Tulala ako ngayon habang nasa kwarto, may kinalaman kaya si danica sa lahat ng ito? Bakit? At ano ang dahilan kung s’ya nga ang maaaring pumaslang kay zaiji
“Anak? Sa sabado at linggo na lang tayo magbabakasyon dahil sa lunes ay sumula na ulit ng klase n’yo” hindi ko namalayan na nandito na sa kwarto si mommy dahil sa subrang pag-iisip
“Sa el nido tayo magbabakasyon kung ayos lang saiyo?” tanong naman ni daddy
“Bakit nga po pala tayo magbabakasyon? Diba busy po kayo?” tanong ko sa kanila nang makabalik ako sa katinuan
Nagtinginan muna sila bago nagsalita si mommy “Anak, gusto lang namin na makapag bonding tayo ng magkakasama at masaya rin kami dahil hindi na kami pinapatawag sa school mo”
“Maganda ang pagbabagong ‘yan anak, huwag kang mananakit ng damdamin ng iba kung ayaw mong gawin din nila sa‘yo pabalik” pangaral naman saakin ni daddy.
“Kapag po ba may masama silang ginawa saakin, dapat ko rin po ba silang gantihan?” tanong ko sa parents ko
“Anak, nasa hustong gulang kana kaya alam mo na ang tama at mali pero minsan mas pinipili natin gumawa ng mali dahil doon natin nakikita ang kaligayahan na gusto nating maramdaman. Pero tandaan mo ang paggawa ng mali ay may kahihitnatnan din kaya piliin mo parin gumawa ng tama kahit gaano kakomplekado ng sitwasyon” napangiti naman ako sa sinabi ni daddy dahil may punto ito. Akala ko dati wala s’yang pakialam saakin dahil hindi n’ya ako pinapansin tuwing may ginagawa akong mali pero ang totoo ay gusto n’yang matuto ako sa mga kamalian ko hanggang sa mapagtanto ko ang mga hindi at dapat.
Niyakap ko naman sila ng mahigpit, kahit hindi ko masabi ang bumabagabag saakin ay nararamdaman ko naman na nandidito lang sila palagi sa tabi ko para gabayan ako sa lahat. Nasa gitna kami ng pagyayakapan nang may bumulong saakin
“Masayang pamilya, pero may sinira naman” napabitaw ako sa pagyayakapan namin dahil sa narinig ko kaya napatingin saakin si mommy and daddy.
DANICA POV
Nasa bahay na ako at kasalukuyang nanunuod sa tiktok nang biglang gumalaw mag-isa ang screen ng cellphone ko. Biglang napunta sa Facebook app at kusang gumalaw ang mga keyboard at nagtipa mag isa. Tumayo lahat ng balahibo ko nang biglang mag log in ang account ni zaiji. Nag iscroll ito mag isa papunta sa isang istorya na matagal ko ng iniiwasang basahin ‘ang babae sa balon’
May napansin akong nakatayong bulto ng tao sa madilim na bahagi ng kwarto ko kaya pilit ko itong inaaninag. Namatay ulit ang cellphone ko at biglang may lumitaw na mga letra
‘Wala ka ng mga panahon na kailangan kita’
‘Iniligtas mo ang sarili mo sa kalungkutan habang ako ang nagdurusa’
‘Iniwan mo ako sa makilimlim na panahon kung saan hindi ko na napigilan ang aking sarili na kitilin ang aking buhay’
‘Ngunit alam mo ba ang mas masakit? Na iwan ako ng kaibigan ko sa araw mismo ng tag-ulan na hindi tumitila’
Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa mga nabasa ko, hindi ko aakalain na susundan n’ya ako. Wala akong kasalanan! Ginawa ko lang ang tama
“Mas pinili mong itago ang ugnayan natin, at hinayaan mo akong harapin ito ng mag isa!” sigaw n’ya, nasa harapan ko na s’ya ngayon habang ang dugo nito ay umaagos papunta sa leeg pababa sa katawan n’ya
“Kinamumuhian kita, hindi ako papayag na may kaibiganin ka ulit at uulitin mo lang ang ginawa mo saakin!” sigaw pa nito. Nanginginig na ang kamay ko ngayon dahil sa takot
“Inuutusan kitang Ipagpatuloy ang pagsusulat ng kwento sa account ko. At kung sino ang magcocomment ng hindi kaaya-aya at s’yang dadalawin ko at s’ya ang isusunod ko” sabi nito.
“Sino ang unang nag post ng story sa account mo patungkol kay Floresto?” tanong ko
“May isa pang nagnakaw sa account ko at kasalukuyan n’ya itong ginagamit ngayon. May alam si Floresto sa totoong nangyayari kaya gusto nito na paslangin din si Floresto” sabi nito
“Sino? Bakit hindi s’ya ang multohin mo?” tanong ko
“Si John Vincent Hernandez na kapatid ni Rebecca Hernandez. Wala s’yang konsensya kaya dapat magbayad s’ya. Buhay sa buhay at alamin mo mismo ang nangyari ng mga panahon na ako pa ang pinupuna ng lahat”
Hindi maaari, si John Vincent ay principal namin at si Rebecca Hernandez naman ay mommy ni Crizel. Bakit naman n’ya nakawin ang account ni zaiji? At ano ang nalalaman ni Floresto at gusto s’yang paslangin ni John?
BINABASA MO ANG
Tubig (SHORT STORY)
HorrorAng tubig ay karaniwang ginagamit natin sa pang araw-araw ngunit paano kung ito ay maging isang daan para makaranas ka ng nakakatakot na pangyayari. Czeon Rhioz | C.z Covers are not mine credit to the rightful owner