Chapter 10

31.5K 778 117
                                    

NAKABALIK na ang mag-asawang Vandeleur sa Pilipinas. Halos bumukas ang langit ng makita ko silang dalawa. Sa wakas, makakatulog na kami ng maayos. Hindi na ako magtitimpla ng gatas sa madaling araw.

Nandito ako ngayon sa kama at sinusulit ang mga nagdaang araw na wala akong pahinga at tulog.

Hindi din ako pumunta sa hospital dahil gusto ko munang magpahinga.

Napabalikwas ako ng bangon ng malakas na tumunog ang cellphone ko. Agad ako tumayo at lumapit sa couch. Tinignan ko muna ang screen ng cellphone ko kung sino ang tumatawag.

When I saw that it was boss Lucian who called, I immediately answered the call.

"Hello, boss Lucian." Bati ko sakanya.

"I need your help, Salem." Sabi ni boss Lucian. Wengya! Ayan na naman tayo sa help na yan.

Sinabi niya ang gusto niyang ipagawa sa 'kin. Nalukot agad ang mukha ko habang pinapakinggan siya. Mag pro-propose lang kailangan pang kidnapin ang asawa niya. Wengya!

"Kapag talaga sinaksak ako ng asawa mo, mumultuhin talaga kita, boss Lucian." Reklamo ko skanya.

Bakit ganito ang dalawang 'to? Porke't may mga lovelife, tapos ako wala panay nalang utos sa 'kin. Lagi nalang nila ako kinakawawa.

Wala na ako nagawa kundi sundin ang utos ni Mr. lover boy.

Nagbihis agad ako at nagmamadaling lumabas ng bahay. Tinawagan ko na din si Kier at Levi na bantayan ang kambal na sina Alexios at Evreux.

Hanep talaga 'to si Mr. lover boy, nakahanda na ang wedding pero hindi pa nakapag propose. Wengya!
Dinamay pa ako. Nang-iingit lang 'to eh.

Nang makarating ako sa restaurant na sinabi sa 'kin ni boss Lucian ay nagmasid muna ako sa paligid. Hindi na muna ako bumaba sa kotse at hinihintay muna ang pagdating ni Ruwi.

Kinuha ko ang panyo na may gamot na pampatulog para ihanda.

Nakita ko naman ang pagdating ng kotse ni Ruwi sa unahan. Hinintay ko muna siyang makababa ng kotse niya saka ko siya lalapitan.

Agad akong bumaba sa kotse at inayos ang suot kong sumbrero habang naglalakad patungo sa deriksyon ni Ruwi.

Nakayuko naman 'to habang hawak ang cellphone niya. Walang ingay akong lumapit sa likod niya at mabilis na inilagay sa ilong at sa bibig niya ang panyo kong dala.

Tangina, nanlaban pa. Ang lakas talaga ni Ruwi, muntik ko pa siyang mabitawan ng malakas niyang siniko ang dibdib ko. Damn it! Kaya nga siya kinakatakutan na assassin dahil sa lakas at sa galing niya.

Pinilit ko labanan ang galaw ni Ruwi hanggang sa tuluyan siyang mawalan ng malay.

Muntik ko pang mabitawan si Ruwi dahil naalala ko ang sinabi ni boss Lucian na wag ko daw yakapin ang asawa niya. Napaka seloso talaga, may kambal na nga sila seloso parin.

Agad kong binuhat si Ruwi, bahala si boss Lucian magalit sa 'kin.

Naglakad ako papunta sa naka parada kong kotse saka binuksan ang back seat at agad na inilagay si Ruwi sa loob. Umikot ako sa driver seat at tinungo ang private resort na pag-aari ni boss Lucian.

Nang makarating ako sa lugar ay agad kong pinark ang kotse ko sa gilid. Bumaba ako saka binuksan ang pintuan ng back seat.

Akmang bubuhatin ko na ang walang malay na si Ruwi ng may nagsalita sa likuran ko.

"Keep your hands away from my wife, or else I will break your bones." Sabi ni Mr. lover boy.

Agad akong umatras dahil ayaw kong balian ng mga kamay. Nasuntok ako ng isang beses ni boss Lucian kaya alam kong masakit.

Assassin Series 4: Salem Herreros Where stories live. Discover now