Welcome Party

2.1K 9 0
                                    

Chapter 20

Welcome Party

"Parteeey?" They both chorused.

"Yeah."

"SURE!" Nagtatatalon sila sa saya.

Party people. I smiled from knowing na may kasama na ko sa partyng yon. Well, isa lang namang gagawin nila dun eh. PAPA HUNTING. Kaya ang saya saya nila.

Inimbita nila akong magmalling para raw makabili ng isusuot. Pero umayaw ako, dahil nga sabi ni mama tuturuhan niya ko kung pano magparking. Sumama naman yung dalawa at ang nangyari ngayon. .

"Tita, ako rin. Turuhan mo kong magdrive!" Nonoko

"AKO MUNA!" Minji

"Hindi ako!" Nonoko

Nagpapaturo na sila kay mama. Napabuntong hininga si mama dahil dito. May bukas pa raw ulit. At naulit pa yung bukas. At naulit. Hanggang sa dumating ang Saturday.

"Ma, di ko kaya isuot to. Ang sexy. Eeks."

Tinignan ko yung tube part ng dress at hinila ito para tignan ang loob. Wala kong hinaharap. Tapos ganito yung suot ko.

"No, that's okay. Tignan mo sina Min Ji at Nonoko, feel na feel yung binigay kong dress."

Paanong di nila mafe-feel? Kung ganyang kasuotan ang gusto nila!

"Tsaka, hindi naman yan ang susuotin mo sa harapan ng mga tao. Paniguradong. . Papalitan yan ng lolo mo."

Yun naman pala eh. Bakit di pa ko magsuot ng matinong damit ngayon nang di na ko makapagpalit?!

"Waa. Sexy yaah." Sigaw ni Min Ji.

YEAH RIGHT. Oo na lang. Mga babaeng to.

Hinatid kami ng limo na padala ni lolo. Then there goes mama. . pinapainom kami ng red wine na nandun. Sinubukan naman namin dahil sa napakalaking CURIOUSITY! Matamis pero may kung anong ibang lasa.

"Daan daan lang girls, okay? Sa party na pupuntahan natin mas maraming klaseng wine pa kayong matitikman."

"Yes ma'am!"

Nakarating naman kami dun sa pagdadausan nung party. The place looks familiar. . nakapunta na ata ako dito. Sa paglabas ko mismo ng sasakyan, kamuntikan pa kong matumba sa pagkakatayo dahil sa laki ng mansyong naroroon.

Nagkakandapa-dapa ako sa paglakad sa red carpet na bumungad sa amin. Ako na nakakahiya. Hollywood ata mga tao. Eek. Wrong. <strike>ata</strike>.

Di pa nga ko nakakamove on sa laki nung mansyon, walang tigil naman ang kalabit nina Nonoko at Minji sa akin.

"ANO?!" sabay turo nila sa isang magandang babae sa taas ng engrandeng hagdan.

"Seeing is believing, kids. That's really Drew Barrymore."

Jaw dropped. I can't believe this. Alam kong mayaman ang pamilya ko, but I never experienced this leisure. Waa. May mga hollywood star nga dito!

"Okay. That's enough. It's embarassing already. Sara niyo ng mga bibig niyo at sumama kayo sakin." Nakasunod kami sa likod ni mama ng bigla siyang tumigil after taking two steps.

"Except for you, Ara. Babe, go with Alisa." At iniwan nila ko dun na hindi man lang hinahayaang sumunod sa kanila.

What, who's Alisa?

Biglang sumulpot ang isang cute na babaeng naka-cocktail dress sa harap ko. Isang singkit at maliit na babae. Is she Alisa?

"Finally! Follow me, girl."

SNHSMWhere stories live. Discover now