Chapter 12

2 0 0
                                    

"pre may meeting tama na tulog!" Panggigising ni xavier.

Tanginang lalaking toh wala ng ginawa kundi mang istorbo.

"Meeting saan?" Tanong ko.

"Meeting sa intrams, kalaban natin ibang school" sabi niya.

Dali dali akong tumayo at sumunod sa kanya.

Ilang minuto pa ay nakarating na kame ng conference room, nahagip ng mata ko si naya kausap ung kaibigan niya, yung katalking stage ni xavier.

Hindi naalis ang tingin ko maliban nalang nung dumating yung kaibigan niyang si Gil, yung lapitin ng mga babae.

Ginulo niya ang buhok ni naya at cinompliment sa make up neto, himala daw kasi ay bigla siyang naging babae.

Ilang minuto pa ay may dumating na assistant ng prof na magmemeeting samen, malalate daw.

Sana natulog nalang ako.

Nahagip ng atensyon ko ung pagtawa ni gil dahil pinunasan niya ng wipes ung muka ni naya.

Napansin kong may pasa siya sa bibig. Pumasok sa isip ko gung eksena sa clinic kanina. Don't tell me si Naya yon.

May boyfriend siya? Marunong naman siya lumaban pero kung siya yun bakit hindi siya lumaban.

Nararamdaman kong kumukulo ung dugo ko. Sinong boyfriend niya?, taga saang department?, anong pangalan?.

"Naya and Lorien kayo ang napili kong couple sa intrams, no buts " singit ni maam papasok ng conference room.

Pucha. Mandatory pala toh.

"Kailangan ko ng support at cooperation sa parehas na department para suportahan ang itrams event nila naya at lorien" pakiusap ni ma'am.

"Ma'am permission to speak?" Saad ni naya.

"Yes you may" sagot ni ma'am habang nag sasign ng papers.

"Ma'am bakit hindi po sa archi department nalang po kayo kumuha ng parehong candidate" pagrereklamo ng babae.

"Inuutusan mo ba ko?" Sungit na sagot ni ma'am..

Agad na umupo si naya at hindi na umiimik.

Napagusapan din sa meeting na bukas na start ng practice.

Matapos ang mahaba habang oras sa school ay umuwi na ko, kumain at nag asikaso.

Hindi mawala sa isip ko Yung nangyare sa clinic kanina, nagaalala ako para kay naya, buong akala ko wala siyang boyfriend pero palabas pala ang lahat.

Nagumpisa kong magplano para kahit papaano ma protektahan ko siya, sign of respect dahil president siya.

Sign of respect ba talaga?

Hindi. Mali.

Hindi dapat siya ginaganon kaya aalamin ko kung sino yon at di ako magdadalawang isip na idampi yung kamao ko sa muka non.

concern ako. Tama concern lang ako. at dapat hanggang doon lang yun, Lorien umayos ka please.

My dream And ForeverWhere stories live. Discover now