CHAPTER 56: IMMUNITY

35 3 1
                                    

Yey. I missed updating. 

________________________________________________________________________________

Malayo layo na din ang nalakad namin at wala na si haring Araw, madilim sa kakahuyan at tanging ung maliliit na flashlight lang sa kamay naming ang nagsisilbing liwanag sa paglalakad naming iyon. Nabalot na naman kami ng katahimikan.

"Wala ba tayong makikita kahit maliit na kubo na pwedeng paglipasan ng gabi?" Biglang sabi ni Gon sa tabi ko. Sanay kaming maghanap ng lugar na mapaglilipasan dahil mahirap sagupain ang mga Eaters kapag gabi. Madaming pagkakataon na nababawasan kami kapag sinsusbukang lumaban sa gabi. Pero wala kaming makita puro puno lang ang paligid.

Magsasalita na sana ako ng may narinig kaming kakaibang tunog. Mahihinang ungol na halos malapit na sa amin, mga yabag ng napakaraming tao. Bigla akong kinabahan at naalala ung sinabi ng mga lalaki patungkol sa mga bangkay na nadaanan namin.

"Takbo" Biglang sabi ni Luis sa samin at nagsimula na kaming tumakbo. Ang sinusundan ko lang ay yung liwanang na nangagaling sa flashlight ni Luis. Wala kaming ideya kung saan kami dinadala ng mga paa naming. Tumatakbo lang kami habang nasa pandinig naming ang parang isang bulto din ng naglalakad na tao.

Mga iilang minuto na din kaming tumatakbo ng napansin kong may isang liwanag sa isang parte ng kakahuyan liban sa flashlight na sinusundan ko na maaring kay Luis or kay Gon. Napatigil ako dahil doon at patuloy naman na palayo ung liwanag ng flashlight nila. Mas nagtaka ako kung bakit hindi nila yun napansin.

Bigla akong kinabahan ng naramdaman kong madaming yabag na papalapit sa likod ko, but what shocked me the most is when I glanced on them they ignored me and just run and walk without noticing me. Hindi nila ko pinansin. I stop in the middle of nowhere and just watched them passed by me. I saw the moon lights up a certain part of them and saw that these are the corpse that was sleeping earlier on, they looked like a clean eater pero kitang kita sa mga mata, galaw at tunog nila na Eater din sila na pwede akong kagatin pero hindi nila ginagawa.

Nagulat nalang ako ng bigla bigla ay may humatak na sa akin.

"Lets go Gin" he said, dragging me away from those Eaters. I was looking at him intently. Siya din. Hindi din siya pinapansin ng mga ito.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko na ramdam kong hahatakin na niya ko anytime. Nakatingin lang ako sa kanya. Naghahanap ng paliwanag sa mga mata niya pero wala akong makita. Hindi pa sana ako matatapos na makipagtitigan kung hindi lamang bumangga sa akin ang katawan ng isang Eater. Bumagsak lang ito at pagkatapos ay bigla nalamang bumangon at naglakad pang muli. Pinapanuod ko lang silang banggain ako at patuloy na maglakad.

Ang ibig bang sabihin nito ay harmless ang mga Eaters na ito at di kami kayang saktan? Pero bakit sabi ng mga nagtapon ng katawan kanina ay di nila gugustuhing sagupain ang mga ito ?

"Hindi ko din alam kung bakit di nila ko pinapansin Gin," sabi niya sa akin. " Wala din akong ideya. Natapilok ako habang tumatakbo at napansin kong hinayaan lang nila ko. Hindi nila ko binigyan ng pansin at patuloy lang silang naglakad"

"Paano?" bigla kong nasabi. Natatakot na ako sa aking sarili.

"Wala akong sagot sa tanong mo Gin, bakit hindi mo kaya tanungin ang sarili mo, baka may naalala ka."

