“Anak, nakilala mo na ba ang uncle mo?” tanong ni mommy saakin, nakauwi na ako ngayon matapos ang mangyari kagabi.
“Marami po kayong pinakilalang uncle saakin” sagot ko sa walang buhay na boses
“Hindi mo pa s’ya nakikilala dahil nakalimutan naming sabihin sa‘yo ang patungkol sa kan’ya.” sagot ulit ni mommy
“Sino po ba?” tanong ko
“Si uncle John Vincent mo” sagot n’ya na ikinalaki ng mata ko
“Diba s’ya po ‘yung principal namin?” tanong ko
“Yes anak” sagot n’ya. Pumasok naman s’ya sa sala kasama si daddy. Napansin ko rin ang malagkit na pagtingin n’ya saakin. Kakaiba.
“Ito nga pala ang anak ko, Crizel si uncle John mo” pagpapakilala ni mommy. Inilahad naman n’ya ang kamay n’ya kaya wala akong nagawa kundi makipag kamay.
“Nice to meet you po” sagot ko na naiilang parin
“Napakaganda mo namang bata” sagot n’ya kaya napangiwi na lang ako. Habang kumakain ay naalala ko ang sinabi saakin ng babae. Kailangan ko pumunta kay Floresto
“Anak, nabubuhos na sa damit mo ang juice” sabi ni mommy kaya napatigil din ako sa pag inom at nabasa nga ang damit ko sa bandang dibdib pa. Nagmamadali kase ako dahil baka wala si Floresto sa bahay nila.
“Pupunta lang po ako sa bahay ng kaibigan ko, urgent lang” paalam ko
“Hatid na kita” alok ni uncle kaya napatigil ako sa pagpupunas ng bibig ko. Tama ba ang narinig ko
“Kaya ko na po” sagot ko, nakakaramdam na talaga ako ng kakaiba.
Nag taxi lang ako papunta sa bahay ni Floresto, nang makarating ako doon ay kaagad akong mag door bell. Ilang minuto lang ay lumabas ang mommy ni Floresto
“Si Floresto po?” tanong ko
“Nasa loob hija” sagot n’ya bago ako pinapasok, nang makapasok ako ay kaagad akong nagtungo sa kwarto n’ya.
“Floresto?” tawag ko sa pangalan n’ya, naabutan ko itong nakaupo sa sulok habang nakatakip ang dalawang kamay sa tenga n’ya.
“Sabihin mo lahat ng nalalaman mo” pakiusap ko sa kan’ya habang hawak s’ya sa magkabilang balikat.
“Nakita ko.. nakita ko kung paano nangyari!” natataranta n’yang sabi
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko
“May isang babae ang pinaslang sa likod ng papaaralan nakaraang linggo, nag-usap kami at may nalaman s’yang sekreto at ‘yun ay hindi nagtransfer si zaiji sa ibang school dahil palabas lang ‘yun lahat ng principal natin. Sinabi saakin ‘yun ng isang estudyante rin sa paaralan na ito. Sinabi n’yang sinaktan ni zaiji ang sarili n’ya pero binalak n’ya pa lang tapusin ang buhay n’ya sa balon. Pero nakita ng estudyante na ito na itinulak si zaiji ng principal natin at sa sandaling nahulog ni zaiji ang cellphone n’ya ay kinuha ng principal ang account n’ya at kinabukasan ay pinaalam n’ya sa lahat na ibinigay sa kan’ya ‘yun ni zaiji nang magtransfer ito. Wala ng magulang si zaiji kaya walang naghanap sa kan’ya. Nang malaman ng principal natin na may nakaalam sa ginawa n’ya ay tinapos n’ya rin ang buhay ng babaeng ‘yun nang makita n’yang nag chat ito kay Danica para magsumbong” pagkukwento nito
“Bakit n’ya ‘yun ginawa?” tanong ko
“Sabi ni Veronica, napapansin n’yang mainit ang dugo ng principal natin na ‘yun kay zaiji at doon na namin napapansin na kinaiinggitan s’ya ng principal dahil gusto nito na sumikat ang paaralan nila at s’ya ang makilala at maging sikat sa larangan ng literatura at hindi si zaiji. Kaya ayun ang nag udyok sa kan’ya para gumawa ng ganong bagay.” paliwanag n’ya
“Ano pa ang nalalaman mo?” tanong ko
“Nasabi ko na ang nalalaman ko crizel, pakiramdam ko ay mababaliw na ako dahil gabi-gabi akong dinadalaw ni zaiji dahil nanatili akong tahimik sa kabila ng mga nalaman ko. Kung may iba ka pang gustong malaman, basahin mo ang akda ni zaiji na pinamagatang ang babae sa balon. Maaaring narito ang mga kasagutan na hinahanap mo” nagpasalamat na ako bago ako umuwi saamin, malinaw na saakin ang lahat. Pero sumasagi parin sa isip ko ang babaeng nagpakita saakin.
Habang naglalakad pauwi ay nag open ako ng Facebook account ko para tignan ang pinost ni zaiji months ago. Pumara na ako ng taxi at sumakay. Ang istorya at patungkol sa isang babae na kinitil ang kan’yang buhay dahil sa labis na kalungkutan. Nakasaad din sa kwentong ito na namatay ang anak n’ya nang pinagbubuntis pa lamang ito dahil sa kadahilanang binigyan s’ya ng inumin ng kan’yang asawa at hindi n’ya aakalain na asido ang laman nito. S’ya ay hinulog sa balon sa likod ng gusali at ang babae ay nag ngangalang Seiji Hernandez at ang lalaki naman ay nag ngangalang John Vincent Hernandez. Maaaring binash si zaiji dahil ginamit n’ya ang pangalan ng principal sa kwentong ito. Hango ba ito sa totoong buhay o Kathang-isip lang?
“Manong, bakit iba ang dinaraanan natin?” tanong ko, masyado akong tutok sa cellphone ko kaya hindi ko na namalayan kung nasaan na kami banda.
“Ano naman ang mga nalaman mo kay Floresto?” tanong n’ya, nakasuot ito ng jacket at may black cap din s’yang suot pero kilalang kilala ko ang boses nito. Sinusundan ba ako ni uncle?
BINABASA MO ANG
Tubig (SHORT STORY)
HorrorAng tubig ay karaniwang ginagamit natin sa pang araw-araw ngunit paano kung ito ay maging isang daan para makaranas ka ng nakakatakot na pangyayari. Czeon Rhioz | C.z Covers are not mine credit to the rightful owner