87

1.6K 23 4
                                    

DISCLAIMER:

THIS STORY IS JUST A WORK OF FICTION AND PURE IMAGINATION ONLY!!

_READ AT YOUR OWN RISK_


_______


Caitlin's POV

"Darling steak tayo ah sinabi naba sayo ni ate bei?" Tanong ni deanna sakin habang nag papahinga kami ngayon dahil kakatapos lng ng patayang training.

"Huh? Wala naman nabanggit sakin si bea" Takang tanong ko.

"Hays dada talaga eh! Steak tayo mamaya libre ko" Sabi nito.

"Ano meron? At manlilibre ang isang deanna wong?" Natatawang sabi ko.

"Wala akong kasama eh hahahaha busy si ivy at nag crave ako ng steak so kayo ang naisipan ko" Sagot nito.

"Sino sino ba?" Tanong ko.

"Tayong tatlo lang. Miss ko na parents ko eh" Natatawang sabi nito kaya tinignan ko sya ng masama.

"HAHAHAHAHAHAHA basta later darling ha! Pumayag naman na si ate bei eh" Sabi nito at tumayo na para umalis.

"Hoy te bei! Tama na landi jan tawag kana ng jowa mo!" Sigaw ni deans kay bea habang nag lalakad ito.

Loko talaga yun di ko naman tinatawag eh.

Nakita ko naman na tumayo si bea. Nandun kasi sya kay des at maddie nakikipag kulitan.

"Why love?" Tanong nito palapit sakin.

Umiling naman ako. "Wala baby pinag titripan ka lang ni deans hindi naman kita tawag eh" Sabi ko sakanya.

"Eh bakit pumunta yon dito? Nilandi ka nanaman ba nya?" Tanong nito kaya sinamaan ko sya ng tingin at natawa naman sya.

"Kakalma yan ka nanaman eh! Pinaalala lang nya yung steak daw?? Sabi ko wala ka naman nabanggit sakin kaya hindi ko alam"

"Ah oo love nag aya sya mag steak night pumayag na ako kasi kawawa naman walang kasama yung bata" Natatawang sabi nito at napatawa din ako.

"Ok love pero mej agahan natin ah kailangan ko mag live kasi may last day ako na campaign" Paliwanag ko dito.

"Oo naman love hatid agad kita mamaya pagtapos natin" Sagot nito at humiga tas umunan sa lap ko.

"Bakit ba biglang nag aya yun si deans love?" Tanong ko.

"Ewan ko din dyan eh sabi nya busy si ivy wala syang kasama" Sagot nito.

"Baka naman nag away sila?"

"You think? I dont know love eh" Sagot nya.

"Nakakapag taka lang kasi nag aya mag steak tapos libre nya pa" Natatawang sabi ko kay beadel.

"Kaya nga love pero palagi din naman nanlilibre yan before eh nung single pa sya hahahhaha" Sabi ni bea kaya natawa ako lalo sa sinabi nya.

Totoo naman kasi dati nanlilibre yan ng sb lahat ng team tapos nung nagka jowa na buraot nanaman sya.

...............

"Daanan ko nalang si darling te bei ha? Kita nalang tayo sa steak house" Sabi ni deanna.

"Ok sige ingatan mo yung girlfriend ko deanna wong ha sinasabi ko sayo! Umayos ka sa pag dadrive" Sabi sakanya ni bea.

"Yes da! Mami ko kaya yan syempre iingatan ko yan" She said and wink.

"Sige na kita nalang tayo mamaya.. Hahatid ko muna sa condo si cait" Sabi ni bea kaya nag paalam na kami kay boss D.

Maaga pa naman kasi at kakatapos lang ng training namin. Ihahatid ako ni bea at uuwi muna sya sakanila kasi may need pa sya gawin para sa school nya sabi nya sa condo nalang daw nya gagawin kaso di nya dala laptop nya at wala din akong laptop dun nasa cavite kaya no choice sya kundi umuwi muna pagkahatid nya sakin at mamaya nalang ulit kami magkikita kapag nag steak na kami.

MY DARLING Book 1💖Where stories live. Discover now