CHAPTER 22

1.8K 44 0
                                    

Matapos namin kumain ay daglian akong tumayo at gagalaw na sana para mag-ligpit ng pinagkainan kaso nga lang mabilis akong sinuway ni manang at inagaw ang platong hinahawakan ko, dahil don napasimangot nalang ako at napatingin sa kaniya.

" Diba sabi ko sayo ako na ang magliligpit nako naman hija baka mapano ka, buntis ka at dapat magpahinga ka huwag mong hayaan na mapagod ka baka may kung ano pa ang mangyari sayo at pati dyan sa isinapupunan mo! " Dismayado ito habang tinuturo pa ang tyan ko.

Subra naman nila akong iniigatan na para akong isang ginto, peru diko maiwasan hindi tumulong lalo pa't mas lalo lang akong nanghihina kapag walang ginagawa.

Pakiramdam ko wala akong kwenta pakiramdam ko pabigat lang ako, alam ko naman na buntis ako at nagiingat din naman ako.

" Manang naman ililigp- "

" Hija huwag matigas ang ulo! " Putol ni manang.

" Sige na magpahinga kana ako na ang bahala dito " Aniya kaya wala akong magawa kundi pumunta nalang sa sala.

Nakasimangot akong naglakad papunta sa sala at napabuntong hininga nalang sa kawalan, naiintindihan ko naman si manang nag aalala lang iyon sa kalagayan ko at sa bata na dinadala ko, at panigurado akong mapapagalitan din ako ni Ethan kapag nakita niya akong gumagawa sa gawaing bahay.

Nang makita ko si Ethan na nakatayo habang inaayos nito ang necktie niya ay mabilis akong nagtungo sa kaniya, ang gwapo niya sa suot niyang suit na kulay itim, baka papasok na siya sa trabaho niya.

Kahit nakatalikod siya gwapo parin siya, lalo na't ang malapad nitong likod at maskulado niyang pangangatawan.

Ang lapad ng likod niya at bagay na bagay ang kaniyang suot .

Yumakap ako sa likod niya habang sinisinghot ang mabango niyang pabango na hindi nakakasawa kailanman.

" Uhm ang bango mo naman " Malambing kong turan habang nakayakap sa kaniya.Narinig ko naman ang pagtawa niya at bahagyang humarap sakin.

" Gwapo ba ako? " Nakangisi niyang tanong, kinintalan ko mona ito ng halik at mabilis na tumango tango.

" Subra! " Mangha kong sagot bago inayos ang necktie nito.Matangkad siya at ako naman hanggang dibdib lang niya, tumingkayad pa ako upang maabot siya at ayusin ang necktie niya.

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mala anghel niyang mukha, napatitig ako sa mapula at malambot nitong labi.

" I love you Arriana " Malamyos niyang anas kasabay non ang pagdampi ng matamis niyang labi.

Saglit akong humiwalay at sinagot siya ng..

" I love you too Ethan " Nakangiti kong sagot. Tumingkayad ulit ako at ninamnam ulit ang matamis niyang labi.

Mahigpit kong pinulupot ang aking braso sa leeg niya at tumugon pa sa halik niya na ngayon ay palalim na ng palalim, napatigil lang kami sa pagnamnam sa labi namin ng kapusin kami ng hangin at ipinaglapat nalang ang aming mga noo.

Kapwa kami naghahabol hininga at napatawa nalang sa isa't isa.

" Kailangan ko ng pumasok sa trabaho" Tumango tango nalang ako habang nakangiti sa kaniya kasalukuyan parin magkadikit ang noo namin , amoy na amoy ko ang hininga niya.

" Mag- iingat ka" Malumanay kong saad. " Yes baby! " Aniya at muli na naman sinakop ang labi ko na agad korin tinugunan.

Nakangiti itong humiwalay sakin, napatingin ako kay Theo at Thea na matuwid na nakatayo sa main door ng mansion, sanay naman sila na lagi kaming nakikita naglalambingan at pati narin ako ay sanay narin.

MY DEMON BOSS OWNED ME( COMPLETED)Where stories live. Discover now