Kabanata 32

28 2 0
                                    

KABANATA 32


KINABAHAN ako nang malala sa narinig kung boses sa kabilang linya. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko.


"Sky. Are you still there?" Tanong ng boses sa kabilang linya.


How? Where?


"Oh my goodness."


"Martin. Put some clothes, you idiot." Saad ng nasa kabilang linya.


"Wait." Then the call end.


He is with someone. Kailangan pa bang iparinig nito sakin? Anong papamukha niya sakin?


Ilang araw na simula nung tumawag siya at hindi na muling tumawag.


Sabado ngayon at nag iimpake kami ni Maya ng gamit namin. Bukas na ang alis namin pabalik sa Calinog.


"Maya yung importanting gamit lang ang dalhin mo. Para hindi na tayo mahirapan." Saad ko kay Maya habang nag iimpake ito ng gamit niya.


"Opo. Nga pala, Ate."


"Bakit?" Tanong ko habang naglalakad na may dala-dalang isang box ng mga damit.


"Yung ibang gamit ko na maiiwan. Bigay na lang natin kila Aling Nira. Alam kung magugusto niya iyon." Nakangiting saad ni Maya.


"Pwede. Mabuti nga at naisip mo 'yon. Sige. Lagay mo dito yung mga gamit na ibibigay mo para bukas idadaan natin sa kanila."


Tumango ito at tinuloy ang ginagawang pag iimpake.


Alas dose na natapos ang pag iimpake. Pina una ko na si Maya sa pagtulog dahil maglilinis muna ako ng buong bahay bago namin iwan ito. Halos anim na taon din kaming nauupahan dito. At maraming iyakan at tawanan ang naganap sa bahay na ito.


Isa sa mga nakakaalam ang mga masasakit na dinaanan namin sa loob ng anim na taon ay ang maliit na sofa na nasa harap ko.


"MADAM, mag babayad kami sa susunod na linggo. Wala pa ho akong sahod ngayon." Pag-mamakaawa ko sa may-ari ng bahay na inuupahan namin. Pinipigilan ko lang tumulo ang luha ko.


"ILANG LINGGO PA! SAWANG-SAWA NA AKO SA KAKABALIK DITO. PAULIT-ULIT NA LANG!"


"P-pangako po. Sa linggo m-magbabayad na kami ng dalawang buwan naming upa."


"DAPAT LANG, AT PAG HINDI PA! KAKALADKARIN KO KAYONG MAGKAPATID AT SA BARANGAY TAYO MAKIKITA!!" Sigaw nito sa mukha ko.


"Opo." Isang salita lang ang lumabas sa bibig ko.


Probinsyana Girl (Calinog Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin