Restless

2 1 0
                                    

TW: Abuse

.-. . ... - .-.. . ... ...

It feels like someone has been following me since morning, but I couldn't figure out who it was.

Kanina pa ako kinakabahan kahit na nandito na ako sa loob ng opisina ko, pero nawala lahat nang 'yon nang may matanggap akong text mula sa taong gusto kong makausap simula nu'ng isang buwan.

Finally! Nagparamdam na rin siya.

From: Psyche

Can we meet later? I have something to tell you. Sa park kung saan tayo tumatambay dati 'pagkatapos ng klase. 5 PM. Don't be late.

Napakunot ang noo ko nang mabasa 'yon. She hated that park. Why the hell did she want me to go there? Hindi nga siya nagparamdam nang mahigit sa isang buwan tapos may ganito akong matatanggap na message galing sa kan'ya?

.-. . ... - .-.. . ... ...

"Oh, saan ka na naman pupunta?" Tanong ni Mama nang makitang nagmamadali akong umalia ilang minuto pagkauwi ko sa bahay.

"Sa may Capitol, Ma. May aasikasuhin lang," sabi ko bago humalik sa pisngi n'ya at saka na dumiretso ng alis.

Pakiramdam ko, naghahabol ako ng oras. Na baka hindi n'ya ako hintayin kasi male-late ako.

Dinaanan ko na halos lahat ng daan na pwede kong daanan mapabilis lang 'yung punta ko ro'n.

I still have five minutes left, that's why I decided to sit down on our usual spot here.

I got my phone out of my pocket to message her that I am already here and I will wait for her.

"Magpakita ka, please. Kailangan din kitang makausap." I whispered while staring at her smiling pictures with me.

She looked so happy and content here-like what she always says, but I, on the other hand, can't even give him the assurance that she needs.

I saw a figurine of her and rushed towards it, but before I could even touch her, it vanished.

Napakunot ako ng noo nang maramdamang may panyo na na tumatakip na sa ilong at bibig ko.

"Ang dali naman palang makuha ng anak ni Gov, e." Dinig kong sabi ng kung sino bago tuluyang mawalan ng malay dahil sa amoy ng panyo na naamoy ko ngayon.

.-. . ... - .-.. . ... ...

Nagising ako dahil sa sigaw ng isang babaeng parang kanina pa nila sinasaktan.

"Bakit n'yo pa ba s'ya kinuha? Akala ko ba-ah!" She's sobbing while at the same time, she's being beaten like a dog who Satan caught. "Sabi n'yo, okay na-ah-ako lang?"

My eyes were still blurry, but I could clearly recognize the owner of the voice.

"Pakawalan n'yo na s'ya, pakiusap." She started crying. "'Wag n'yo na siyang galawin."

May tumawa mula sa kung saan, pero dahil nakagapos ako, hanggang tingin lang ang kaya kong gawin.

"Pakakawalan namin siya pagkamatay mo." Iminwestra n'ya ang kamay n'ya dahilan para mapatingin ako sa harapan ko.

It was her. The one I had been waiting for a month to message me, to ask me when I would be free so we could study together for business or just search for books that she wanted to read.

She was being beaten with a long and thin stick at her back while tied into the wall using chains.

"Ta-tama na..." nanginginig ang boses na sabi n'ya dahilan para magkuyom ang dalawa kong kamay.

Eros and PsycheWhere stories live. Discover now