Kabanata 3

2.3K 30 1
                                    

Enjoy reading~

Naomi Arin

"Angh!!" Daing ko na kinatawa ng lalaking nakayakap saakin mula sa likod. Huwag kayong mag-isip ng iba dyan! Niyayakap niya ako dahil nagpapanggap siyang manyakis na biglang nanyayakap, kailangan ko raw makawala sa yakap niya na hindi ko naman magawa dahil mahigpit at naiilang ako dahil ang mga braso niya ay nasasagi ang ibaba ng dibdib ko. Ang kinaiinisan ko ay iba magreact ang katawan ko sa paglalapit ng mga katawan namin.

"Come on little miss, try a little bit harder." Anito sabay dinugtungan ng tawa na nagpataas ng buhok sa batok ko dahil do'n nakatutok ang mukha nito.

"Saint!!!" Tili ko nang umangat ako sa ere, I tried to wiggle my way out of his tight hold but to no avail I can't move my arms. Kasama kasi nitong yakap ang mga braso ko kaya hindi ako makakilos at makawala sa mga bisig niya.

Sinubukan kong tamaan ang mg binti nito pero mabilis nitong naiwas ang mga iyon at mas inangat ang pagkakabuhat saakin.

"Arrghhh!!!" Daing ko nang humigpit lalo ang mga braso nito, tinapik ko ang braso nito.
"Tap!!! Tap! Saint!! Hindi na ako makahinga!!" Tili ko na kinatawa nito bago ako binaba. Pasaldak akong naupo sa sahig na may foam mattress.

Hinawakan ko ang ibaba ng dibdib ko kung saan nakapulupot ang mga braso ni Saint na tila ando'n pa rin ang mga iyon. Nakayuko ako habang hinihingal, sinong hindi hihingalin kung kanina pa kami nagtetraining at ni walang progress na nangyayari saakin.

Yes, tinuturo niya saakin kung paano idepensa ang sarili ko sa mga atake niya pero lahat iyon ay hirap akong gawin.

It's either I'm groaning because of I'm out of breath or because I can't handle how his body touches mine for a longer time.

Kaya rin hindi ko magawa ng maayos ang dapat kong gawin ay dahil napakalaki niyang distraction saakin lalo naman iyon isang iyon, sabay tingin kay Hellion na nakasandal sa salamin habang nakahalukipkip at mataman kaming pinapanuod kanina pa.

Who wouldn't get distraction with those eyes and Saint's body on mine, right?! Argghh!! Sinabunutan ko ang sarili sa isip bago piniling mahiga sa mattress.

Andito kami sa loob ng isa sa mga private training room sa gym ni tito, puno ito ng salamin na parang sa mga practice room para sa sayaw, ang kaibahan lang e foam mattress ang flooring nito kaya kahit anong bagsak mo e hindi ka masasaktan.

Taas-baba ang dibdib ko dahil sa paghingal, nakapikit ako kaya hindi ko alam kung ano nang ginagawa ng dalawa.  Bahala muna sila dyan dahil pagod talaga ako, ilang oras na rin kaming nagtetraining ah!! Pagkabalik namin mula sa coffee shop e nagpahinga lang kami ng kalahating oras bago nagtraining.

Lumalayo nga ako kay Saint kanina dahil nahihiya akong maglapit ang mga katawan namin kaso wala na akong nagawa nang umarte itong isang manyakis at bigla akong hinila sa braso.

At do'n na nga nagsimula ang pagtetraining namin, tinuturo niya kung paano ako makakaalis sa gano'n sitwasyon at habang nagsasalita siya nakademo na kaagad saakin iyon. Tuloy pulang-pula ang mukha ko dahil hawak ako nito at may kuryenteng dumaloy sa katawan ko sa paghawak nito saakin.

Napamulat ako nang makaramdam ng presensya sa tabi ko, lumingon ako at nakitang nakahiga rin si Saint sa tabi ko. Nakapikit ito habang may ngiti sa mga labi nito na hindi ko alam kung anong dahilan.

I found him more mysterious than Hellion, yes ngumingiti siya but behind those smiles I know there is something hiding. I don't know what it is and I don't have plan on finding out what it is.

"You're light for that kind of body little miss." Kumento nito na nagpakunot ng noo ko.

"What do you mean?" Bumaling ito saakin at nakita ang paghagod ng mga mata nito sa katawan ko.

The Twin's PetWhere stories live. Discover now