Kabanata 14

145 9 5
                                    

Kabanata 14





"Adonis, u-umalis kana... " mahina kong sinabi at pilit siyang tinutulak patalikod.

Hindi siya sumunod. At hindi ko din siya kayang itulak, kaya wala akong nagawa. Dahil nanatili siyang nakatayo.

Napapagod akong nag angat ng tingin sa kaniya.

"Umuwi kana muna, Adonis... " pagsusumamo ko, dahil nakakaramdam ako ng kakaibang aura kay Tita Maureen.

Seryoso niya akong tinignan. "Pero paano ka? " paos ang boses na tanong niya.

Sinubukan ko ding ngumiti. Ako rin, Adonis. Hindi ko din alam kong anong mangyayari sa akin pagkatapos nito.

"M-magiging maayos ako. Kaya umalis kana, at mas magiging maayos ang pakiramdam ko kapag wala kana dito... Pasensiya kana sa kasalanang nagawa ng pinsan ko... " lumambot ang ekspresiyon niya dahil sa sinabi ko at ayaw kong mag assume na dahil iyon sa sinabi ko.

Tinitigan niya ako saglit at dahan dahang tumango at saka na siya pumihit patalikod.

Hinawakan ko si Kuya sa braso ng balak pa niyang sundan si Adonis.

"Miriam?! "

Umiling ako. "Aalis na siya, Kuya. Hindi na po siya manggugulo
ulit... " sabi ko at tinignansilang lahat.

Dahan dahang nagpantay ang kilay ni Kuya at pinakalma ang sarili. At ng mapansing kalmado na siya ay doon ko na binitawan ang braso niya.

Nanlambot ang ekspresiyon niya ng bumaling sa 'kin wala na din ang galit doon. "Ayos ka lang ba? Silly, bakit ka humarang kanina? " nag aalalang tanong niya kaya diko maiwasang di mapaiyak.

Akala ko galit siya na dismaya ko din siya at napahiya ko siya kayna Tita.

Umiling ako. Hinigit niya ang kamay ko ng may pag iingat upang ikulong ako sa mainit nitong mga braso. Mga braso na minsan ko ng iniyakan.

"Shhh... Don't cry baby. I'm not mad. Why would i mad at you? I know you tried your best to protect Faith from that guy. So please don't cry. I am hurting..." Parang bata niyang pag aalo sakin kaya maslalo akong napaiyak.

Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ng mga pinsan kong lalaki.

"Parang batang iniwan ng nanay si Miriam kung umiyak. " nakangising pangaasar ni Leandro sa 'kin, siniko naman siya ng kapatid niyang si Leonard kaya tumigil siya sa pang-aasar sa akin ng mapagtanto kung gaano kaseryoso ang mukha ni Leonard.

Narinig ko pa ang isang yabag na papalapit sa pwesto namin ni Kuya at nang tignan ko ito ay nakita ko si Papa Lo.

Maliit niya akong nginitian at inangat ang dalawang braso na tila pinapayakap ako sa kaniya.

Kumalas ako ng yakap kay Kuya upang yakapin si Papa Lo.

Narinig ko pa ang mahinang paghalakhak ni Kuya dahil sa sinabi ko.

"Damn, two timer ka baby. " panunukso niya pa sa 'kin na ikinatawa nilang lahat maging ako. Nawala ang bigat na aura na kanina lang ay nakapalibot sa amin.

"Oh, my baby is crying. " Pang-aasar din ni Papa Lo. Pero alam ko naman na ginagawa lang niya iyon para hindi ko sisihin ang sarili ko sa nangyari kay Faith.

Mahina akong natawa at nawala ang bigat sa dibdib na kanina lang ay nararamdaman.

"Sorry po talaga, Papa Lo. Sinubukan ko naman po nung una, pero wala padin pong nangyari. Hindi po natin sila masisisi kung mahal po talaga nila ang isa't isa. " panimula ko at kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon