Kabanata 23

144 6 0
                                    

Kabanata 23







Inalalayan ako ni Adonis na makababa ng bangka, kinuha pa nito ang bag na siyang dala dala ko para makababa ako ng maayos.

Bag nalang ang dala ko dahil na sa g'wardiya ang maleta ko. May nalagay naman akong mga damit sa bag na nadala ko kahit papaano.

Sinuyod ko ng tingin ang islang pinaghintuan namin ni Adonis.

Malaki ito, at kong hindi ako nagkakamali ay Daram ang pangalan ng islang ito. May mga baryo ito, hindi ko alam kung tatlo ba hindi ko lang alam baka higit padun. Hindi naman kasi ako nakakalabas sa Calbayog, naririnig ko lang ang lugar na ito na binabanggit ng mga matatanda.

Lumingon ako sa dagat na nasa likod ko. May nakita akong matayog na bato sa di kalayuan, at kong hindi ako nagkakamali ay iyon ang Kandiwata rockformation, dalawa sila, pero hindi ko alam ang pangalan ng isa which is malapit lang sa kinaroroonan namin ngunit malayo layo ng kaonti. Malapit na malayo.

"Tara na? " tanong sakin ni Adonis at pang-aagaw sa atensiyon ko.

Nilingon ko siya at tumango, siya ang na unang naglakad pinantayan ko lang siya.

"May kakilala ka dito? " tanong ko habang hindi padin tumitigil sa pag suyod ng tingin sa lugar.

"Oo. Ang tiyahin ko, mabait naman 'yon lalo na sa mga babae. Wala kasi silang anak na babae, puro mga lalaki?" paliwanag niya at nagkibit balikat.

"Bakit parang dika sigurado? "

Nilingon niya ako at kinunutan ng noo.

"Anong hindi sigurado? " natatawang tanong niya na ikinatingin ko bigla sa kaniya.

"Na puro mga lalaki ang anak ng tiyahin mo? "

Napatango siya at nag hiwalay ang mapupula nitong mga labi. "Ah. Ayon ba? Ayaw ko kasi sa lalaki, hindi ko gusto ang mga pinsan kong lalaki. Kilala ko sila, mga babaero ang mga iyon. May pinagmanahan. " tila tinatamad nitong paliwanag.

Tumango ako at hindi pinansin ang katamadan sa boses nito.

Bumalik sa pagkakakunot ng noo nito at hinusgahan ang pagtatanong ko. "Bakit makikipag usap ka sa kanila? " nag dilim ang mukha nito bigla at tila labag pa sa loob na itanong iyon.

Tinaasan ko siya ng kilay. Bigla na naman kasing nag bago ang mood niya, daig pa niya ang isang babae. Siguro nag se-selos na naman ito, tsk. Seloso pala ang isang Adonis.

"Siyempre pinsan mo sila. " palusot ko, pero ang totoo ay ng iinis ako.

Biglang nairita si Adonis. "Di porque pinsan ko sila ay kakausapin mo na sila? " may bahid ng iritasiyon sa boses na tanong niya sakin.






Pinalobo ko ang pisngi sa pamamagitan ng aking dila. Minsan talaga hindi ko matiyansa ang pagbabago ng mood ni Adonis, mas mabilis pa siya sa kidlat kung mag bago ng mood at mag selos.

Mahina kong pinalo ang braso niya kaya nainis siya lalo at hindi ako pinansin.

Napanguso nalang ako dahil sa naging reaksiyon niya.

"Pinsan mo pa din naman sila. At hindi maiiwasan ang 'di sila kausapin kung makikipag usap sila sakin. " paliwanag ko.

Hindi nag salita si Adonis ngunit nakasimangot ito.

"Edi sasabihan ko silang huwag kang kausapin. " mariing sabi niya at binilisan ang paglalakad.

I bit my lower lip. At hindi makapaniwala sa sinabi ni Adonis. Natatawa ako. Hindi ko alam kung kay Adonis ba o sa sarili. Paano ba naman kasi ay patuloy kopa ding ipinagtutulakan ang tungkol sa pakikipag usap sa mga pinsan niya gayong nagagalit na siya.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon