Chapter 40

10 1 0
                                    

"Pumunta ka na 'nak sa kwarto mo. Magpahinga kana." Saad ni Mama sa akin habang binababa ang mga gamit na aming dala sa sahig ng aming sala.

Isang buwan na ang nakalipas at ngayon ay nakalabas na ako ng hospital.

Andito na kami sa bahay, di na sumama sina Rish at Vincent papunta dito.

"Ahm. Ma? Pa? May sasabihin po sana muna ako sainyo, kung ayos lang po." Lakas loob kong sambit. Mukha kasing di naikwento sa kanila ni Dok ang tungkol sa mga alaala ko.

Ayoko ng patagalin pa ito dahil alam kong hinihintay ni Rish na sabihin ko ito sa pamilya ko.

Hindi pa rin kami ayos, di lang namin pinapahalata sa pamilya namin. Humihingi na lang ng paumanhin sa akin ang boyfriend niya gayon din si Vincent na sinasagot ko ng tipid na ngiti.

Ayoko siyang pilitin na makipag-bati sa akin kung di naman bukal sa loob niya. Lalo na ngayon na maaari pang madagdagan ang inis o kaya'y maging galit na nga sa mga gagawin ko sa susunod pang araw.

The more the day comes fast by, pain and bitterness already lingering in me.

"Sure Sweetie.. what is it? Do you want to buy or eat something? Magpapautos ako." She said with concern.

She also hold both of my hands.

"Hindi po Ma.. May aaminin lang po sana ako sa inyong lahat." I said at isa-isa silang tiningnan.

"Mukhang seryoso yan 'nak. What do you want to say?" Papa ask curiously with a furrow brows.

Inaya ko muna silang lahat maupo. Ako ay naupo sa single sofa na nakaharap sa mahabang sofa where my parents and some siblings sit while the others is just standing at the back of them.

I let out a sigh first before starts to speak.

"Naaalala ko na po lahat." I prankly said, wala ng paligoy-ligoy pa.

Hinintay ko ang magiging reaksiyon nila ngunit tanging pagtataka lamang ang nakita ko.

"Ha? Ano po ang ibig sabihin mo ate?" Louie ask.

"The memories that I've lost. I already remember everything." I announce again to make it clear.

And as I said those, they all gasp. I just made my face normal while waiting to what will they say.

"Kailan pa?" Papa ask in a hard voice.

"After I awake." I simply said. They already understand what I meant.

"May nakakaalam na ba?" He ask again.

Ang mga kapatid ko ay nakikinig lang habang si Mama ay nagpipigil ng iyak. Kita ko na rin sa mukha nila ang takot, lungkot, kaba, at iba pang emosiyon na di ko ulit mapaliwanag except lang sa dalawa kong maliit na kapatid na inosente lang na nakatingin at nakikinig sa amin.

"Opo. Sina Vincent at Rish." Pagtatapat ko.

"What?! So, kami pala ang huling nakaalam?! Kung hindi ka pa pala nakalabas ng ospital, hanggang kailan mo sa amin itatago iyan?! Hindi man lang sa atin sinabi ni Rish?!" Galit na saad niya.

Tama nga ako, magagalit sila. Ano pa kaya ang gagawin nila?

"Hindi naman po sa ganun. Tsaka wala pong kasalanan si Rish. Ako po ang nagdesisiyon na huwag muna sa inyong sabihin hanggat di pa nagiging maayos ang pakiramdam ko." I explain.

"Kahit na! Pamilya mo kami! Pero bakit ngayon mo lang sinabi!" Hindi makapaniwala niyang saad.

"Hon... T-tama na... Naiintindihan ko ang panganay natin. Just let her rest first, please." Pagsusumamo ni mama dito ng may mga luha ng dumadaloy sa kanyang mukha.

"But-" he stop when Mama pleaded at him again. "Please..."

He let out a heavy sigh as a sign of defeat at napa-iling-iling then massage his temple.

"Fine. Rest first. But we will talk again about it tomorrow." Kalmado na niyang saad.

"Opo." I answer.

Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo at naglakad na patungo sa aking kwarto. Kinuha ko na rin ang mga gamit kong nakalapag sa sahig para di na muna sila makapasok sa kwarto.

Ayoko munang pumasok sila sa kwarto, gusto ko munang mapag-isa.

Di ko na tiningnan pa ang mga reaksiyon nila. Lahat naman sila ay pagkadismaya ang laging pinapakita eh. Tsk!

Bakit di muna nila ako intindihin?

Bakit di nila ako papaliwanagin?

May pagkukulang pa rin ba ako bilang isang parte ng pamilya nila?

The happenings now, I know that they already expected it but still they just hope for nonsense. Nawala na lang ng parang bula lahat ng pag-asa nilang makalimot na ako ng buo.

Ha! Kung alam lang nilang andoon ako noon sa labas ng kwarto nila nakikinig sa pinag-uusapan nila na sana ay di ko na maalala pang muli lahat ng naging buhay kong may-asawa.

Ngunit di ko na iyon pinansin pa dahil akala ko pinapangunahan lang sila ng kanilang emosiyon.

Pero...

Hanggang akala ko lang pala...

Tss!

Nasasaktan ako ngayon, oo. Ngunit ano ang magagawa ko? Diba?

Kahit pa sabihin kong sinabi kanina ni Mama na naiintindihan niya ako, ramdam ko parin naman na ganoon din siya na ayaw niya ring maalala ko pa ang mga iyon.

Alam ko naman na natatakot sila dahil ang nasa isip nila ay baka balikan ko si Carlos pagkatapos ng lahat-lahat ng kanilang ginawa para lang ma-annul kami kahit nasa state of comma ako.

Pero hindi ba nila iniisip na ako ang mas natatakot at nasasaktan sa mga pinapakita nila sa akin ngayon? Kung kailan kailangan ko ng kalakasan, ng masasandalan, ng makaka-intindi, at ng mapagkakatiwalaan ko?

Hindi pa ba sapat sa kanila ang ilang taong paghihirap ko dahil sa pagkawala ko ng iilang alaala?

Kulang pa ba iyon para magsimula na naman silang pahirapan ako ngayon?

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ay agad ko itong nilock. Ibinaba ang mga gamit sa sahig at nanghihinang napa-upo sa tabi ng aking kama at dumukdok habang walang ingay na umiiyak.

Bumuhos lahat ng sama ng loob na kanina ko pa pinipigilan simula ng magalit sa akin si papa at makita ang pagkadismaya sa mukha nila.

Ganun na ganun din ang nangyari kay Rish ng malaman niya ang totoo, kaya pati iyon ay naiiyak ko na din ngayon.

Wala na bang katapusan ang sakit na ito???

Sana namatay na lang ako...

Light Within The DarknessWhere stories live. Discover now