Kabanata 18

160 8 0
                                    

Kabanata 18






Hindi pa din maputol putol ang tingin sakin ni Adonis, nanatili kaming gano'n. Ni wala man lang kumikilos o nag sasalita sa aming dalawa.

At nakuha niya ang pagkakataon na iyon para masundan ang huling sinabi.

"Gusto kita, Senyorita... Puwede ka bang ligawan? "

Natigilan ako at parang mawawala na sa kinalalagyan ang puso ko dahil sa sobrang pagwawala nito.

Nag sisimula na ding manghina ang tuhod ko kaya humihigpit ang hawak ko sa damit ni Adonis.

Anong dapat kong sabihin? Oo ba ako? Tatango? Iiling o aalis? Pero paano ako makakagawa ng isang galaw gayong para na akong naging isang bato dahil sa sobrang paninigas? Ngunit ang puso ko ay buhay pa naman.

Umihip ng bahagya ang malamig na hangin kaya nilipad ang bangs ko. At alam kong sinundan iyon ni Adonis ng tingin.

Hinawi niya ang bangs ko na hinaharangan ang mata ko. Nagtataka ko siyang tinignan, na kahit iyon na lang ay magawa ko ngunit napaiwas ako kaagad ng tingin dahil sa nakakapasong mga mata nito. Na tila paghihiwalayin ang katawan ko at kaluluwa.

"Mas gugustuhin kong lagi kitang nakakasama o kung hindi ay makita nalang, Senyorita. Ngunit mapait ang mundo sa atin, ngunit kahit gano'n ay gagawa ako ng paraan para lang makasama
ka at ipaglapit ang ating mga mundo." matamaan nitong sinabi at bumaba ang kamay sa aking pisngi.

"Dati ko pa gustong gawin sayo ito... Ang mahawakan ka, kahit man lang hibla ng iyong buhok. Pero bawal. " at tumitig sa aking mga mata.

Nanatili padin akong walang imik. Parang kinain ng dila ko ang mga salitang gusto kong sabihin dahil hindi ko man lang mailabas labas ang mga ito.

Anong ibig mong sabihin, Adonis?

"Akala ko mapipigilan ko pa ang nararamdaman ko, Senyorita. Ngunit nagkakamali ako, dahil hindi ko kayang pigilan ang puso ko na tumitibok sa taong gusto nito at gusto ko... " napunta sa aking panga ang kaniyang hinlalaki at marahang humaplos doon.

"Ang hirap mong abutin, Senyorita... Napakahirap, ngunit gagawin ko ang lahat maabot lang kita. Kahit ang kalaban ko pa ay ang kamag anak mo. "

Wala na. Tapos na. May nanalo na. Siguro kong halimaw lang ang mga salita ni Adonis ay kanina pa wala sakin ang puso ko.

Lumayo si Adonis sakin ng bahagya at nginitian ako. "Ang ganda mo, Senyorita... Dapat ako iyon eh, hayaan mo sa susunod ako na talaga iyon. " pursigidong sabi pa nito kaya maslalong nag wala ang halimaw kong puso at hindi kona alam kong paano pa mapipigilan ito o kong mapipigilan kopa ba.

Nagbaba siya ng tingin at marahang natawa. "Nagulat ba kita? Ang pangit ko bang umamin? " naiilang niyang tanong at hindi makatingin sakin.

Napalunok ako ng laway at dahan dahang umiling. "H-hindi... " sa wakas ay may salita namang lumabas sa bibig ko! Akala ko kasi ay napipi na ako.

"Kung gano'n bakit hindi ka makapagsalita kanina? Nabigla ba kita? Mas nagulat kapa nga yata sakin. " nanunukso ang boses nito na totoo naman.

Napakurap kurap ako ng ilang beses.

"A-ang kapal ng mukha mo... " mahinang sabi ko.

Marahan siyang natawa sa naging komento ko.

Ngunit tumigil siya at masayang bumaling sakin.

"Totoo ang sinabi ko, Senyorita. Gustong gusto kita... Una pa lang. " makahulugang sinabi niya at kinagat ang pang ibabang labi.

Napaawang ang labi ko. "P-pero bakit hindi ko alam? " mahina man ngunit sapat na para iparinig sa kaniya.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon