Flawless

20 1 0
                                    

Hindi ko alam kung saan magsisimula, pero isa lang ang panigurado ako-kinakabahan ako dahil heto na nga't naglalakad na ako sa pasilyo ng gusaling papasukan ko ngayong araw at sa mga darating pa.

Hindi naman ako kinakabahan dahil may pasok na. Nakakakaba lang kasi parang wala akong mukhang maihaharap sa mga kaklase ko kahit na may iilan naman na sa kanila ang kilala na ako.

"Hui." Napa-angat ang tingin ko sa humarang sa dinaranan ko na muntikan ko nang mabangga.

"Oh? I-ikaw lang pala." Napakamot ako sa batok ko nang kumunot ang noo nitong kaibigan ko.

"Akala ko sasabay ka kanina, e. Kasi 'yon ang sabi mo," sabi niya bago ako sinabayan sa paglakad. Wala na siyang bitbit na bag kaya naisip kong baka nasa silid-aralan na namin 'yon.

Pagpasok namin sa kwarto, kaagad kong hinanap ang lugar na malapit sa bintana dahil alam kong mas magiging komportable ako ro'n kaysa sa ibang lugar.

"D'yan ka na?" Tanong ng kaibigan ko na tinanguan ko naman at bahagya siyang nginitian.

Umupo na rin siya katabi 'yung mga kaibigan niya na mas matagal na niyang kilala kaysa sa'kin. Ayos lang naman 'yon, 'di ko rin naman siya pinipilit na samahan ako palagi. Kapag papasok lang talaga.

"Hi." Pagkatingala ko sa kung sino 'yon, parang gusto ko agad lumipat ng pwesto. 'Di ba pwedeng itabi na lang ako sa teacher?

Laking pagpapasalamat ko na lang na dumating na si Ares kaya natawag ko pa siya bago ako tumayo at lumipat sa tabi niya.

"Ang aga mo naman." Medyo masungit na sabi niya bago inilagay sa upuan niya ang bag niya.

"Halos kadarating ko lang din, e." Umupo ako kaagad sa tabi niya kahit na siya na 'yung sa tabi ng bintana, medyo malapit din naman kami sa harapan.

"May na-notes ka?" Tanong niya na tinanguan ko ng bahagya. "Nagreview ka?"

Umiling ako sa pangalawa niyang tanong. "Tinatamad ako, e."

..-. .-.. .- .-- .-.. . ... ...

Nagsisimula na ang klase namin nang may pumasok pa na estudyante. Mukhang na-late ng gising 'to, a.

"Sorry po, I'm late. Traffic po sa labas." Paliwanag nito na tinanguan ng current teacher namin at pinaupo na siya.

Siya rin siguro 'yung nalate sa online class noon.

Bumaling ako kay Ares na kuryoso rin ang mukha habang nakatingin sa lalaking pumasok.

He's tall and he wears eyeglasses. Hindi pa naman kami required na mag-full uniform dahil first semester pa lang naman kaya siguro naka-poloshirt s'ya. He looked flawless.

Nagsimula na rin naman na ang pagdidiskusyon ni Ma'am Grazia sa mga dapat niyang ituro sa amin.

May pa-long test pa ata siya mamaya. Paano kung bumagsak ako?

..-. .-.. .- .-- .-.. . ... ...

"Okay, pass your papers in front para makapag-check na tayo." Kaagad namang nagpasa ng papel ang mga kaklase ko at kaagad naman ipinamigay ng teacher namin 'yon sa mga kaklase namin.

Hindi ko man kilala 'yung chine-check-an ko ng papel, pero Eros ata name niya.

That name looks so cute. Parang si Cupid lang.

Sadly, I did not get the highest score, but at least, I got the next highest.

Nagbigayan na halos lahat ng kaklase ko ng papel nila, pero 'yung sa akin ay wala pa. Hindi ko rin alam sino 'tong Eros na 'to.

Eros and PsycheWhere stories live. Discover now