Kabanata 22

148 6 0
                                    

Kabahan 22







Binaba ko ang tasa sa lamesita at tinignan si Dante na nasa harap ko at nakaupo sa isang upuan, tahimik siya habang pinapanuod ang bawat galaw ko.

Nag iwas siya ng tingin nang magkasalubong kami ng tingin. "May kailangan kaba? " tanong niya at tumikhim.

Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga bago mag salita. "Oo. Gusto lang kasi kitang makausap... " tumango siya sa naging sagot ko na tila pinapahiwatig na ipagpatuloy ko pa ang iba ko pang sasabihin.

Tumikhim ako at seryosong tinignan si Dante. "Gusto kong itigil mo ang kasal. " walang paligoy ligoy kong sinabi.

Natigilan si Dante sa naging sagot ko. Nagulat ako ng mapansin ang kawalan ng emosiyon sa mukha nito. "Bakit gusto mong ihinto? Dahil ba kay Adonis? " Wala ding paligoy ligoy na tanong nito.

I bit my lower lip. Hindi nakaimik. At hindi alam kong anong sasabihin. Dahil tama naman siya. Pero hindi lang para kay Adonis, dahil para rin sa kaniya.

Panandalian lamang akong hindi nakaimik. Dahil kong hahayaan ko ang sarili na hindi makapagsalita ay paano ko masosolusyunan ang problemang ito?

"Hindi. Dante, ayaw ko lang na masaktan ka at ayaw ko na may pinapaasa akong tao. " mahinahong paliwanag ko at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

Inikot nito ang daliri sa labi ng tasa at tumingin sakin ng malamig.

"Hindi puwede. " seryosong wika niya.

Napakunot ang noo ko, at nalito. Ngunit nginitian lang ako ni Dante at bumalik ang magaan nitong aura at nawala na ang bigat doon di kagaya kanina.

"Hayaan muna lang kami sa gagawin namin. Miriam. Dahil para rin ito sa ikakabuti mo. " makahulugang sinabi nito at saka ako binigyan ng isang matamis na ngiti at sumimsim sa tasa nito.

Natigilan ako. Bigla ay gusto kong malaman ang dahilan nila. Tama nga ang hinala ko. Alam kong may rason si Kuya kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito sakin.

Napatigil ako sa paglalakad patungo sa kwarto ko ng mapansing nakabukas iyon at nagkakagulo sina Mama La, nasa labas ng kwarto ko ang mga kasambahay at makikita sa mga mukha nila ang pagkataranta.

Umiiyak pa si Mama La habang binabanggit ang pangalan ni Kuya at tila pinipigilan ito.

"Venezio itigil mo na iyan! Huwag mo namang ilayo sa amin si Miriam! " pagmamakaawa ni Mama La kay Kuya, natigilan ako at parang nabuhusan ng malamig dahil sa narinig.

Naghiwalay ang mga labi kong nakadikit. Ilalayo ako ni Kuya kay Adonis!

Nag mamadali akong tumakbo papunta sa kwarto ko. Naagaw ko pa ang atensiyon ni Mama La kaya maslalo itong umiyak.

Nasa bungad ako habang pinapanuod si Kuya na nilalagay ang mga damit ko sa maleta ko.

"Kuya! " tumaas ng bahagya ang boses ko.

Tumigil siya sa pag iimpake at bahagya akong nilingon.

Saglit lang 'yon dahil bumalik din siya sa pag iimpake. Naluluha na ako. At hindi nadin alam ang gagawin sa pagkakataong ito. Hindi ko din alam kong paano ko mapipigilan si Kuya, kilala ko ang Kuya hindi siya titigil hanggang't hindi niya natatapos ang gusto niya. Katulad din siya kay Tita Maureen. Madumi kong maglaro.

Nanginginig ang kamay kong pinigilan si Kuya ngunit marahas lamang nitong kinabig ang aking kamay.

Wala padin akong takas sa lakas ni Kuya. Pakiramdam ko isa akong lamok dahil sa ginawa niya, lamok na salot sa gabi. Teka bakit napunta sa lamok ang usapan?

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon