Kabanata 11

146 5 0
                                    

Kabanata 11







Walang humpay sa pagtibok ng mabilis ang puso ko. At hindi ako makakilos dahil sa pagkabigla sa nangyari. Nakatingin ako sa kawalan at nanginginig ang katawan ko.

At alam kong napansin iyon ni Adonis kaya dahan dahan siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at nag aalala akong tinignan. At gusto kong kutusan ang sarili ng maisip na para sa akin ang pag aalalang iyon.

"Ayos ka lang? " wala sa sarili akong tumango kahit hindi ako okay.

Para akong nakakita ng multo sa sobrang gulat at takot na nadarama.

May pumito, at sa pagpito na iyon ay nilapitan ako ng mga pinsan ko. O kahit paman ay hindi pa pumipito ang referee ay nilapitan na nila ako.

"Ate, ayos ka lang? " si Jarrel ang nag tanong at nilapitan pa ako upang tignan ang kondisyon ko.

Tumango lang ako at nanlalamig ang mga kamay na pinigilan siya. "A-ayos lang ako, Jarrel. " nanginig pang bahagya ang boses ko.

Kahit pa man sinabi ko na na ayos lang ako ay nando'n padin ang pag aalala sa mukha ng mga pinsan ko.

"Hindi ka okay. " seryoso ang boses ni Adonis habang walang emosyon na nakatingin sa 'kin.

Umiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko kasi ay galit na naman siya sa sinabi ko.

Dahil sa sinabi niya ay nilingon siya ng mga pinsan ko.

"Salamat, pre. " sabi ni Leandro sabay tapik sa braso ni Adonis.

Hindi naman malakas ang pagkakatapik ni Leandro sa braso ni Adonis pero napadaing ito ng mahina at hinawakan ang braso na kung saan siya tinapik ni Leandro.

Magtatanong pa sana ako kasi baka nasugatan siya ng dumating naman bigla sina Lily.

May bahid ng pag-aalala sa mukha ni Lily pero nasa akin ang mapansising mga mata nito.

Hindi naman ako magagalit kung sisihin niya ako, dahil may kasalanan din naman ako. Dahil kong mabilis akong umiwas at hindi hinayaang lamunin ang sistema ko ng nerbiyos ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. At hindi matatamaan ng bola si Adonis.

"Ayos ka lang ba, Adonis? " bakas sa boses niya ang pagkahingal na mukhang kagagaling lang sa pag takbo. At may bahid pa ng pag aalala sa habol hininga nitong boses.

Hindi siya nilingon ni Adonis dahil sa akin siya nakatingin kaya nag iwas ako ng tingin dahil doon. "Oo, ayos lang ako, hindi naman ako yung nasaktan. " mahinang sagot niya.

Bumalik ang tingin ko sa kanila ng mapansin ang katahimikan na namagitan sa kanilang dalawa.

Nakatingin sa akin si Lily ng walang emosyon at ang kamao nito ay nakabato.

Nakikita ko pa sa mukha niya ang pagkairita at halatang ayaw niya sa presensiya ko.

Umirap siya at hinawakan ang braso ni Adonis, dumiin pa iyon dahil mukhang walang balak na umalis si Adonis. "Tara na, Adonis. Umalis na tayo, " malamig ang boses ni Lily.

Hindi ulit nag salita si Adonis kaya nainis na si Lily sa pagkakataong iyon. Pero wala siyang magawa, ngunit saglit lang naman na nangyari iyon dahil niyaya na din siya ni Adonis na umalis na.

"Tara na, Lily. Ihanda na natin ang susuotin mo mamaya. " mahinang sinabi ni Adonis.

Sinundan ko sila ng tingin. Nakita ko pa ang ginawang pag yakap ni Lily sa bewang ni Adonis kaya nag iwas ako ng tingin at parang nawalan ng gana.

Hanggang sa hindi ko namalayan na nilapitan na pala ako ni Dante.

"Sorry, Mirriam sa nangyari kanina, hindi na mauulit. Sinabihan ko na din si Jared na sa susunod ay ayusin na niya. " tumango ako at ngumiti ng hilaw, kahit pa man ay sabihin ko sa kaniya na ayos lang ay panay pa din ang paghingi niya ng tawad.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon