Kabanata 16

150 8 0
                                    

Kabanata 16






Isang linggo na ang nakakalipas. At lahat ng gagawin ko ay bawal bilang kaparusahan. Bawal lumabas, bawal sumilip, bawal makipag usap at mas lalong bawal na bawal akong makipagkita kay Adonis.

Yumuko ako at niyakap ang aking tuhod. Ayaw ko na kay Kuya! Hindi ko na talaga alam kong bakit niya ginagawa ito. At ganun nalang siya kahigpit, at ayaw ko sa Kuya ko ngayon.

"Hindi ka lalabas! At kapag lumabas ka ay papatayin ko ang lalaking iyon! " muli ay sumagi sa isip ko ang mga katagang iyon na mismong lumabas sa bibig ni Kuya.

Parang ibang tao si Kuya nung mga oras na iyon. At ayaw ko sa kaniya nung mga oras na iyon, at parang hindi kona siya kilala.

Isang araw ay nagmakaawa ako kay Mama La ng mapadalaw sa kwarto ko. Nagmakaawa ako sa kaniya na palabasin niya ako kundi ay mababaliw ako dito sa loob.

Ngunit nabigo ako. Dahil malungkot lang akong nginitian ni Mama La, at sinabing. "Pasensiya kana apo, pero wala akong magagawa. Palipasin mo muna ang init ng ulo ng kapatid mo. " malungkot na sabi nito at walang ibang nagawa kundi ang yakapin ako.

Nag iinit ang gilid ng mata ko habang nakatingin sa pintuan na siyang pinaglabasan ni Mama La.

At bigla nalang ako sumigaw sa kabiguang nadarama.

Lahat ginawa ko para mawala ang galit ko. Tinapon ko ang mga unan sa sahig, pinagbabato ko ang mga picture frame na may picture namin ni Kuya at hinayaang mabasag ang mga ito sa sahig. Pero walang nangyayari, nandun padin kasi eh. Galit na galit ako kay Kuya at nagtataka ako sa kaniya, pera lang ba talaga ang habol niya kayna Dante o may iba pang dahilan bukod sa pagpapakasal?

Bumukas ang pinto at nakita ko ang galit na mukha ni Kuya. "Miriam tumigil kana! " galit na galit na sigaw nito at sa likod niya si Ate Grace na naaawa sakin.

Umiiyak akong umiling at nakaramdam din ng awa sa sarili. "N-no! Hindi a-ako titigil! Palabasin niyo ako d-dito! You're a monster!" Pagwawala ko at binato sa direksyon nila ang vase na malapit sakin at umalingaw ngaw sa boung kwarto ang pagkabasag ng salamin nito.

Narinig ko ang masakit na daing ni Ate Grace dahil natamaan siya sa paa ng bubog, gusto kong magsisi pero huli na dahil mas lalong nagalit sakin si Kuya.

Matalim niya akong tinignan at binuhat si Ate Grace ng pabridal style at nakita kopa ang mga dugong tumutulo sa sahig na nanggaling sa paa ni Ate Grace.

"Umayos ka, Miriam. 'Wag kang magpakabulag! 'Wag kang tanga! Matalino ka pero ang tanga mo pagdating sa pag ibig! " sabi pa nito bago ako iniwan sa kwarto.

Nanghihina akong napaupo sa kama at hinayaan ang mga luhang malaglag sa pisngi ko.

"Ate Miriam... " narinig ko pang tawag sakin ni Daniela.

Kinagat ko ang pangibabang labi. Ayaw ko ng may nanunuod sakin habang umiiyak.

"Umalis kayo dito! " pagtataboy ko sa kanila at matalim silang tinignan.

Napaigtad si Daniela sa pag sigaw ko pero wala na siyang nagawa at sumunod na lang, pero bago iyon ay tinignan muna nila ako at napairap ako sa hangin ng mapansin ang awa roon.

Hindi ko kailangan ng awa niyo! Kailangan kong makatakas sa impyernong lugar na ito!

Napapagod kong ipinikit ang mga mata at hiniga ang sarili sa malambot na kama. Ayaw ko sa sarili ko ngayon, hindi ako sanay na walang kausap. Para na akong mababaliw.

Hindi kona alam kong ano na ang pinaggagagawa ko pero isa lang ang alam ko, lumuhod ako sa mga bubog at pumulot ng isang basag na salamin. At inangat sa ere at itinapat sa pulsuhan ko habang umiiyak.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon