Kabanata 21

145 8 0
                                    

Kabanata 21





Dahan dahan akong pinaupo ni Adonis sa duyan na nasa ilalim ng puno.

Humawak ako sa duyan upang matulungan din si Adonis na maalalayan ako.

Kahit madilim ay nakita ko ang pag tingin nito sakin. "Dito kana mona kukunin ko lang ang mga gamot para sa sugat mo. " tiim bagang anito bago ako talikuran.

Nagkibit balikat ako, galit yata. Ginalit mo na naman kasi, Miriam!

Hindi naman ako naghintay ng matagal sa labas dahil nakarating kaagad si Adonis. Hindi lang mga gamot sa sugat ko ang dala niya, dahil may dala din siyang kumot.

Napakunot ang noo ko. Magtatanong pa sana ako kong para saan iyon ng ilagay niya iyon sa likod ko patungo sa magkabila kong balikat.

Tinignan ko siya. Seryoso lang niya akong tinignan at tumingin sa kumot na nakayapos sakin.

"Malamig, baka magkasakit ka pa. " seryosong sabi nito na ikinaiwas ko ng tingin.

Sinimulan na niya ang pag gagamot sa sugat ko. At sa tuwing inilalapat ni Adonis ang bulak na may betadine sa sugat ko ay napapaatras ang paa ko dahil sa hapdi.

Napansin iyon ni Adonis kaya nagsalita ito.

"Akala ko ba kaya mong tiisin ang sakit? " mapait nitong sinabi na ikinatigil ko.

Pumungay ang mata ko at biglang namasa ang mga mata. Napaiwas ako ng tingin at yumuko.

Panandaliang hindi kumilos si Adonis. Nagulat nalang ako ng marahan niyang hinawakan ang gilid ng aking sugat.

"Sobrang sakit ba? " malambing na ang boses nito kumpara kanina na malamig.

Dahil sa pagiging malambing ng kaniyang boses ay bigla nalang nagsitulo ang mga luha ko at mabilis ko iyong pinunasan.

Tumango lang ako. Pakiramdam ko kasi kapag nag salita ako ay malalaman niya na umiyak ako.

Napatingin ako sa kamay niya nang hawakan niya ang kamay ko at iginaya ito patungo sa kaniyang balikat.

Naguguluhan ko siyang tinignan. "Maari mong ibuntong sakin ang sakit kapag ipapahid kona ang bulak na may betadine sa sugat mo. " malalim ang boses na sinabi nito habang marahang hinahaplos ang gilid ng sugat ko na ngayon ay namumula.

Napakagat ako ng labi ng wala sa oras at dahan dahang tumango.

Napangiti siya at tumango. "All right, magsisimula na ako ha? "

Dumiin ang ngipin ko sa aking labi ng maramdaman ko na naman ang hapdi sa aking sugat ng idikit muli ni Adonis ang bulak sa sugat ko.

Humigpit din ang hawak ko sa balikat ni Adonis. Tinitignan ko ang mukha niya at nag aalala na baka siya ay masaktan ko. Pero wala akong nakitang bakas ng sakit sa mukha niya. Dahil seryoso siyang nakatingin sa sugat ko na maingat na ginagamot.

Ngumi-ngiwi pa siya sa tuwing naririnig ang impit kong pagdaing.

Lumuwag ang pagkakahawak ko sa balikat ni Adonis ng matapos na siya sa pag gagamot sa sugat ko.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at napasandal sa duyan ng wala sa oras.

Nararamdaman ko pa ang malapot na pawis sa aking leeg at noo. Minsan talaga ayaw ko na nagkakasugat ako, dahil ayaw ko talaga sa betadine.

Naidilat ko ang mga mata ng may isang magaspang na bagay ang dumikit sa leeg ko.

At nang mabuksan ko ang mga mata ay unang lumanding ang tingin ko sa kamay ni Adonis na may hawak hawak na panyo na ngayon ay nasa leeg ko.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon