Kabanata 24

134 6 0
                                    

Kabanata 24





Inabutan ko ng isang baso ng tubig ang tiyahin ni Adonis na tinggap naman nito at mabilis na tinungga.

Tinignan naman ako ng anak niyang lalaki kanina na ngayon ay pinapaypayan ang ina.

Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Adonis na wala pading imik hanggang ngayon, pero masama ang tingin sa pinsang lalaki na umiwas ng tingin sa akin.

Napailing nalang ako dahil sa ginawa niya.

Huminga ng malalim ang kaniyang tiyahin at pumikit ng mariin. "T-talaga bang tinanan m-mo s-siya? " nauutal pa na tanong nito.

Hindi nag salita si Adonis ngunit tumango ito. Napapikit lalo ng mariin ang tiyahin niya at napahawak sa noo.

At tila namroblema pa nga. "Naku! Naku! Naku! Ano kaba naman Adonis?!Napagpapadala kadin sa kapusukan-" mabilis na pinutol ni Adonis ang iba pang sasabihin ng kaniyang tiyahin.

"Tiya. Hindi kapusukan ang tawag doon. Pagmamahal, pagmamahal po, tiya. " at binigyang diin pa ang huling sinabi.

Nag paliwanag nga siya, paliwanag na halos ikahimatay ng kaniyang tiyahin.

Pikit mata niyang tinuro ang pamangkin. "Naku kang bata ka! May pinagmanahan nga kayong dalawa ni Abraham! Manang mana kayo sa tatay niyo! " problemadong wika nito.

Hindi nakapagsalita si Adonis dahil alam niyang wala na siyang kawala.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nabigla ng bigla akong tignan ng kaniyang tiyahin. "Pinilit kaba nito? " at tinuro pa si Adonis.

"Tiya." Nasa boses ni Adonis ang pagtutol.

Umiling ako at ngumiti. "Hindi po. "

Ngunit hindi naniwala ang kaniyang tiyahin.

"Kinulam? " tanong nito ulit na ikinalaki ng mata ni Adonis.

"Tiya Emelda! " Naiiritang sita ni Adonis sa kaniyang tiyahin.

Hindi siya pinansin ng kaniyang Tiya Emelda.

Ngumiwi ako at umiling. "Hindi din po. " naiilang kong sagot at pilit na ngumiti.

Napa-agaw nalang ng pamaypay ang tiyahin ni Adonis ng wala sa oras dahil sa naging sagot ko.

"Diyos miyo marimar por santo! " problemado ang boses nito at tila hindi inaasahan ang magiging sagot ko.

Ngumiwi si Adonis dahil sa naging reaksiyon ng kaniyang tiyahin.

"Grabe kana, tiya. Parang pinagmumukha mo namang pangit ako dahil sa reaksiyon mo. " ngiwi nito.

Tinignan siya ng masama ng kaniyang tiyahin. "Aba'y nagulat lang naman ako! Hoy, Raphael Adonis Santiago! Huwag kang mag padala sa kapusukan at baka bigla kang sugurin ng mga kamag anak niyan at mapatay ka ng wala sa oras-" pinigilan ng binatilyo ang kaniyang ina.

Natigilan sa pagbubunganga ang tiyahin ni Adonis at napatingin sakin ng inguso ako ng kaniyang anak.

Hilaw akong ngumiti at nag iwas ng tingin.

Nakaramdam ako ng hiya pero mas nangibabaw ang pag aalala. Paano nga kung ipapatay nila Kuya si Adonis? Dahil sa ginawa niya ay baka dito na magbago ang takbo ng buhay niya.

Nagbaba ng tingin ang tiyahin ni Adonis at tila nakonsensiya. "Naku... Pasensiya kana, hija... Nag aalala lamang ako sa magiging kalagayan ng pamangkin ko. " mahinahong pahayag nito ngunit may bahid ng pag aalala.

Nginitian ko siya. "Ayos lang po. Naiintindihan ko naman po. " malumanay kong sagot at nagbaba ng tingin sa aking mga daliri at pinaglaruan ang mga ito.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon