Kabanata 17

153 9 0
                                    

Kabanata 17









Malakas akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga habang tinitignan ang sarili sa salamin.

Nakasout lang naman ako ng simpleng dress pero elegante tignan.

Nakatali ang buhok ko ng pabato at may kaonti pang takas na sinadya. Light lang ang pagkakamake up sakin dahil hindi bagay sakin ang medyo makapal. Dahil baka mag mukha akong batang madungis na hindi marunong mag lipstick.

May okasiyon kasi ngayon. Dahil ngayon ang engagement party namin ni Dante at gaganapin yun sa kanila.

"Are you okay, Miss Miriam? " tanong sakin ng makeup artist ko at sinilip ako.

Tinignan ko ang ankle starp ko at tumango.

"Yah... " No, I'm not okay.

Sino ba naman kasi ang magiging maayos sa kalagayan ko kung ipapakilala ka sa maraming tao na magiging kabiyak ni Dante? Eh hindi ko nga gusto si Dante.

Hindi naman sa pangit si Dante, pero may itsura siya. Ayaw lang talaga ng puso ko sa kaniya. Dahil may iba ng tinitibok ang puso ko.

May kumatok sa pintuan kaya nilingon namin iyon. Sumilip si Daniela at ng mapansing nakatingin ako sa direksiyon niya ay nginitian niya ako. "Hi! Pinapasabi ni Mama La na bumaba kana daw. Kasi malapit na tayong umalis. "

Tinanguan ko lang siya at tumayo na. Mula sa gilid ko ay kinuha ko ang wristlet bag ko at saka na pumanhik pababa.

Habang naglalakad palabas ng kwarto ay hindi nakakawala sakin ang malalim kong pagbuntong hininga. Muli kasing sumagi sa isip ko yung huli naming pagkikita ni Kuya. Umaasa ako na sana hindi na siya galit sakin, nito ko lang napagtanto na hindi dapat ako magalit sa kaniya dahil kapatid ko pa din siya at alam niya ang ginagawa niya. Ginagawa lang niya ang lahat ng ito para sa ikabubuti ko. Pero para nga ba sa ikabubuti ko ang pagpapakasal sa taong hindi ko naman mahal?

Mula sa ibaba ay natanaw ko na kaagad sina Mama Lla kahit pa man nasa hagdan pa lang ako.

Dinumog ng kaba ang dibdib ko ng mahagip ng mata ko sina Kuya at Ate Grace na masinsinang nag uusap. Halos mahigit kopa ang pag hinga ng lingunin ako ni Ate Grace, pero maslalo akong nabigla ng ngitian niya ako. Diba dapat magalit siya sakin? Nakakapagtaka lang kasi nasaktan ko siya pero hindi siya nagalit sakin dahil nginitian pa niya ako na tila wala akong ginawang kasalanan sa kaniya.

Halos malaglag ang puso ko ng lingunin din ako ni Kuya. Wala pading pagbabago sa emosyon na ipinapakita niya sakin. Malamig padin, bumuntong hininga ako. Siguro ganun na lang kalaki ang kasalanang nagawa ko at hindi ako mapatawad tawad ni Kuya. Pero normal lang naman iyon sa taong ayaw mangyari ang mga pangyayaring hindi niya gusto, hindi ba?

Sinalubong ako kaagad ng yakap ni Mama La nang makababa ako.

Ni halos hindi ako makagalaw dahil sa mga tanong na pumapasok sa isip ko.

Galit kaya sila sakin? Paano ko kaya mapipigilan ang kahibangan nila? Magiging malaya paba ako? Makakamit ko ba ang tunay kong happy ending?

Pero imposible ba iyon? Gayong walang totoong happy ending sa mundong ito. Dahil ang tunay na pagmamahal ay may pagsasakripisyo, sakit, pag luha at pag iwan. Dahil balang araw lahat sila iiwan ka. Gaya ng sinabi ni Faith, pero ang tanong iniwan nga ba siya ni Abraham?

Hindi ako naniniwala na walang happy ending sa mundong ito. Dahil sa i-storyang ito ay hindi ko hahayaang mapunta sa wala ang lahat ng ito.

At kong ang kaso ko ay hindi nabigyan ng hustisya ay hindi ko hahayaan na maging sa pag ibig ay wala din.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon