The Race

20.2K 255 14
                                    

"Come on Jade! Faster, for sure malalate ka na sa competition mo. What have you been doing there ba?"

"Yes kuya Gab, wait a sec!"

Here I am standing in front of my mirror, looking at myself, examining if ready na ba ko. Today is the day na super pinaghandaan ko. The competition I've been waiting for, the nationwide racing competion. Yes I am a car racer, but this is not what I do for a living. Actually hobby ko lang to, kumbaga pasion. My father is a business tycoon so I think di ko na kailangan pang magwork, you know spoiled piece of shit.

I'm Jade Toph Salceda, 24 years of existence and 24 years na rin akong bored sa buhay ko. I dont know why pero I find my lifestyle so common. Sana nga one day may dumating na tao manggugulo sa buhay ko, kidding aside.

While running towards my kuya Gab and kuya Paul I can feel my heart thumping loud because of extreme nervousness. So ako na nagdrive papunta sa venue, para saan pa at naging racer ako diba (konting yabang lang pls) :))

From afar nakikita ko na agad ang kumpol ng mga tao naghihintay sa labas ng entrance para mapanuod ang biggest event ng racing world. And yes lalong nadagdagan ang kaba ko great. As I enter the venue, nakita ko agad ang coach ko nagturo sakin at nagbuyo sakin maging racer.

"Coach Oscar! Grabe na talaga yung kaba ko swear. Kaya ko pa ba? Itutuloy ko ba to?" I said habang hawak hawak ko ang mga kamay niya.

"Oh my goodness Jade, ngayon ka pa ba aatras? Hahaha look at those guys na makakalaban mo. They are bunch of losers and mukang panalo ka na agad."

Yes coach tama yan, idaan mo ko sa ganyan.

Siyempre andito rin ang boyfriend ko na since high school ay kami na. Sweet? Nah, wala na nga akong maramdaman na sparks sa kanya . He's pogi naman and supportive pero siguro nasanay na ko sakanya. Gusto ko na makipaghiwalay sa kanya pero sobrang bait niya at wala akong mairason para hiwalayan siya.

"Hmmm" he hugged me so tight to relieve my nervousness. "Jade I know you can do this, okay? Magingat ka please and I love you"

I cannot answer him, I kissed him on his cheeks at nagready na for the race..

My crew and my car are all ready. Sumakay na ako sa kotse at pinaandar ang engine para pumunta sa designated place ko.

From here sa car ko wearing my helmet, I can see lots of people na magwiwitness ng pagkapanalo ko (konting yabang lanag ulit pls, hahaha) But there's this person na napatingin ako sakanya. Para siyang anghel na napaka innocent ng face and nacapture niya ang attention ko. And I can see na nakatingin din siya dito sa car ko feeling ko nagred yung mukha ko. Oh my God this is so wrong..

"3.....2.......1... GO!"

I immediately snap out of it ng narinig ko yung GO.

Agad agad kong pinaandar ang kotse ko at humarurot sa patakbo. Iisa lang ngayon ang tumatakbo sa isip ko, ang manalo sa competition na ito. Yes kailangan kong manalo para mkita ko ulit yung taong nakita ko kanina. WHAT JADE? Magfocus sa race for heaven's sake!

-----------

Comment pls i need your suggestions and opinions love you

Red RopesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon