CHAPTER 01

10.2K 323 23
                                    


Author Pov.

"Hello Ma," walang ganang bungad ni Razena sa kabilang linya habang nakaupo dito sa may office niya, kaharap ang laptop.

"Anak naman, birthday na birthday ng Lola mo puro ka parin trabaho, hindi mo ba alam, nagtatampo na sayo si Mama."

"Kaya dalian mo na diyan, pumunta kana dito bago pa siya tuluyan magalit sayo," inis na sabi ng kaniyang Mama, mula sa kabilang linya bago ito binaba.

Wala sa sarili nalang siyang napa buntong hinga bago mabilis na niligpit ang mga gamit.

Bigla naman siyang napalingon nang may biglang kumatok, bago pumasok ang kaibigan niyang si Semir Rathan.

"Bakla! sawakas nandito na ang pina-order mo sa akin."

"May God, alam mo ba, muntik na akong maacidente dahil lang sa bouquet na 'to," reklamo ni Semir, bago nilapag ang dalawang bouquet sa may table.

"Pero imperness Bakla, mabango siya, worth it naman hintayin," dagdag pa nito.

Napa-iling nalang siya bago kinuha ang bag at mabilis na binuhat ang dalawang bouquet.

"Thanks dito, ikaw na muna ang bahala dito, kilala mo naman si Grandma, mag wawala 'yon pag hindi ako bumisita," sabay beso niya kay Semir.

"Oh! sige, ingat ka Bakla," pahabol nito bago tuluyan na siyang lumabas.

Pagkadating niya sa mansyon ng kaniyang Lola ay agad na niyang pinark ang kotse bago siya mabilis na bumaba, habang bit-bit parin ang mga dala niyang bouquet.




"Asan si Grandma?" tanong niya kay Yaya Fat, na agad sumalubong sa kaniya.

"Nasa dinning area po Ma'am, kanina kapa po niyang hinihintay," paliwanag ni Yaya Fat, bago kinuha ang mga bouquet at ito na ang nag dala.

"Finally your here, oh my granddaughter, akalako hindi kana darating," malungkot na saad ng kaniyang Lola.

Agad naman siyang lumapit dito bago mabilis na yumakap.

"Puwede ba naman 'yon? ofcourse Grandma it's your birthday, kaya hindi puwedeng wala ako noh," paliwanag niya bago sila nag hiwalay.

"Happy birthday Grandma," ngiting bati niya bago inabot ang mga bouquet.

"I appreciate your gift my darling, pero mas matutuwa ako, kong may another apo na ako," malungkot nitong saad.

Agad naman siyang napa lingon nang dumating ang Mama niya.

"Ma!" tawag niya dito bago mabilis na lumakad at bumeso.

"Masyado kana 'yatang busy Anak, para hindi muna kami madalaw dalaw ni Mama," pabirong ani ng kaniyang Mama.

"Tama na 'yan, come here and let us celebrate my birthday, total agad rin naman siyang aalis," buntong hingang sabi ng kaniyang Lola.




"Are you okay Grandma?" alalang tanong ni Raz, dahil bakas sa muka ng kaniyang Lola ang kalungkotan.

Loving My Surrogate Baby GxG [REVERSION]Where stories live. Discover now