CHAPTER 8

32 1 0
                                    

Shantal's POV

Days, Weeks,and now 5 months na pala ang nagdaan Mula ng ikasal kami but still no improvement at walang pagbabago.

Cold pa rin siya sa akin.Wala sa mga niluluto ko man lang ang kinakain niya.None of my efforts are worthy for him.Hindi niya ako pinapansin.Kahit na alam ko nakikita niya ako walang araw na hindi ko naramdaman na invisible ako.

I was so hurt everytime I saw him treating LJ as a queen while me mas masahol pa sa basahan ang tingin niya.He never appreciated all the things that I've done for him.Masakit na pero pinili ko toh.Ginusto ko toh.

Kung nasasaktan man ako ngayon ay kasalanan ko din,hindi ko kayang bumitaw.Gustuhin ko man pero mukhang Di kaya nitong puso ko.

Feeling ko Kay Billie lang nakasasalalay ang buong buhay ko.Hindi pa ako pwedeng sumuko kasi alam kong isang araw mamahalin niya din ako, lagi kong sinasabi sa Sarili ko.

He attended today a birthday party of his friend pero hindi ako ang sinama niya kundi si LJ.Tinalo pa ako ng babaeng yun,kung titignan mas mukha pa syang asawa kesa sa akin.

I admit to myself and I can't deny the envy.Billie spoiled her too much while me I'm trying to win his heart.Lahat ng gusto niya binibigay ni Billie.He cares for her so much than me na asawa niya.

Hindi ko maiwasan na mapaluha Kasi naman legal kaming kasal pero wala akong magawa.Asawa ko siya pero ni mahawakan,mayakap o makatabi sa pagtulog ay hindi ko magawa.

I don't envy LJ for what Billie buy for her,but I envy the way Billie loves her and care for her.

Iniisip ko na may chance ba na ganun din ang trato sa akin ni Billie.May chance ba na he will hug and care for me.Pakiramdam ko Kasi wala talaga,ang sakit at hirap.

Nahihirapan na ako pero lagi kong kinukumbinsi yung sarili ko na kailangan ko maghintay even it takes a years o kahit kailan.Pero tinatanong ko yung sarili ko kung talaga bang kakayanin ko.

It's already night pero di pa rin sila umuuwi.Buti pa yung LJ na yun maipapakilala niya sa mga kaibigan niya samantalang ako mukhang malabo.

Aakyat na sana ako sa taas para matulog na ng biglang bumukas ang pinto.It was him with LJ.Umikot ang mata niya na para bang may hinahanap siya.Then it stopped in me.

Bigla akong kinabahan ng madilim ang mukha na na lumapit sa akin saka hinila ang braso ko ng sobrang higpit samantalang si LJ naka smirk sa akin.

"Nagsumbong ka sa mga grandparents ko?!Sagot?!,"galit na sigaw niya.

"Hindi Kita maintindihan, Billie.Anong sinumbong?Wala akong ginagawang ganun,"naluluha kong sabi.Bigla niya akong itunulak dahilan na na-out of balance ako.Naramdaman ko ang sakit ng pagtama ng braso ko sa sahig ganun na din ng bewang ko.

"Liar!!Wala namang pwedeng magsumbong kala Grandma at Grandpa ng tungkol sa nangyayari sa bahay na ito kung hindi Ikaw lang!!,"galit niya na sinabi.Umiiyak na ako ngayon.Naguguluhan ako sa sinasabi niya.Wala naman talaga akong alam.

"I don't anything,Billie,mamatay man ako ngayon,"umiiyak kong sinabi sa kanya.I am so scared.

Nakaramdam ako ng sakit ng naramdaman ko na may humila ng buhok ko na walang iba kundi si LJ.

"Bitawan mo ako!!,"sigaw ko sabay bangon at hila din ng buhok niya.

"You bitch!!Ganyan ka ba kadesperada!!Kahit anong gawin mo,kahit magsumbong ka!Nothing will change.Akala mo ba mamahalin ka ni Billie,"pasigaw niya na sinabi.Sa sobrang galit ko sinuntok ko ang tyan dahilan ng pagkatumba niya saka ko siya pinatungan at sinabunutan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Biggest MistakeWhere stories live. Discover now