CHAPTER 02

9.2K 303 31
                                    


Author Pov.

"Bakla! may maganda akong balita, sawakas natapos narin ang screening na 'yon, daig ko pa ang beauty pageant sa kaka interview."

Bungad ni Semir bago tuluyan lumapit kay Raz na kasalukoyan seryosong nakatingin sa may laptop niya.

"Anong ganap?" bored niyang tanong bago tumingin kay Semir.

"Hay nako Bakla sa dami nila, tatlo lang ang satingin kong reasonable at perfect ang beauty."

"Pero ang ending ikaw parin naman ang mamimili," paliwanag nito bago inabot ang envelope.

Agad naman niyang binuksan at isa isang tinignan ang mga background ng tatlong Babae.

"Pero alam mo Bakla, ito talaga ang pinaka maganda, pang beauty queen ang beauty," sabay turo nito sa resume ni Vinna.

"Kung pang beauty queen ang beauty niya, bakit niya pinipiling maging surrogate mother lang?" curious niyang tanong.

"May malalang sakit daw ang Mama niya, kaya kailangan itong maoperahan sa lalong madaling panahon."

"Wala silang malapitan dahil iniwan na sila ng Papa niya, may lahi 'yan Bakla, kaya malamang mas lalong gaganda pa ang lahi mo," pabirong sabi nito.

"Gusto kung makasiguro, kaya gusto ko muna siyang makita kung papasa siya sa standard ko."

"Baka nga retokada 'yon, o di kaya maganda lang dahil naka makeup," paliwanag niya bago nilapag ang resume.

"You mean Bakla, gusto mo siyang papuntahin dito?" paninigurado nito.

Tumango lang siya bilang sagot bago muling pinagtuon ang atensyon sa laptop.




"Nandito na po ako," pa sigaw na ani ni Vinna, bago ipinarada ang motor sa may tapat ng restaurant.

Kagagaling lang kasi niya sa pinag diliverhan niyang fastfood.

"Mabuti naman at dumating kana, siya nga pala maaga tayo mag sasara ngayon, dahil na ubusan tayo ng mga ingredients," paalala ng isang matandang Lalaki.

"Ganon po ba, sige po," ngiti niyang sabi bago binigay ang helmet.

"Oh eto, pang dagdag mo, sana nga gumaling na ang Nanay mo," sabay abot nito sa isang subre.

"Naku po, salamat po, malaking tulong po ito," mangiyak ngiyak niyang ani.

"Minsan kailangan mo rin mag pahinga, baka mamaya niyan ay magkasakit kapa," alalang sabi nito, sabay tapik tapik sa balikat niya.

"Sige po, mauna na po ako, maraming salamat po ulit dito," ngiti niyang saad, tango lang ang ginawad ng matanda.

Agad na siyang lumabas ng restaurant.

Akmang papara na siya, nang biglang tumunog ang cellphone niya.

At walang alilangan naman niya itong kinuha sa may bag niya bago mabilis na sinagot, kahit pa unknown number 'yon.

Loving My Surrogate Baby GxG [REVERSION]Where stories live. Discover now