Kabanata 20

194 6 1
                                    

Kabanata 20






Umiiyak si Faith at hindi makausap ng maayos nina Tita Casmin. Bakas din ang pagod sa kaniyang mukha kaya pinagpahinga na muna siya bago kausapin.

Pinasadahan ko ng tingin ang kabouhan ng mukha ni Faith na ngayon ay mahimbing na natutulog.

Namumugto ang ilalim ng kaniyang mata at namumula ang kaniyang ilong dahil sa ginawang pag iyak sa boung mag damag.

Ang ipinagtataka ko lang ay bakit niya sinabi 'yon? May nangyari bang hindi namin alam? Pero paano naman namin malalaman kung wala siya dito? Siguro sa kanilang dalawa ni Abraham ay mayroon.

Nagbaba ako ng tingin. Ayaw kong bitawan si Adonis kahit pa man ay nanliligaw pa lamang ito sa akin. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba tungkol sakin dahil handa akong tanggapin ang lahat ng 'yon huwag lang kaming magkalayo. At wala din namang rason para patigilin ko siya.

Pero hindi ko hawak ang mga pangyayari. Kaya paano ako makakasiguro na hindi ako magpapadala sa mga sasabihin nila?

"Umiiyak siya habang binabanggit ang pangalan mo Miriam. " biglang nag salita si Tita Casmin na nasa tabi ko at gaya ko ay pinagmamasdan niya din ang anak niya.

Dahil sa sinabi niya ay naagaw niya ang atensyon ko. Napatingin ako sa kaniya. "P-po? " gulat kong tanong.

Hinawakan ni Tita ang kamay ng kaniyang anak at tinitigan ito sa mukha. "Binabanggit niya ang pangalan mo at umiiyak pa siya habang sinasabi na pigilan ka daw namin. Pero ang ipinagtataka ko lang ay bakit? May ginawa ka bang hindi namin alam at kinahuhumalingan mo ngayon? "

Naestatwa ako sa kinauupuan ko at para akong nawalan ng kulay habang nakatingin kay Faith.

Nawala lang sa kaniya ang atensyon ko dahil sa sumunod na sinabi ni Tita.

"At binaggit din niya ang pangalan na Adonis... " at doon na ako tinakasan ng bait dahil sa sinabi niya. "Kilala mo ba siya? " tanong ni Tita ng mapansin ang pagkatulala ko sa kawalan.

Nagbaba ako ng tingin at dahan dahang umiling. Shit! Hindi ko makuha kuha ang pinupunto ni Faith! At paano niya nalaman ang tungkol sa'min ni Adonis? At nanliligaw pa lang naman sakin si Adonis. Pero ang ipinagtataka ko lang ay paano niya nalaman na may something sa 'min ni Adonis?

"Pakawalan niyo ako! " nabulabog ni Abraham sa kaniyang sigaw ang boung tao rito sa hacienda maging sa labas.

Galit na galit siya at kuyom na kuyom ang kamao habang matalim na nakatingin sa 'ming lahat.

"Palabasin niyo si Faith! Mag uusap kami at magpapaliwanag ako! " nataranta ang lahat nang maglakad ito patungo sa pintuan, sa direksiyon namin.

Ngunit bago pa man siya makarating ay sinalubong siya ng kamao ni Cedrix at sa lakas nang pagkakasuntok sa kaniya ni Cedrix ay napahiga siya sa sahig.

Napatakip ako ng bibig sa gulat at akmang lalapitan ko na si Abraham nang hilain ako ni Tita Maureen papalapit sa kaniya kaya hindi ako nakaalis.

Pinilit kong makawala pero mas humigpit lamang ang pagkakahawak niya sa braso ko at dahil sa masakit ay huminto ako at walang ibang nagawa kundi ang panuodin si Abraham na pinagtutulungan ng mga may galit sa kaniya. Mga matang puno ng awa.

"Cedrix! " napasigaw ako ng bigla itong maglabas ng patalim.

Nanlaki din ang mata ni Abraham at napaatras ng wala sa oras.

Nakikita ko din ang takot sa kaniyang mukha ngunit pinatatag niya ang sarili para lang lumaban, para kay Faith.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita pa rito! Gago ka sinaktan mo ang kapatid ko! Putangina ka! " nanggagalaiting sigaw ni Cedrix at bigla nalang tumakbo sa direksiyon ni Abraham upang itarak ang patalim.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon