CHAPTER 9

2.4K 63 1
                                    

Kina-umagahan, dali-dali akong tumakbo papunta sa loob banyo ng maramdamang masusuka na naman ulit ako.

Nakakapagtaka lang dahil panay na akong sumusuka at nahihilo.
Nang makalabas na ako niligpit ko muna ang pinaghigaan namin kasunod non ang pagpunta ko sa baba.

Wala na dito si Ethan sa kwarto pag-gising ko kanina, baka nandon na siya sa kusina na nagluluto ng agahan, ganon kase ang set-up niya, sa tuwing umaga siya ang nagluluto dahil mas nauuna siyang nagigising kaysa sakin.

Nagtungo ako sa kusina kahit na parang nanghihina na ang katawan ko dahil sa oras nato umatake na naman ang pagkahilo ko.

Napangiti ako ng makita ko siyang inilalapag ang mga bagong saing na pagkain,agad akong napa-iwas ng mapunta ang tingin niya sa direksyon ko.

" Good morning honey,baby! " Sweet ang boses nito habang papalapit sa kinatatayuan ko.Hinalikan ako nito sa noo ko sabay hila sakin papunta sa table.

" Ahm Ethan wala pa akong ganang kumain eh! " Nakanguso kong turan ng makalapit na ako sa pagkain, unang tingin kopa lang sa pagkain parang nawalan na ako ng gana.

" Baka magkasakit ka,sige na iba naman ang luto kong ito sa niluto ko kahapon.At tsaka tungkol sa pagkain kahapon hindi naman iyon panis dahil hindi naman ako nasuka."Mahabang lintaya niya.

Kahit na ayaw ko, pinili kona lang ang umupo at kumuha ng pagkain na niluto ni Ethan  ngayon.Pinagmamasdan ko lang ang pagkain na nakalagay sa plato ko dahil amoy palang parang babaliktad na kaagad ang sikmura ko.

" Eat! " mariing utos ni Ethan sabay subo sakin, naamoy ko kaagad ang pagkain kaya mabilis kong hinawi ang kamay niya dahilan para matapon ang kutsara.

Dali dali akong nagtungo sa banyo kasabay don ang pagsuka ko. God anong nangyayari sakin?
Nakasunod naman si Ethan papunta sa loob ng banyo at doon na hinahagod ang likod ko.

" Ano ba ang nangyayare sayo? " Nag-aalalang tanong nito peru hindi kona lang siya sinagot.

Nang matapos na ako, pumunta ako sa sofa at doon umupo, maingat na inaalalayan ako ni Ethan na pinaupo sa sofa. Kumuha ito ng tubig at nagtungo na sa kusina.

Bigla kung naisip na paano kung...

Paano kung b-buntis ako!?

Posible kayang mangyare iyon?

Kapag nag tatalik kase kami ni Ethan ay wala kaming ginagamit na sex protection,isang linggo dapat sana reglahin na ako peru ngayon mag-dadalawang linggo na peru hindi parin ako nireregla.Paano kung nagbunga nga ang pag-tatalik namin ni Ethan?

Bigla akong kinabahan dahil sa naisip ko, hindi malabong mangyari iyon dahil lagi akong ginagalaw ni Ethan.

Napahinto ako sa pag-iisip ng makabalik na si Ethan  dala ang isang basong tubig.

" Here drink it " Kinuha ko ang baso at ininum ang tubig .

" E-ethan pwede ba akong lumabas may bibilhin lang ako! " tanong ko, gusto kong alamin ang totoo kung buntis ba ako o may sakit lang talaga ako, balak kong bumili ng pregnancy test kit.

" H-hindi naman ako tatakas at isa pa magpapasama nalang ako kay Theo, " Banggit ko sa pangalan ng tauhan niya na kaseng edad din ito ni Ethan.

" No ako ang sasama sayo! "

" Peru diba may pasok ka pa? " tanong ko peru nagkibit balikat lang ito.

--------
" What are you going to buy ? " Tanong ni Ethan ng marating namin ang mall.Tiningnan ko naman ito ng maigi, hindi ko dapat sabihin sa kaniya.

MY DEMON BOSS OWNED ME( COMPLETED)Where stories live. Discover now