Kabanata 13

140 8 0
                                    

Kabanata 13


Patuloy pa rin ang pag landas ng mga luha ko sa aking pisngi habang lumalabas ng gym. Pinilit kong ayusin ang sarili ko dahil ayaw kong makita ako ng mga pinsan ko na gano'n ang itsura, paniguradong magtataka sila at magtatanong na naman sa akin.

Pero hindi padin ako nakaligtas sa mga mata ni Monique.

"Ayos ka lang, Ate Mir? Umiyak kaba? May problema ba? " sunod sunod na tanong niya kaya nilingon kami ng iba naming pinsan. At sinilip pa ni Jennyrose ang pagmumukha ko kaya diko maiwasang di mapapikit.

Tumikhim ako at pinilit na ngumiti. "Oo naman. Ayos lang ako. At isa pa, walang problema. Maayos ang lahat... " paliwanag ko sabay iwas ng tingin.

"Ikaw bahala. Sabi mo eh. " sabi ni Monique at nagkibit balikat.

Nakakainis naman kasi. Bakit ko ba sinasayang ang luha ko sa pag iyak sa Adonis na iyon? Tsk. Poor Miriam.

Nang makauwi kami sa bahay ay tuwang tuwa si Tita Maureen ng malaman niyang nanalo ang mga anak niya.

At halos ipagsigawan pa niya sa boung mundo kung gaano siya kaproud sa anak niya. Habang ang anak naman niyang si Mharissa ay tahimik lang sa isang tabi na nakamasid sa kanilang dalawa.

Nag iwas ako ng tingin nang lingunin niya ako.

Nararamdaman yata niya ang pagtitig ko sa kaniya.

Natuwa din ang mga Tito ko sa mga anak nilang lalaki na nanalo sa basketball kanina at dahil sa kasiyahan nila ay naghanda sila ng masasarap na pagkain.

Hindi ko na lang maiwasang 'di mapailing. Ganyan na talaga sila dati pa. Kahit maliit lang na bagay ay pinapalaki nila, just like their sons.

Hindi ko namalayan na nilapitan ako ni Kuya. Nilingon ko siya ng akbayan niya ako, tinaasan niya ako ng kilay at tinitigan pa niya ang mukha ko kaya kinabahan ako bigla. Lalo na ng biglang nag seryoso ang mukha nito.

"Who is that bastard? How dare him to make you cry? " madiing bulong ni Kuya sa aking tainga habang matalim na nakatingin sa kung saan.

Napalunok ako ng wala sa oras. Hindi ko naman kasi puwedeng sabihin na si Adonis ang may kagagawan nito. I know my brother, baka sugudin lang niya si Adonis. At nakakahiya iyon, baka maslalo lang siyang magalit sa 'kin. At hindi ko kayang matulog ng may taong nagagalit sa 'kin ng hindi ko nalalaman ang rason kung bakit siya nagagalit sa 'kin.

Kaya humanap ako ng ibang maipapalusot. "A-ah. A-ano tears of joy lang ito. Tuwang tuwa kasi ako dahil nanalo sila Monique at Leandro kanina. " palusot ko.

Tinitigan niya ako ng matagal kaya naasiwa ako. "Grabe ka naman maging masaya. Kailangan mo pang umiyak. Bakit ikaw ba iyong sumali? " hindi ko alam kong matatawa ba ako sa sinabi ni Kuya dahil nung una ay tila may ipinaparating ang kaniyang sinabi.

Hilaw akong ngumiti at nag iwas ng tingin. Tinantanan na ako ni Kuya at dinaluhan si Ate Grace na tahimik lang na nakaupo malayo sa 'min.

Nag simula ang kainan sa hapag na puro kasiyahan at tawanan.

Tuwang tuwa pa si Monique habang nagkukwento at masaya namang nakikinig sa kaniya si Tita Maureen.

Napapansin ko lang na lagi na lang hindi nakikisalamuha si Mharissa kayna Tita.

Bumuntong-hininga ako at nagkibit balikat. Gano'n naman na talaga si Mharissa dati pa. Hindi siya mahilig makisalamuha, kaya bakit ngayon pa ako nagtaka?

Hindi kami makarelate magpipinsan sa usapan nila nung napunta na iyon sa negosyo. Nakikisali si Kuya dahil kasama siya doon, tinatanong ni Papa Lo kung kumusta nadaw ba yung kompanya ni Daddy. Good news naman ang sinasabi niya at wala naman daw problema.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon