Kabanata 26

140 6 0
                                    

Kabanata 26







Hindi natuloy ang pag punta namin sa Kandiwata dahil pa gabi na. Dahil mga ala singko y media na ng matapos na si Adonis sa pangi-ngisda.

At ibebenta pa niya sa suki nila sa Calbayog port ang mga isdang nahuli niya.

"Iuuwi na muna kita pagabi na, baka nagugutom kana din. " narinig ko pang sabi niya habang pinapaandar ang makina.

Mabilis akong umiling. "Hindi. Ayaw ko. Sasama ako sayo. Hindi pa naman ako nagugutom! " giit ko.

Huminto sa ginagawa si Adonis at nilingon ako.

"Hindi kasi puwede, Senyorita. Baka hindi mo magustuhan ang amoy doon. "

"Kahit na! " napatayo ako at bahagya pang umuga ang bangka kaya napaayos ng tindig ng wala sa oras si Adonis.

Nangunot ang noo nito. "Miriam huwag ngang matigas ang ulo. " malamig na ang boses nito.

Natigilan ako. Para din siyang si Kuya kung manita.

Itinikom ko na lang ang bibig at tinalikuran siya at bigong umupo at tumingin sa dagat.

Narinig ko pa ang pag tunog ng makina at naramdaman ang pag andar ng bangka.

Nanahimik ako at nilibang na lang ang sarili. Halata naman kasi sa itsura pa lang ni Adonis na ayaw niya talaga akong isama.

"Puwede pa namang ipagpabukas. " pagmamaktol ko habang nakasimangot.

"Hindi na siya puwede bukas. Dahil baka masira ang isda. " nilingon ko ang sumingit na si Adonis, nasa likod ko siya. Nakaupo habang nakasandal at nakatingin sakin ang malamlam nitong mga mata.

Inirapan ko siya. "Edi lagiyan mo ng yelo! " dahilan ko at lumabi.

"Kailangan kasi na maagang maibigay sa kaniya ang isda dahil ayaw niya na kapag binigay sa kaniya ay hindi na sariwa. "

"Anong hindi sariwa?! Para isang araw lang na hindi naibigay hindi na kaagad sariwa?! " halos pasinghal kong sagot, o talagang pasinghal talaga ang pagkakasabi ko.

Ginulo ni Adonis ang buhok ko at kinabig ko iyon at dahil sa ginawa ko ay marahan itong tumawa.

"Silly. Huwag ng makulit, Senyorita. Ihahatid na kita pauwi, hintayin mo nalang ako. " mabilis na nagpantay ang kilay ko dahil sa huli niyang sinabi at bigla ay parang nawala ang bigat sa dibdib ko.

Napasinghap ako. "S-sige." Nautal kong sagot.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtango ni Adonis at ibinigay ang atensiyon sa mga isda.

Inalalayan parin ako ni Adonis sa pagbaba sa bangka. Tumulis ang nguso ko at mabigat ang loob na tumingin kay Adonis na nasa harap ko at nakangiti sa nakabusangot kong mukha.

Ginulo nitong muli ang buhok ko. "Hintayin mo nalang ako, asawa ko. " sabi ni Adonis at ngumisi sabay halik sa noo ko.

Hindi ko inaasahan 'yon kaya hindi ako kaagad nakagawa ng kilos. At hindi ko din inaasahan na tinawag niya akong asawa.

Gulat akong napatingin kay Adonis na ngayon ay nasa bangka na at kumakaway sakin.

Kahit gano'n ay napangiti ako at ng mahimasmasan ay kinawayan ko din siya pabalik.

"M-mag iingat ka ha?! " tumango si Adonis at nakita ko pa ang pag alog ng magkabila nitong balikat at nagawa pa akong tawanan.

Kinakawayan ko pa din si Adonis hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon