My First Love ☆ Part 11

23 1 0
                                    

Talagang di nila pinalampas iyon para matakot si Steffy lumapit sa mga bata.Wala siya din mga anak na kinuha ni Keanna.Kaya ang hinabol lang niya ay ang sustento ng mga inampon niya.Subalit binasura sa korte ang kaso niya.Dahil siya lang ang nag ampon ng dalawang bata dahil di siya makaanak daw.Ang magagawa lang niya ang magmakaawa ngayon na balikan siya ni Andrean.
"Steffy ano ang pakiramdam ng iniwan ha.?Masakit ba ha Steffy Jones.Ganyan din pakiramdam ko nong umeksena ka sa buhay namin ni Andrean."umiiyak na sambit ni Keanna ngayon tadhana na ang nagrevenge sa kanya.Nagmamakaawa din siya noon para di siya iiwan ni Andrean sa ere.
"Keanna may mga anak na kami.Maawa ka kay Shena kelangan niyang gumaling sa trauma."halos halikan ni Steffy paanan ni Keanna para balikan lamang siya ni Andrean.
"May mga anak din kami Steffy.Dalawa pa soon aside sa mga inampon ko.Yong mga anak na sinasabi mo ampon nyo lang naman mga iyan.Mas kelangan ni Jeanna ang Daddy Andrean niya.!"ayaw na ni Keanna pang maawa kay Steffy.Mas nakaawa siya noon wala siyang kasalanan.At nagmamahalan sila ni Andrean noon.
"B-buntis ka pa naman pero si Shena hinahanap niya si Andrean Keanna.Kahit si Shena na lang kaawaan mo wag lang ako."pamimilit ni Shena.
"Kay kapal ng mukha mo ginagamit mo ang ampon mo para hawakan si Andrean sa leeg.?Bingi ka ba anak ni Andrean si Jeanna.Kelangan bumawi si Andrean sa anak nila ni Keanna.Mas may karapatan si Jeanna kay Andrean impakta ka.Andrean magsalita ka ngayon.!"nanggigil talaga si Jane sa babaeng nanakit sa kaibigan niya.
"Ayaw ko sanang sabihin ito pero Steffy kasal na kami ni Keanna.Kaya wala ka na talagang habol sa akin.Babe wag kang magalit ninakawan ka ng pirma ng pamilya mo.Kinasal na tayo sa civil wag mo akong sipain ha."binuking na ni Andrean ang sarili para tigilan na siya ni Steffy.
"No di totoo yan sinasabi mo lang iyan para di mo na ako mabalikan pa Andrean.Please umuwi tayo sa America.Gagawin ko lahat ng gusto mo Andrean.Magiging ulirang misis at Ina na ako.Diba yon ang gusto mo na gawin ko.?Inaamin ko Im so stupid back then.Kaya binalikan mo si Keanna right.?"yon ang pantasya na pinaniniwalaan lang ni Steffy.
"Enough is enough Steffy tanggapin mo sa sarili mo.Na alam mong kahit naikasal ako sayo si Keanna pa rin ang mahal ko mula noon hanggang ngayon.Aantayin ko lang siya manganak para pakasalan ko siya sa simbahan.Yon ang gusto niya noon ang maikasal kami sa simbahan.Sabihin na lang natin na tinahak ko minsan ang maling landas.Ngunit bumabalik na ako sa tamang daan na kung saan ako nararapat.Ang puso at pagkatao ko ay pag aari ni Keanna Ocampo.Ito ang marriage certificate namin.Legal ko nang asawa si Keanna.Kaya wag ka nang umasa sa wala Steffy Ocampo.!"pinakita ni Andrean kay Steffy ang marriage certificate nila ni Keanna.
"Di totoo ito Andrean.!No ako lang nag iisa mong asawa."hinablot ni Steffy ang marriage contract at pinunit sa harapan ni Keanna.
"Tang ina mo bakit mo pinunit ang marriage certificate namin.Papatayin kita Steffy Jones sumosobra ka na bruha.!"galit na sinabunutan na ni Keanna si Steffy.
"Babe dont worry xerox copy lang iyon.Pwede din tayo humingi sa city hall ng maraming original copy.Careful kay baby ok.?"awat ni Andrean sa misis niyang buntis baka may mangyari pa dito.
"Andrean I dont care kung baby lang ang habol mo.Pero ito lang masasabi ko sayo.Once kinasal ka na sa akin di na ako makakapayag na agawin ka ulit ni Steffy Jones."pinagdadamot na ni Keanna si Andrean kay Steffy.
"D-di ka galit na di kita sinabihan.Sayong sayo na ako Babe kahit magpatiwakal pa si Steffy sa harapan ko ngayon din mismo.Coz I love you so much higit kaninuman.Lord give me second chance.Kaya nagpapasalamat ako sa kanya ng buong puso.At kina Anthony at Jane dahil inalagaan at minahal nila si Jeanna na parang tunay nilang anak."lumuluhang sambit ni Andrean hanggang langit pasasalamat niya sa maykapal.Dahil di nito tuluyan nilayo si Keanna sa kanya.Marahil pagsubok lang ito for them.At marealize ni Andrean kung gaano niya kamahal si Keanna.Babawi siya sa mga taong pagkakamali at pagkukulang niya dito.
"Asan na singsing ko aber.Kay saya ko nga bakit ako magagalit.I love you too din alam ng Dyos iyon."pinupogpog ni Keanna ang mukha ni Andrean ng mga halik.
