200

2.6K 30 5
                                    

DISCLAIMER:

THIS STORY IS JUST A WORK OF FICTION AND PURE IMAGINATION ONLY!!

_READ AT YOUR OWN RISK_


_______


Day 5 namin dito sa vietnam ngayon at as usual may game ulit kami later... Everyday game ito mga darlings ko kasi 2 weeks lang kami dito sa vietnam para sa liga na ito. 

Bale ang araw na wala kaming game ay Thursday lang bago mag semis and after ng liga bago kami umuwi syempre may 2 days kami para gumala muna dito sa mga tourist spots nila. 

...

Nandito kami ngayon sa gym ng hotel, bago kasi kami mag training or pumunta doon sa vtv cup  arena? Yun ba tawag don? basta bago kami mag training doon dito muna kami talaga nag weweights pag morning. 

Syempre may schedule kami dito kasi yung ibang teams dito din nag sstay sa muong thanh grand lao cai hotel. 

Ate cherry: "Ngayon na din ba natin kukuin yung pina laundry natin?" 

Nag pa laundry ulit kasi kami.

Ate maiks: "Oo.. sila bea pupunta sa mini stop para bumili ng pagkain" 

Isabel: "Wala na kayo stocks sainyo?" 

"Meron... Pang breakfast lang bibilhin namin" Sagot naman ni bea

"Ay naols talaga madaming baon na money..." 

"Oo nga sana all" 

Paglabas namin ng hotel ay kinuha muna namin yung pina laundry namin tapos pumunta na kami sa parang mini stop nila dito

"Wala naman akong nakita na parang masarap kaya yung parang cheese cake nalang yung kinuha ko tapos isang juice na nasa can lang" 

"Kuha na din kayo ng gusto nyo" 

"Libre mo bei?" 

"Yes.." 

"Yown!"

"Ano yan darling?" Tanong ni bel dun sa kinuha kong juice

"Hindi ko nga alam eh.. i tatry ko lang parang masarap sya" Watermelon yung flavor nya

"Yan na nga lang din sakin" Sabi ni bel at kumuha din ng isang can

"Yan lang sayo?" 

"Oo madami pa akong baon na pagkain sa kwarto eh" Sagot naman nya kaya tumango ako.

"Bakit may coke ka? Ang aga aga" Sabi naman ni bea paglapit nya sakin

"Hindi to coke oh watermelon juice" Sabi ko tas pinakita ko sakanya yung hawak ko. 

"Kala ko coke eh" 

"Yan lang bibilhin nyo? Dagdagan nyo pa" 

"Tama na to baby may stocks pa naman kami na pagkain sa kwarto eh" 

"Oo nga hindi rin namin bet yung ibang pagkain nila dito" 

"Ako din eh eto nga lang nakuha ko eh" Sabi nya at pinakita yung binili nya. 

After namin mabayaran ay bumalik na din kami agad sa hotel. 

habang nasa loob kami ng elevator paakyat sa floor ng rooms namin may pinanood naman si bel samin na sumasayaw. 

"Gawin natin to.. madali lang yung steps" Sabi nya tapos nilapag na agad yung phone nya sa gilid then nag play yung video

"Hindi pa nga namin napapanood ng maayos eh" 

"Madali lang yan atras atras ka lang ganern" Tapos bigla ng natapos yung timer kaya sumabay kami sakanya

Tawang tawa naman sya kasi pati si bea sumabay sakanya tapos ako natatawa kay ate maiks kasi ang gaslaw nya sumayaw.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY DARLING Book 1💖Where stories live. Discover now