na ba ako."napuno na ng ipit buhok ni Keanna siya ang nakatuka sa paglalaro sa dalawang batang babae.
"Para kang si tsaka doll fren kamo."tawang tawa si Jane sa itsura ni Keanna parang xmas tree na ang buhok nito.
"Kuya si Steffy ba nilalaro niya si Shena.?"curious na tanong ni Anthony.
"Laging may tutorial si Shena siguro bumigay din utak ng batang iyon.Dahil puro aral si Steffy para maging matalino daw ampon namin.Pero mahina pumick up si Shena as in.Paulit ulit pang tuturuan ko.Busy din ako kaya di ko monitor sila sa bahay."kibit balikat ni Andrean.
"Bakit ka andito kung maysakit ang ampon ninyo.?Baka mamental na iyon tulad ko noon."iritableng ani ni Keanna.
"Iniwan ko na sila sa condo.Wala na akong gana kay Shena.Mga pamangkin ko sina Jeanna at Jullie.Pero si Shena di ko naman kaano ano."seryosong ani ni Andrean.
"Im not your pamangkin tse.!"malditang ani ni Jeanna tama naman ito anak mismo ito ni Andrean.They wonder kung di ba ramdam ni Andrean lukso ng dugo man lang kung makikita si Jeanna mismo.?

My First LoveWhere stories live. Discover now