"Babe suot mo na ang wedding ring natin.At suot ko na ang sa akin din.You said you like it diba.?"haplos haplos ni Adrean ang kamay ni Keanna na may suot na singsing.
"Yeah ito na ba I love it so much di ko alam ano kaibahan ng wedding ring sa ordinary na singsing lang Babe.Dapat may celebration gusto ko magdinner kasama parents mo din Babe.Bilang manugang nila gusto kong maging responsable din.Para wala ng misunderstanding diba.?"nakangiting ani ni Keanna ngayon.Ngayon asawa na siya ni Andrean gusto niya din makipagbati na sa parents nito.Naghilom na ang sugat ng kahapon ika nga.Sa matinding effort na rin ni Andrean dela Torre.
"Keanna ako pa rin ang best manugang nila."niloloko na lamang ni Steffy ang sarili niya talaga sa totoo lang.
"Andrean wag na natin siya pansinin.Bibili tayo dapat ng gifts kay Mommy.At ipakilala ko na sa kanila na si Jeanna ang totoong apo nila."atat magmall si Keanna kaya dali daling pinagbigyan ni Andrean.
Samantalang nandun din ang parents ni Anthony sa mansion ng mga dela Torre.Ancestral home ito doon sila nagtipon tipon if may dicussion.Ipapaalam nila na si Jeanna ay anak ni Andrean na totoo hindi kay Anthony.Andun si Andrew pilit lumalapit sa mga anak nila.Si Kyla lang ang nalalapitan nito dahil baby pa.Dumating sina Andrean at Keanna na may maraming dalang pasalubong.Magiliw lumapit ang dalawang Ina nina Andrew at Andrean.
"K-keanna kumusta ka na.?"nangungumusta si Andrew sa kanya.
"Ito masaya sa piling ni Andrean.Sad to say Andrew nakakulong na si Olivia.Will Im not sorry for her.She deserves it right.?"taas kilay na ani ni Keanna.
"R-right."takot si Andrew baka magkamali siya ng sasabihin.Pero umaasa pa rin siyang mapansin ulit ni Keanna.Umaasa siyang magkakabalikan ulit sila.Nagsisi siyang pinili niya ang basurang babae.Kahit abot kamay na niya ang deserving na mahalin sana niya.Sana siya ang ama sa pinagbubuntis ni Keanna ngayon hindi si Andrean mismo.
"Mommy Daddy Im home."kay kapal ng mukha ni Steffy na nagpakita sa dinner na iyon.
"Manang ilabas ninyo iyang babae na iyan."halos panabay ng sambit ng mga ama nina Andrean at Andrew.
"P-pero Dad at Tito ako ang asawa ni Andrean hindi iyan si Keanna."giit talaga ni Steffy Jones.
"Pamental ka na Steffy noon nagkamali kami na di namin tinanggap si Keanna.Gagawa ako ng paraan para lang mapatawad ako ng mga Ocampo.Para lang tanggapin nila si Andrean na manugang."galit na ani ng father ni Andrean sa impaktang babae.
"Dad asawa ko na si Keanna kaya nga tinipon ko kayong lahat.Demand ng mga Ocampo na pakasalan ko na si Keanna sa civil.Buntis si Keanna kaya tinago sana namin.Pero lately nalaman din niya na kinasal na kami."pinakita nila Andrean at Keanna ang wedding ring nila.
"What Keanna really.?Salamat iha I promise magiging mabuting byenan na ako sayo."napaiyak ang mother ni Andrean sa wakas nagkakabalikan na ang dalawa.Di na sila magiguilty pa mag asawa.
"Yeah pangako ko din po magiging mabuting manugang din ako sa inyo."niyakap ni Keanna ang mother ni Andrean.
"Paano sina Kyle at Kyla iha.?"nag alala ang mother ni Andrew sa isipin iyon.
"Mommy naadopt na rin ni kuya Andrean ang mga bata kaya dont worry.Mas magiging responsable si Andrean na ama nila kesa kay kuya Andrew diba.?"sabad naman ni Anthony.
"Kung sabagay anak tama ka.Kaya Andrew ibigay mo na si Kyla sa pinsan mo.Di mo nga deserve kargahin man lang ang apo ko."pinagdadamot ng mother ni Andrew ang anak nito mismo.
"Mommy Im trying to be resposible.Di ako naniniwala na kasal na silang dalawa.Gusto lang ni Andrean na ipagtatabuyan lang si Steffy ngayon diba Keanna.?"pati si Andrew niloloko ang sarili niya.
"Teka bakit karga mo ang anak ko.Tang ina mo gusto mo bang sumunod kay Olivia sa kulungan."malditang binawa ni Keanna ang ampon.
"K-keanna anak ko si Kyle at Kyla.Kaya please give me a chance para maging ama nila."pamimilit ni Andrean gaya ni Steffy mapilit ito.
"Dont you ever go near to my Mommy.!"biglang nagalit si Jeanna at hinila nito palayo si Keanna kay Andrew.Ito na ang representante ni Andrean.At nakangiti si Andrean dahil may bodyguard siya ika nga.Kampante siyang walang makakalandi sa asawa na niya.Possesive like him pati ang panganay na anak nila ni Keanna.

My First LoveKde žijí příběhy. Začni objevovat