Kabanata 25

178 6 0
                                    

Kabanata 25






Naabutan ko si Adonis na kinukuha ang lambat sa kusina nang makapasok ako sa loob.

Nagkasalubong pa kami ng tingin. Wala man lang emosiyon ang makikita sa mukha niya. Kaya napanguso ako, pinagkrus ko ang mgq braso at sumandal sa hagdanan.

"Saan tayo pupunta? " tanong ko na ikinahinto niya sa pag aayos ng lambat.

Nag angat ito ng tingin at tinaasan ako ng kilay.

"Mangingisda ako. Tutulong ako kayna Tiyo, at isa pa. " tumigil siya sa pag sasalita at umayos ng tindig at tinignan ako ng malalamig nitong mga mata. "Hindi ka sasama... "

Nawala ako sa pagkakasandal sa hagdanan dahil sa desisyon niya.

Nagsalubong ang kilay ko. "Anong hindi? Puwede naman. Manunuod nalang ako, o kaya ay babantayan ko ang puwesto mo. O kaya ay magiging life guard mo ako-"

Tumikhim si Adonis kaya napatigil ako sa pagsasalita. "Kaya kong mangisda ng mag isa, Miriam. At mangingisda ako at sanay ako sa hampas ng alon ng karagatan," seryoso man ngunit malamig na sinabi nito.

Natahimik ako at hindi kaagad nakakibo. Nakakaramdam ako ng kilabot sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko. Isa lang naman ang dahilan kapag tinatawag niya ako sa pangalan ko, galit siya.

Tumabi ako nang dumaan ito sa gilid ko. Hindi ko man lang namalayan na nakaharang na pala ako sa dadaanan niya.

Sumimangot ako at masama ang tingin sa likod ni Adonis.

"Bala ka diyan kapag ako sumama kayna Roque! " pananakot ko.

Huminto ito sa paglalakad. Hindi pa naman siya nakakalayo kaya narinig niya 'yon.

Nilingon niya ako at nakita ko ang salubong nitong kilay at tila hindi nagustuhan ang sinabi ko.

Napangiti ako at nilapitan siya. Puno ng kumpiyansa akong nag taas ng noo. Nasisiguro ko namang papayagan niya akong sumama sa kaniya. I know him, nagseselos siya kapag nilalapitan pa lang ako nina Roque, Rino at Roni. At alam kong hindi niya gugustuhing makasama ko ang sino man sa mga pinsan niya.

Sumimangot siya. "Hinahamon mo ba ako, Maria Trish? " At pinaningkitan ako nito ng mata.

Napalunok ako ng wala sa oras at nakaramdam ng kaba. Ngunit iwinaksi ko 'yon at nakipag matigasan.

"Hindi. Pero kaya kong gawin 'yon. "

Saglit na natigilan si Adonis. Maya't maya lang ay nag iwas ito ng tingin at napaawang ang labi.

Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga at halatang wala na siyang choice kundi ang isama ako. Dahil dalawa lang ang option, isasama niya ako o ako ang sasama kayna Roque.

"Halikana nga. " walang magawang sabi nito at nagpauna sa paglalakad.

Tumaas ang sulok ng labi ko at masayang sumunod kay Adonis.

Nakasando lang siya. At nakakainis 'yon. Dahil nakikita ang pagiging matipuno niya! At pinagpi-piyestahan 'yon ng mga kababaihan!

Matalim kong tinignan ang likod ni Adonis. Sana maramdaman mo!

Naiinis na ako kay Adonis. Para kasing wala lang sa kaniya na halos hubaran na siya sa tingin pa lang ng mga babaeng nakakakita sa kaniya.

Sa inis ko ay nagpauna ako sa paglalakad. Narinig ko pa ang marahang pagtawa ni Adonis kaya lalo akong nainis. Tumigil rin ako ng mag salita ito.

"Alam mo ba ang daan? " pigil na hindi siya matawang tanong niya. Pero alam kong nangaasar lang siya, gusto lang niya akong inisin!

Padabog ko siyang nilingon. Matalim ko siyang tinignan lalo na ng mapansin ko ang panunukso sa mukha nito. Kagat kagat nito ang pang-ibabang labi na tila nagpipigil na hindi mapangiti at nasisiyahang nakatingin sa naiinis kong reaksiyon.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon