Kabanata 11

93 2 0
                                    

KABANATA 11


"THANK YOU." Masayang sabi ko habang nililigpit ang pinagkainan namin. Kahit ako hindi ako makapaniwala na ako lang talaga ang nakaubos ng dalawang malaking paper bag na may lamang di'drive thru namin kanina. Habang nagliligpit ako napaangat ako ng tingin kay Shane. Tumayo ito sa pag kakaupo at naglakad papunta sa harap ng friged. Binuksan niya ito at kinuha ang pitsel na may lamang tubig. Tinitigan ko lang siya hanggang sa kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig at ininom ito. Nakaramdam naman ako ng hiya sa ginawa ko. Hindi ito nakakain dahil inubos ko ang pagkain kahit ang pagkain niya, e hiningi ko pa.


Nag iwas ako nang tingin nang nakita niya akong nakatingin sa kanya. Binilisan ko ang pagliligpit ng pinagkainan namin—ko.


"You good?" Tanong nito sakin. Hindi ako makagalaw dahil nabigla ako nang nasa likod ko na pala ito.


"Sorry. Hindi naman talaga gutom—i mean gutom ako, Oo. Hindi din naman ako makapaniwala na naubos lahat yun. Pagluluto na lang kita."


Sunod-sunod na sabi ko. Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko nang hawakan niya ang kanang kamay ko at pinaharap niya ako sa kanya.


"Relax, I'm all good. I'm happy to see you na ganyan pala kumain, you're cute though."


Napailing lang ako. Parang baliw naman 'to kinakausap ang sarili.


"Seryoso?"Pagsisiguro ko.


Tumango lang ito. "I have something to give you." May kinuha siya sa katabing upuan niya kung saan siya kanina nakaupo,"Here. When i see this i remember you so i buy it." Inabot nito ang dala niya kaninang box. Mukang sosyal ang box nito.


"Sakin? Bakit?"


"Yeah, that's for you. Here, let me open it for you." Sabay bukas niya sa box. Isa itong black heels na parang diamond dahil sa kinang nito. Subrang ganda nito, "Upo ka." Dali-dali naman akong umupo na parang bata.


"Ang ganda." Hindi makapaniwalang sabi ko. Kinuha niya ito sa box at sinukat sa paa ko. Saktong-sakto talaga sa paa ko.


"It's a Swan Embelished Satin Pumps. Do you like it?"


"Subra. Para ba talaga sakin 'to?"


He nodded"That's for you."


"Ganda. Ba ka ang mahal nito ha. Mag kano ba? Babayaran ko nakakahiya naman sayo."


"If i were you, i don't want to know how much the price is." Sabay tawa niya. Sinuot niya ang isa sa kabila kung paa. Tumayo ito sa pagkakaluhod at inalalayan para makatayo. Umikot ako dahil sa subrang ganda nito.


"Yabang mo ha. May kapalit ba 'to? Ba ka sa susunod na araw papatay mo ako." Pabirong sabi ko dito. Umupo ulit ako para buharin ang heels at binalik sa box nito.


"Hindi kita ipapatay hindi naman ako ganun klaseng tao." Seryosong sabi nito. Parang kinabahan naman ako dun sa sinabi niya. Nakakapanindigbalahibo. "I'm a good boy." Napangiti naman ako sa huli niyang sinabi.

Probinsyana Girl (Calinog Series #1)Where stories live. Discover now