S.H.S.M. 31 - Ending 01

2.2K 14 1
                                    

Chapter 30.

ENDING: DOUBTING A FEELING

I had a bad dream. A really bad dream. Pauwi na kami ni Cayle galing sa mall ng may humarang sa aming dalawang van. Bumaba sa mga van na yun ang mga lalaking may mga takip ang mukha. Nakalock yung pinto ng kotse ni Cayle nun kaya hindi nila mabuksan. Nagtatangka silang basagin ang salamin para buksan.. ganun nga ang ginawa nila. Kinaladkad nung lalaki si Cayle pababa habang nagpupumiglas si Cayle. Hindi ako makagalaw ng pumasok yung dalawang lalaki sa kotse. Yung isa sa may driver's seat at yung isa sa likod ng inuupuhan ko. Nakita kong pinalo si cayle ng isang lalaki gamit ang baril nito at ipinasok sa van.

Hindi ko na kinaya pa at nagsisisigaw ako dun. Pinapatigil ko yung kotse ng may itakip sa bunganga ko na nakakahilo. Dun na ako nawalan ng malay ...

ENDING 01. Doubting A Feeling

Gabi na at wala pa rin si kuya Cayle sa bahay. Natatakot na ako. Baka kasi may nangyari na sa kanya.. kasama pa naman niya si Yara. Hindi normal tong araw na ito.. tinawagan ako ni daddy.. sabi niya tuloy ang plano.

Alam kong mali yun. Kaya nga kanina ko pa tinatawagan si kuya kaso walang sumasagot. Umatras na ako sa plano dahil kahit na hindi ako yung totoong kapatid ni kuya Cayle, tinanggap niya ako.

May palagay narin akong alam niya na hindi ako si Chloe. Nako-kontrol ko na ang sarili ko.. hindi na bumabalik yung isa pang ako.

# SFX: BLAAG!

Nakabasag pa ako ng vase. Ano ba yan.. ang sama ng kutob ko sa gabing ito. Kaylangan kong tawagan si daddy..

Walang sumasagot. Ring lang ng ring yung telepono. Wala siguro siya sa bahay.. pero at least, may sumagot man lang. Yung cellphone naman niya, mukhang nakapatay.

Pinulot ko na yung basag na parte ng mga vase. Nagtataka pa nga si Joon ng makita niya akong tinatapon yung basag na vase. Dinaanan niya lang ako, kumuha ata siya ng tubig galing sa ref.

Siguro darating rin sila mamaya. Wala parin naman si kuya Keith.. siguro magsasabay silag tatlo. Panatag ako kapag silang tatlo. Walang magagawa si daddy kung ganun. Itutulog ko na lang to, baka bukas makita ko ulit sila.

" Cayle?! Cayle! "

Naririnig ko sa labas ng kwarto ni kuya Cayle. Sa kwarto pala niya ako nakatulog.. bumangon kaagad ako para buksan ang pinto. SI kuya Keith, mukhang galit at hinahanap ata si kuya Cayle.

" Nasaan ang kuya mo?! "

" Ewan.. pasok ka muna. "

Kinusot kusot ko yung mga mata ko. Hindi pa nga umuuwi si kuya. Lalo tulopy ako natakot. Nasaan na ba sila? Baka naman .. sana naman hindi.

Pati si kuya Keith hindi mapakali. Pinasok niya yung kwarto na tinulugan ko at mukhang hinhanap kung nandoon ba si kuya Cayle. Ng wala siyang makita.. umalis rin siya agad.

Nagpalit na ako sa uniform ko at bumaba para sa breakfast. Wala si kuya Cayle.. pati na rin si Yara. Pagkatapos ng breakfast, nagsilabasan na. Sabi ng ibang reperesentative.. hindi umuwi si kuya Cayle at Yara. Kaya pala ganun kung umarte si Keith.

Pumunta ako kina Alisa at doon tumambay. Nanood lang ako dun sa tv niya at silang dalawa ni Mico. May pinaguusapan sila.. tungkol ata kina Yara at Keith. HIndi ko naman naiwasang makinig..

" Hindi umuwi si Yara. Nacheck na ni Keith sa kwarto niya.. pati na nga rin si Cayle "

Pati pala si kuya kasali..

" And Keith's suspecting them na nagtanan sila?! "

Naisip ko rin yun kagabi.. pero hindi magagawa ni kuya Cayle yun. Sabi niya sa akin.. mahal niya si Yara pero hinding hindi niya aagawin kay kuya Keith si Yara.

SNHSMWhere stories live. Discover now