08

136 12 0
                                    


=====






Paano yung itsura ng pinag-bagsakan ng langit at lupa?!










Ganun kasi ang nararamdaman ko ngayon 'eh. Yung ultimo kanina pa ako naasar sa lalaking kasabay ko at kulang na lang na sadyain ko siyang itulak rito sa kalsada ng para mawala na siya sa landas ko.









" Sandy, Sige na 'oh! Ikaw na ang mag-replay sa mga ito." pangungulit nito. Kanina pa ako naririndi sa kanya at pinipilit ko lang na kalmahin ang siste ko.









Juskoooo!!!!











Masasapak ko na talaga siya!









Akala ko tahimik at seryoso ito sa buhay pero-shutang-inang-inah!!!










Binabawi ko na!










Nagkamali ako!!!!









Magkasing-kulit at magkasing-ingay sila ni Maxine. Para akong nagkaroon ng boy version ng isang yun!








" Sandy naman 'eh! Ikaw na kasi!"








Nyetahhhhhhh!!!!









Kalma lang, self!









Konting pasensya lang. Huwag kang basta bibigay at baka may bumalagta rito sa daan ng wala sa oras.







Mas binilisan ko ang pa ang paglalakad. Umaasang kahit papaano, mawawala siya pero dahil mahaba nga ang biyas nito 'nakakabuntot pa rin siya at laging nakakahabol...







" Sandy! Uyyy! Sandy naman 'eh! Sagutin mo na kasi 'tong mga ito!" ulit niya. Halos i-ngudngod na niya rin yung cellphone niya sa mukha ko.








Tinabig ko ang kamay nito at pinagtaasan siya ng kilay. " Just blocked them. Easy and simple." kumporta ko.









" Ihhhhh, naman! Ikaw na kasi!" parang bata niyang napapadyak at kulang na lang 'eh maglusapay pa sa kalsada.







Taen*!







Siya ba 'to?!!








Palala ng palala 'ang ugali niya!








Napabuntong-hininga ako. Hinilot ang sentido at pagkatapos 'kinuha na yung phone niya. Itinaas ko ito at nag-selfie na kaming pareho habang naka-finger heart ako. Kunwari'y pakitang-nilalang na nagmamahal sa kanya bago ko ibinalik...










" I-send mo 'yang picture natin sa mga fans mo. Siguraduhin mo lang na 'di ako mayayari at Ikaw ang yayariin ko!" amba ko ng konyat sa ulo niya.










Kahit matangkad siya, kilalang gangster rito sa school, at takaw-gulo na laging nagbibigay ng sakit sa ulo ng mga teachers 'eh hindi ko talaga siya uurungan. Yayariin ko talaga siya kapag may matangka na naman sa akin...









Lumarga na ulit ako ng lakad. Nakabuntot ito sa akin at busy sa kung ano mang ginagawa niya sa cellphone niya. Medyo naaawa pa nga ako sa ginagawa niyang pagtipang 'pagpindot roon dahil halatang-halatang nanggigigil siya base na rin sa naririnig kong tunog ng keyboard nito. Pero imbes na sawayin o paki-alam siya sa ginagawa niya 'eh mas pinili ko na lang na magkibit-balikat na nagpatuloy sa paglalakad.









CGS #2: DARE TO KISS MR. GRUMPY SLEEPYHEADWhere stories live. Discover now