"Ang naalala ko lang ay may kapatid akong lalaki na nangakong hindi ako iiwan, pero Nawala siya, Nawala ang alalala ko. Hindi ko na alam kung sino ako.. Simula ng nangyari ang lahat ng ito may mga alaala akong hindi ko alam, may split personality ba ko nung bata ako? May katauhan ba kong iba? Reincarnation ba ko? O nababaliw lang ako?"

"Gin" he said looking at me intently.

"Bat wala kang masabi? Hindi mo din alam, araw araw simula ng may naalala na ako. Laging laman ng isip ko bakit ngayon lang? nabuhay ako ng matagal na ang alam ko ang pangalan ko ay Gin, Ginalyn, Lyn.. Tapos ano biglang hindi na? O baka may nagturok sa akin ng gamot? Naalala ko galing akong ospital bago magsimula ang mga pangyayaring to? Hindi kaya eksperimento na din ako? Hindi kaya ang gobyerno at yung mga mayayamang nilalang ei nag random testing tapos ako ung napili? Kaya siguro may mga nilagay sila sa katawan ko na pwedeng mag trigger kapag nagsimula na to? Diba?? Eksperimento tayong lahat?"

"Hindi ka eksperimento Gin"

"Eh kung hindi ano to?"

Naglalakad pa din sa paligid namin ang mga Eaters ng hindi kami pinapansin pero halo halo na ang laman ng utak ko.

"GIN????" malakas na sigaw na nagpabalik sa utak kong halo halo na din ang iniisip. Napansin kong papalapit na siya sa amin at biglaan akong niyakap. "Kumusta kayo? Paano? Anong nangyari?" Sabi niya sa aming nakangiti.

"Nakita kong may liwanag sa parteng ito kaya naman dali dali akong napunta, iniisip kong katulad ko ay may mga tao din kayang hindi pinapansin ng mga Eaters na to? At di nga ako nagkamali" She said amused. "Nakakatuwang makita kayo, nag aalala pa nga ako bago ako lumapit kasi baka galing kayo sa Harbour mahirap na at hinahanap pa naman nila ako. Pero nung nakumpirma kong kayo yun dali dali na kong lumapit" Niyakap niya ko ng mahigpit habang sinabi ang mga salitang yun. "masaya ako. Masayang masayang makita kayo"

"masaya din akong makita ka" sabi ko at niyakap na din siya pabalik. Hindi ko inaasahang sa ganitong pagkakataon kami magkikitang ulit.

"Ano ba to dito pa talaga tayo nag-usap, lets go. Dun muna tayo kung saan ako nagtatago" Hatak niya sa amin.

"Papaanong?? Hindi ka din nila pinapansin?"

"Hindi ko din alam Gin, sabi baka daw immune ako sa kanila"

"Immune?"

"Oo. Ung mga taong hindi tinatablan ng sakit diba?" sabi niya habang katabi ko. "Hindi naman kasi talaga sila Eaters, ginawa lang silang Eaters pinag eksperimentuhan ng mga taga harbour kaya may posibilidad na alam mo na may mga taong immune sa kanila.."

"Hindi ba nakapagtataka na hindi nila tayo pinapansin"

"Un na nga ei, hindi ko din alam. Andaming sinasabi sa akin pero hindi ko naman naiintindihan." Lumingon akong muli sa likod at napansing kong tahimik lang na nakasunod sa amin si ....

"Luis hindi ko inaasahang pati ikaw immune din sa mga Eaters na yun, pero masaya akong makita kang ulit" sabi ni Krane na alam kong nakangiti sa tabi ko.

Ako. Si Krane at si Luis ay immune sa isang klase ng mga Eaters. Hindi ko na alam ang iisipin. Masyado na naming magulo ang aking utak. Hanggang sa naalala kong hindi pala namin kasama si Gon.

"Luis, asaan si Gon?" 

________________________________________________________________________________

Hopefully im back, 

Kaye :) 

STAY ALIVEOnde as histórias ganham vida. Descobre agora