Kabanata 12

144 7 0
                                    

Kabanata 12




"Maayos naba ang lahat? " tanong ko sa mga stuffs at ibang officers na katunggali ko sa pag aayos para sa gaganaping pageant maya maya lang.

Nagsitanguan sila. "Oo, pres. Ayos na. "

Tumango ako at binalingan si Aliza na siyang sekretarya. "Ayos naba ang mga kasali sa rarampa mamaya? Ano daw balita sa kanila? " tanong ko at ibinaling ang atensyon sa paglalagay ng mga bottled water para sa mga judges.

Sinundan ako ni Aliza. "Ayos na pres, sa katunayan nga ay handa na sila. "

Mabilis ang oras, kaya hapon palang siguro o mga ala una ay nagsimula na ang paligsahan.

Maraming tao dito sa gym. Pero nagkakasiya naman kami, dahil malaki itong gym. At naitabi sa stock room ang mga ginagamit sa sports. Para maisingit ang mga upuan.

Nasa harap naman ang mga judges na seryosong nanonoud. Mukhang mga bigatin, kaya dapat ay galingan nila.

Gumala ang tingin ko sa mga istudyante. Na tila may hinahanap, hindi ko alam kong bakit hinahanap ng mga mata ko ang isang katulad niya.

Sisitahin ko na sana ang sarili ko ng mahagip na ng mga mata ko ang hinahanap nila.

Seryoso siyang nanonoud habang hindi inaalis ang tingin kay Lily na ngayon ay rumarampa. Lumalim ang gitla ng noo niya, at dumaan sa mukha niya ang pagkaasiwa habang nakatingin padin kay Lily.

Nag iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kong bakit siya naasiwa. Pero may dalawa akong dahilan kong bakit gano'n na lang siya kung mag react. Ang maiksing damit ni Lily at ang sari sariling komento ng iba sa kaniya lalo na ang mga lalaki.

Halos manapak na si Adonis sa sobrang diin ng tingin niya sa stage. Siguro kung marupok lang ang stage ay kanina pa bumigay iyon sa titig pa lang ni Adonis.

Tumikhim ako ng bigla siyang lumingon sa direksyon ko. Hindi ko inaasahan iyon ah. Uminit ang pisngi ko, alam kong nahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Nararamdaman yata niya na may mga matang nakamasid sa kaniya.

Kaya nakagat ko ang pangibababang labi. Nakakahiya! Bakit ko ba naman kasi siya tinitignan? Kainis. Diba dapat ang taong kinagagalitan mo ay hindi mo tinitignan na parang walang atraso sa iyo? Diba dapat kapag titingin ka ay matalim at halatang galit? Pero bakit sa akin ay iba?!

Hinayaan ko na lang ang mga mata ko na tumingin naman kahit saglit lang sa stage.

Pinapasadahan ng aking mga mata ang bawat kandidato. Sa dami nila ay kay Lily lang napako ang mga mata ko, ibang iba siya sa ibang kandidato. Sa kanila ay siya ang nagbubukod tanging maputi at makinis ang balat. Hindi naman sa sinasabi kong pangit ang iba at hindi makinis, pero puro kasi sila mga morena. Lalo na si Monique, pero hindi ko din naman sinasabi na hindi siya makinis. Makinis din siya, bata pa lamang yata siya ay inaalagaan na siya ni Tita Maureen. Kahit pa naman si Mharissa, at sa kanilang dalawa ni Mharissa ay si Mharissa ang maputi. Gusto din ka si ni Tita Maureen na maging model si Monique.

Matangkad ito, makinis ang balat at ang ganda ng mga legs nito. At mahubog ang katawan, mapanguay ang mga mata ni Monique at maamo ang mukha.

Mahahaba ang magagandang legs ni Lily at maganda ang hubog ng kaniyang katawan at may hinaharap. Makintab ang bagsak na bagsak nitong kulay itim na buhok. Maamo ang mukha niya, at ang mga mata niyang inosente kung tumingin. Hindi mo akalaing demonyo siya. At sa sobrang kainosentihan niya ay tila isa siyang walang kamuwang muwang sa mundo, at ang labi niya ay walang kapintasan ang ganda. Siguro kong lalaki lang ako ay magugustuhan ko na si Lily, nakakabakla ang ganda niya.

Saglit pa akong natigilan. At hindi na ako magtataka pa kong magugustuhan din siya ni Adonis. Walang kapintasan ang itsura ng dalawa.

Mula sa kulay itim na buhok ni Adonis at perpektong panga. Walang kapintasan ang katawan ni Adonis, ayon lang ang masasabi ko. Hindi halata na mahirap lang siya, nakakatakot kung tumingin si Adonis. Para din siyang si Tita Maureen kung tumingin, mapanganib. At ang mga salita niya ay parang nanunusok na tila isang sandata, na parang si Tita din.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon