Chapter 16: Rankers

13 0 0
                                    


Nathan's POV

Tic.. tok.. tic.. tok.. tic.. tok...

Paulet-ulet kong naririnig saking isipin ang animo'y tunog ng isang orasan habang dalawang ulet nang binabasa ang huling question sa test paper na nasa harap ko. Isa itong scientific question about sa materials ng inner layer ng earth na kailangan gawan ng formula upang makuha ang value nito

"2 minutes!" Sambit ni sir Toledo mula sa harap at nag simula nang tumayo upang lumibot sa loob ng classroom.

Muli akong napatingen sa digital clock na nasa harap. Matinis ang pagkakulay pula ng ilaw ng mga numero nito na siyang mas nagbibigay tensyon sa natitira nalang na mga minuto para sa test na sinasagutan namin ngayon.

'10:29' sambit ko sa isip ko nang makitang isang minuto nalang ang natitira para masagutan ko ang last question

Saglit akong napatingen sa taong nasa harap na siya din palang nakatingen sa direksyon ko. Nagsalubong ang aming mga mata ni sir Valdez. Ramdam ko ang lamig sa mga tingen nito na siyang tumatagos sa kaluluwa ko. Muli kong binalik ang mga mata ko sa test at seryosong hinarap ito.

'ah bahala na!' iritableng sambit ko sa isip ko at nag simulang mag sagot kahit hindi ako sigurado sa sinusulat ko. Maniniwala nalang ako sa kasabihang may himala

"Okay, time's up! Turn your papers upside down and leave it on your desks for the first 30 minutes break. I will collect it afterwards." Seryosong sambit ni sir Toledo na siya namang sinunod ng section c

Saglit kong pinagmasdan ang formula na ginawa ko sa last question na siyang nagbigay saglit ng sakit ng ulo ko. Marahan ko itong binaliktad sa table ko at nagsimula nang tumayo. Sandali akong napatingen muli sa direksyon ni sir Valdez at gaya ng inaasahan ay nakatingen pa din ito sa direksyon ko bago nag simulang tumayo at dumiretso na palabas ng room

"What's his problem?" Mahinang tanong ni Alisha nang makalapit ito sakin. Nakatingen den ito sa pintuan at mukhang pinagmasdan den si sir Valdez gaya ko

"I don't know, but I don't feel good about it." Sagot ko dito nang binaling nito ang tingen sakin.

"Anyway let's continue our—" hindi na naituloy pa ni Alishia ang sasabihin nito nang biglang banggain ito ng maliit na otaku na kaklase namen. Oo siya yung gustong gawin akong sensei.

"So, Nathan tama ba? Anong pakiramdam nang matapos mo ang mga unang tests? Nakakakaba ba? Nag ooverthink kana ba? Or nae-exc—" Muli ay sinipa nanaman ito ni Alishia palayo na siyang nag patigil sa interrogation nito sakin

"Ang daldal mo! Daig mo pa jowa kung mag tanong ng update e" Naririnding sambit ni Alishia dito na siya namang nagpatawa kay Hannah na ngayon ko lang napansin na nasa tabi ko pala

"So yeah Nathan ituloy na naten yung kwentuhan naten—" Pagtutuloy ni Alishia sa sasabihin ngunit gaya kanina ay naputol nanaman ang sasabihin nito nang kapitan ni Hannah ang braso nito at pahablot na hinila palapit

"Hindi pwede, kailangan kumain ni Nathan mahirap mag sagot ng test ng gutom." Sagot ni Hannah sa nag tatanong na mga mata ni Alishia dito. Sumang ayon naman ang iba naming kaklase na ngayon ko lang den napansin na nakapalibot samin. Ang Otaku na hindi ko pa den alam ang pangalan, at isa pang lalaki na kasama rin nito kanina at sa di inaasahan ay nakadikit na den samin si Pres. Oo ang SSG president.

"Sorry to break into you guys," pagsisimula ni Elizabeth sa sasabihin
"Pero kailangan ko kayong samahan. Dahil kailangan kong bantayan si Nathan bilang SSG president ng school." Pag tatapos nito sa walang emosyon na tono at nakatingin lang ng diretso sa gilid nito na animo'y iniiwasan ang mga mata namin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Six Sense StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon